"Cham! Bilisan mo naman diyan oh.""Sandali nga lang kasi!" Ugh! nasaan na ba 'yun? Kainis naman oh!
"Eh ano ba kasing ginagawa mo diyan at ang tagal tagal mo namang lumabas?! Kanina ka pa sandali ng sandali ah! Ilan pa bang sandali kailangan mo para bigyan na lang kita? Male-late na tayo sa school nito baka pagdating natin 'dun tapos na ang klase!!" galit na tanong niya mula sa baba.
Paanong hindi pa ako lumalabas sa kuwarto ko? Eh kanina pang umaga nawawala ang sapatos ko 'nung hinahanda ko pa lang ang mga kakailanganin para sa school. Sinabi ko sa sarili ko 'nun na mamaya ko nalang hanapin 'yun. Kaya.. Heto ako ngayon nag-iisa..~ hinahanap ang..~ nawawalang sapa ~ ah too ~ ohh oss..~ Haha! Alam ko waley.
"Nagha-hide and seek ako ngayon okay? Nasaan ba siya nagtatago? Sappy! nasaan ka na? Okay.. suko na ako Sappy.. ikaw na panalo. Ayaw ko ng maghanap pagod na ako kaya sige na.. Magpakita ka naman oh. Bibigyan kita ng medyas diba gusto mo medyas? Sige na Sappy.." para na akong baliw dito kinakausap ko ang sapatos na umaasang maririnig niya kahit hindi naman talaga ako maririnig ng sapatos ko kasi nga bagay ito hindi tao.
"HA!! Kanina pa ako naghihintay dito at male-late na tayo nagawa mo pa talagang maglaro diyan?!!! Wow! Hindi na ako nahiya n'yan sayo ah! Sappy?!.. at sino naman si Sappy?! Ikaw Charm malilintikan talaga kita kapag 'di ka pa lumabas diyan at iharap sa'kin 'yang lalaki mo!! Hindi ako nabalitaan na nagdadala ka na pala ng lalaki dito sa boarding house natin ah." patay tayo dito!!.. na-misunderstand niya ang sinabi ko at sigurado akong nagpupuot na sa galit si Beth ngayon.
"Ahh.. N-nagkakam-ma-mali ka Beth wala ak-kko-ong lala-" naputol ang pagpapaliwag ko sa kanya dahil muli siyang nagsalita at mas lalo akong kinabahan at natakot sa sinabi niya.
"Bibilang ako ng lima!! Kapag hindi ka pa lumabas diyan!! MAKIKITA MO CHARM!! MAKIKITA MO!!" palakas ng palakas ang boses niya habang sinasabi niya 'yun.
TOKWA! PAAKYAT NA SIYA!
Paano na 'to galit na talaga siya? Buwisit! kasi 'tong sapatos, hindi ko pa nakikita!! Ahh! Ano nang gagawin ko ngayon? Mag-isip ka Charm.. mag-isip ka.
"Isa... " Oh my! nandito na siya sa tapat ng kuwarto ko!
"Dalawa.. "
Sh!t! Saan ko ba 'yun nilagay?!
"Tatlo.."
Ahhh!! Baliw ka Charm! Kung saan saan mo kasi nilalagay ang mga gamit mo ayan dedo ka na ngayong burara ka!!
"Apat.. "
Anak ng tipaklong naman!! Saan ko ba 'yun nailagay?!! Jusko!! tulungan niyo po akong mahanap ang walangyang sapatos na 'yun!
Sa mga segundo na 'yun parang mahihimatay na ako sa tindi ng kaba at takot sa puso ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nagbabadya ng tumulo ang mga luha ko sa sandali na naisip ko kung ano ang gagawin ni Beth sa'kin. Bakit ko ba 'yun sinabi?
Tanga mo Charm! Ang tanga mo talaga. Alam mo namang seryosong nagtatanong si Beth pero biniro mo ang sagot. Kahit kailan ang napaka mo talaga. Hay! Ewan ko sayong bobita ka!
Tama na! Sinasayang ko lang ang segundong natitira.
Huminga ako ng malalim at pumikit inaalala ko kung saan ko huling inilagay 'yung sapatos na pisting 'yun. Pinapahirapan pa ako hindi naman kagandahan. Pwe! Kapag nahanap talaga kita..naku! Siguradong.. siguradong.. susuotin talaga kita. Pasalamat ka hindi ko kayang itapon at sunugin ka regalo ka ng mama ko. Masasayang lang wala pa naman akong ibang sapatos. Amph!
BINABASA MO ANG
Role Playing (One Shot)
Teen FictionGusto ko lang sabihin sa inyo na sana magustuhan niyo po 'tong story ko at salamat po sa pagbabasa. Enjoy reading! Plagiarism is a crime. Picture is not mine. Credits to the rightful owner.