Badtrip! -_- At bakit?! Galing lang naman ako sa Registra Office ng school namin. Tsk! Bakit ganon?! sinabi ko ng ayaw ko dun! grrrr!
"Martinez! hey! wait!" tawag ni Ma'am Hannah. Lumingon ako sa kanya at pinakita ko talaga sa kanya na naiinis ako.
"Bakit po?!" may paggalang ngunit may pagkabagot kong sagot ng makalapit na siya sa akin.
"Nakita mo na ba kung saan ka magro-room?" ngiting ngiti pa talaga siya nuh? "Opo." tipid kong sagot. Pero, hindi na ako ganun kabadtrip.
"Ehem! eh kumusta? :)" wika niya. Humugot muna ako ng hangin bago sumagot sa kanya. "Ma'am! Bakit nyo naman po ako inilagay sa first section? Di'ba po? Sabi ko, huwag na huwag nyo po ako ilalagay dun? Ibang section na lang po. Kahit saan po Ma'am wag lang dun! Please?" pakiusap ko sa kanya.
"Bwahahaha! :D" sinu-sundot sundot pa niya ako sa tagiliran habang tumatawa. "Sus! Pakipot ka pa! Alam ko namang gusto mo dun ih!" Tuwang-tuwa siya habang naka poker face lang akong nakatingin sa kanya. -_-
Sus! Alam ko naman kung anong tinutukoy nya. Wala talaga siyang napagti-tripan ngayon kundi ako. :/
"Ma'am, Please! Parang awa niyo na! Ilipat niyo ako ng section. Please?!" sabi ko habang naka pout at hawak-hawak ang kanyang mga kamay. "Please? Ma'am?" tinapat ko na ung kamay nya sa baba ko habang naka pout.
Ngumiti lang siya at bigla nya akong hinila papunta sa kabilang building. Hindi pa kami nakakalayo sa pwesto namin nung bigla akong nakahawak sa bintana ng isang room na natapatan namin. Nandito kami sa First yr. building.
First day of School kaya ang ginagawa lang nung mga First Year Student sa room nila ay ang magpakilala sa guro at kapwa estudyante nila, isa-isa sa unahan.
Hinihila-hila pa din ako ni Ma'am Hannah pero di niya ako mahila dahil mahigpit ang pagkaka-kapit ko dito sa bintana.
"Martinez! Tara na! Bumitaw ka na diyan!" sigaw nya sa akin. "Waaaah! Sinabi ko na sa inyo Ma'am! ayaw ko dun! Hinding hindi ako bibitaw sa bakal na ito!" pasigaw ko ding sinabi yon sa kanya.
Lalo nyang nilakasan ang paghila sa akin pero this time, sa paa ko na sya nakahawak. Dahilan ng pagtaas ng dalawang paa ko habang nakahawak ako sa bintana.
Halos lahat ng estudyante sa room ng kinakapitan kong bintana ay sa amin na nakatingin. Paano bang hindi? naka angat na yung katawan ko eh. Tapos, sigawan lang kami ng sigawan ni Ma'am Hannah.
Nakakahiya? Hahaha! Hindi ako nahihiya noh? another trending moment ko na naman ito. Lols! :D
"Martinez! Bakit ba ayaw mo doon?! Matalino ka naman ah! Kayang kaya mo yon!" sigaw nya. "Eh sa ayaw ko nga don! Ma'am, please! Ilipat nyo ako. huhuhu :'( " pero joke lang yon. Nag iiyak iyakan lang ako. HAHAHA :D
Napaka tagal kong nakalambitin dito habang nakikipag sigawan kay Ma'am Hannah. Wala akong pake kahit sino pang dumaan sa amin. Basta, hindi ako bibitaw.
Kung kanina badtrip ako. Ngayon, nag-e-enjoy na ako! Bwahahaha :D First day na First day, nakikipagtalo na naman ako kay Ma'am Hannah. Tapos, nakakasagabal pa kami sa mga First yr. ayos na ayos toh! HAHAHA! Well, i'm Keandra Martinez. Isa sa pinaka makulet, cute at pasaway na Second Yr. Student. Kilalang mabarkada sa mga guro (i'm not that kind of sipsip at saka ung mga batang teacher lang naman ang binabarkada ko. Like, Ma'am Hannah. 25-31 years of age lang) at kilala ding Teacher's enemy no.2. (ung mga, 39-50yrs.old.)
Nainis talaga ako kanina nun nalaman kong sa First section ako this year. Ayaw ko dun. Patalinuhan masyado. Gusto ko yung chill lang. Yung kayang kaya ko magpakasiga sa room? Ganun. Kaya mas trip ko sa lower section.
BINABASA MO ANG
CLUELESS (Lesbian Lovestory)
RandomMagulo ang mundo. Maaring gusto kita, pero gusto mo siya. Gusto mo siya, ngunit mahal niya'y iba. Kailan magiging fair ang lahat? Hindi ko hinihiling na mahalin mo din ako agad. Ngunit ang mas ikinasasama ng loob ko at ikinasasakit ng damdamin ko ay...