Chapter I

151 7 0
  • Dedicated kay Maika Hidalgo
                                    

{Hebrews' PoV}

My name is Hebrews.

Walang apelyido.

Isang Cupid.

Di matukoy ang edad...

Nakatira sa kung saan mo gusto...

Di natutulog...

Di kumakain...

At higit sa lahat, hindi nagmamahal.

Wait.

Take two.

HINDI NAGMAMAHAL.

Bakit?

Simple lang.

Di ko alam. xD

Pero ayos lang sa akin.

Mas okay nang mag-isa kesa pumasok sa isang magulong relasyon.

HAHAHAHAHAHAHAHA!!!

"One of the best moments in life is when you feel sad, but you've got someone who's doing more effort just to make you smile." sabay sara na sa binabasa kong notebook na puno ng mga quotes.

Psh!!!

Ano yun?

Puro kalandian.

"Anong kalandian ka dyan?" -Rita

Hay naku. Ang kapatid ko na naman na si Rita.

"Yes, it's me. The one and only!"

Hindi ba 'to magsasawang inisin ako? NakakaiRITA na ha.

"Corny nito." -Rita

"Ano ba! Tigilan mo nga yung pagbabasa sa isip ko! Langya naman oh. Nagagawa ko rin yan!" sigaw ko sa kanya.

"Alam na ng readers na sumisigaw ka. Kaya nga may exclamation mark eh. Di mo na kailangan pang sabihin na sumisigaw ka kasi nga may exclamation mark. Pag period naman ang---"

"Oo na. Tinuro na sa atin yan sa academy. Nakaka-GG ka talaga."

"Hala... nagmura ka... " sabi nya saken na mukhang nananakot.

Yeah. Nagmura ako. Kahit GG lang sinabi ko, nakapagmura pa rin ako dahil mura yung nasa isip ko. Anyway, as if naman na matatakot nya ako.

"Mabuti pa, umalis na lang muna ako dito. Ayoko muna makita yang mukha mo at marinig yang nakakairitang boses mo." sabi ko habang pisil-pisil yung ilong nya. Pagkatapos ko sabihin yung linyang yun ay dali-dali na akong lumipad paalis sa langit.

Mga anghel kasi talaga kami. (Di lang obvious saken) Nagkataon lang na tinoka ako na maging cupid kaysa maging guardian angel or tagasala ng wishes ng mga tao. Gusto ko nga sana maging assistant ni San Pedro kaso, marami na daw masyado.

Hindi ko alam kung saan pupunta. Kung sa lugar ng mga tao, ano namang gagawin ko dun? Sa lugar naman ng mga anghel na TULAD KO, di rin makakapagpahinga yung isip ko dahil kay Rita na nakakaiRITA!

"Corny mo talaga." -Rita na naman.

"Tumahimik ka dyan."

"Bumalik ka dito. May pag-uusapan tayo." -Kuya Peter

Hayst. Dahil sa sinabi ni kuya, tumigil agad ang pakpak ko sa paglipad papunta sa kung saan at dali-daling lumipad pabalik sa langit.

///Langit

"Inaway mo na naman ang ating kapatid." -Kuya Peter

"Sya ang nag-umpisa. Nananahimik lang ako sa isang tabi tapos biglang magbabasa ng isip ng may isip."

"Asaan ang pananda ng paggalang?" tanong ni kuya ng mahinahon.

"Po."

"Ang bawat salita ay makapangyarihan. Nagmumula dapat sa puso at hindi sa nguso." sabi ni kuya sabay tapik sa balikat ko. "Oh, siya. Aalis na ako at may binabantayan pa ako." at lumipad na nga si kuya paalis.

Guardian angel si kuya Peter. Si Rita naman, isa sa mga tagasala ng wishes ng mga tao.

Nang paalis na sana ako, bigla namang sumulpot si Rita.

"Pingalitan ka ni kuya?" tanong nya.

"Alam mo namang walang nagagalit dito diba?"

"Meron kaya. Ikaw! HAHAHAHA!!!" sabi nya sabay turo sa akin.

"Hay... Sorry na okay? Ang dami ko nang pagkakamaling nagawa sayo. Nagsisisi na ako." sabi ko sa kanya nang SINCERE. "Marami pa akong dapat matutunan. Di ko na alam kung ano ang tama." napayuko ako bigla.

"Tama na ang drama kuya. Di ako sanay. Hanap ka ni ate Esther." -Rita

"Oh? Bakit daw?"

"Malay ko. Tanong mo na lang sa kanya." sabi nya tapos biglang lipad paalis.

Pumunta na ako sa playground kung saan kami lagi nagkikita at tumatambay.

"Napagsabihan ka na naman noh?" biro ni Esther.

"Nakakainis kasi si Rita eh." sabay higa sa damuhan na parang pose ni Juan tamad.

"Hay naku. Kailan ka kaya matututo?" sabi ni Esther sabay tapik sa noo na may kasamang iling-iling pa.

"Alam mo yung feeling na kahit alam mo na yung tama, nagagawa mo pa rin ng mali?"

"Hindi. Pero salamat sayo dahil nakikita ko at dahil dun, natututo ako." sabi nya sabay tawa ng mahinhin.

"Nakakatawa." sabi ko with sarcastic tone.

The Adventure Of A CupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon