JFF'6: I wouldn't mind
nasa hotel padin si Yoona at ang mga bata ng may tumawag phone nya
"yes pa--?" -yoona
"yoona umuwi ka na, kailangan na kita dito"
"okay po papa" -yoona
mabilis na nagayos si Yoona ng gamit, at tinawagan na din ni Yoona ang maid ng kambal para makapaghanda, wala pang kalahating oras ay naka pag-check out na sila sa hotel, saktong 11:30 ay nakarating na sila sa bahay ng papa nya, nasa loob padin sila ng sasakyan, nakakaramdam ng kaba si Yoona sa kanyang dibdib.
"mom bakit hindi pa po tayo bumababa?"
"shut up Yhula, may iniisip si mommy can't you see?" tama si Yhubert may malalim na iniisip si Yoona kaya pati ang mga anak nito ay hindi nya makausap ng ayos, nagising lang sa katotohanan si Yoona ng may kumatok sa bintana ng sasakyan, pinagbuksan sya ng pinto nito at mabilis nya itong niyakap.
"pa"
"anak nasa loob sya kanina ka pa nya hinihintay"
"yes pa" kumawala si Yoona sa pagkakayapos sa kanyang ama
"pa ikaw muna ang bahala sa kambal" tumango lang ang kanyang ama bilang sensyales ng pagsangayon, lumakad na si Yoona papasok sa loob, pinagbuksan naman sya ng mga katulong na nakatayo sa may harap ng pinto, napansin ni Yoona na maraming pinagbago ang kanilang mansion sa pilipinas, apat na taon din syang nawala dito kaya bawat kagamitan sa loob ay nagbibigay ng ala-ala sa kanya, mas gumanda ang paligid pero hindi maitatanggi ang kalungkutan sa loob, umakyat si Yoona sa pa-Spiral na hagdan sa sala upang makarating sa master's bedroom, ang silid kung saan nakaratay ang kanyang kinilalang ina.
nasa harap na siya ng pinto, dahan dahan nyang pinihit ang door knob, habang bumubukas ang pinto ay rinig ang paglangitngit nito, tuluyan na nyang nabuksan ang pinto kaya pumasok na sya sa loob ng carpeted na silid, sinalubong sya ng isang nurse at nginitian naman sya nito.
"maam ano pong kailangan nila?" tanong ng nurse kay Yoona
"kailangan ko syang makausap"
"pero maam nagpapahinga po siya, kung gusto nyo po ay hintayin po natin ang pag-gising nya" ngumiti lang si Yoona bilang pag-sangayon, lumakad papalapit si Yoona sa nakahigang ina-inahan, na mukhang hinanghina at parang tanging mga aparato lang ang nagbibigay buhay.
"huli na ang lahat ng madiagnose ang lung cancer nya, which makes treatment less likely to succeed and reduces her chances of survival" nakikinig lang si Yoona sa mga sinasabi ng nurse ng nanay-nanayan nya. hindi nya alam ang dapat maramdaman, dapat ba syang malungkot?, maawa? o maging masaya, dahil ang tinuring nyang ina na kahit kailan ay hindi pinaramdam sa kanya kung gaano kasarap ang magkaroon ng nanay na mag-aalaga at aaruga sa tuwing magkakasakit sya, sa tuwing may-mananakit sa kanya at kahit sa unang pagkakataon na magkasugat sya, ni-isa sa mga bagay na ito hindi manlang naiparamdam ng babaeng naka-ratay ngayon sa higaan.
hindi napansin ni Yoona na may patak na pala ng luha ang umaagos sa kanyang pisngi, patago nya itong pinunasan, habang nakatingin sya sa mukha ng mama nya, naalala nya noong bata pa sya, araw ng birthday ng kanyang mama naisipan nyang tanungin kung anong magandang regalo para dito, dahil yung mga nakalipas na surpresa ni Yoona ay binaliwala lang o kaya naman ay harap-harapan na sinisira o tinatapon sa bintana, kaya naman naiisip nya na baka naman hindi nagagandahan ang mama nya sa mga surpresa nya, at dahil doon naglakas nalamang siya ng loob upang tanungin ito kung anong gustong matanggap na regalo.
nasa tapat na ng kwarto ang batang si Yoona, kumatok ito pero walang nagbubukas ng pinto, wala na ang papa nya sa bahay dahil oras nito ng trabaho, muli, kumatok sya sa pinto pero wala paring nagbubukas nito, kaya pumasok na sya sa loob, dahan dahang humakbang si Yoona papasok at naaubatan ang ina na lasing at naka higa lamang sa lapag.
BINABASA MO ANG
JUST for FUN
Teen Fictionlove? it may be disturbing but it will be full of fun... note: The places and scenes are only fictional and product of writer's imagination. Be aware of some vulgar words, it is only used for expressing the character's feelings. Being open minded i...