Chapter 14 .

106 2 1
                                    

~ MISSION 1.0 ~

Sandra POV's

Nakausap ko si carla kagabi bago ako matulog ... nasabi ko sa kanya yung nangyari at buti na lang hindi siya nagalit sa akin .. ang sabi pa nga niya ituloy ko lang daw ang ginagawa ko .. pero ang pinakaimportante ay hindi ako mafafall sa kanya ...

Papasok na ako ng school pagkalabas ko ng bahay .. nagulat ako sa nakita isang pamilyar na sasakyan .. saan ko ba nakita to ? .. at bigla kong naalala ito yung sasakyan na sinakyan dati ni carla ? So ... si prince to ? Anong ginagawa niya dito ? .. kinatok ko yung salamin ng kotse niya at ibinaba niya ito ..

" anong ginagawa mo dito ? Sino sinusundo mo ? .." tanong ko ..

" wala .. napatambay lang .. nasanay kasi ako ee .." sabi niya ..

" at talagang dito ka pa tumambay ha .. " sabi ko naman ..

" aalis na rin naman ako ee .. " sabi niya .. " makikiwifi lang saglit .." sabi niya ..

" wow ! Ang yaman walang wifi .. at talagang dito pa nakiwifi ha .." sabi ko sa kanya ..

" pinutol ni dad yung wifi namin ee .. kaya nagpunta ako dito .." sabi naman niya ..

" ayan kasi sa halip na magaral ka .. ayan ang inuuna mo .. paglalaro ng coc .. mabubuhay ka ba diyan ? .." tanong ko .

" wala kang pakialam .. iwan mo na nga ako dito .. pumasok ka na dun .." paalis niya sa akin ..

" hiyang hiya naman kasi ako sayo ee ... bahala ka na nga diyan .. " sabi ko paalis na ako pero tinawag niya ako nakasalamin siya .. pero inferness ang gwapo niya ha ..

" hoy ! Meron pa akong dahilan kung bakit andito ako .. " sabi niya ..

" at ano naman ? .." sabi ko ..

" tulungan mo kong makapasa ngayong sem ... kapag hindi ako pumasa lahat ng meron ako mawawala sa akin .. kaya pls tulungan mo ako .." sabi niya sa akin ..

" ako talaga ? Pwede naman sa iba ? .." sabi ko sa kanya ..

" ikaw ang nirecommend ni papa sa akin .. nakita niya kasi ang mga grades mo at nakita niya rin ang exam mo sa scholar ship kaya ikaw ang napili niya .. " explain niya sa akin ..

" sige pagiisipan ko ... pero may suweldo yan .. " sabi ko ..

" ano naman ? " tanong niya ..

" hindi naman to malaki .. basta ilibre mo lang ako ok na sa akin .." sabi ko sa kanya ..

" ayun naman pala ee .. " sabi niya .. " thank you ha .." sabay yakap niya ..ako naman napatulala lang sa ginawa niya .. " sorry ha .." sabay bitaw niya .

" ahh sige una na ako sayo .. kita kits na lang sa school .." paalam ko tapos umalis na ako .." hala bat ganito yung feelings ko .
Sa tuwing lalapitan niya ako para bang lagi akong namumula .. hindi pwede sandra ok .. may kasunduan kayo ni carla .." sabi ko sa sarili ko ... hindi pa ako nakakalayo ng huminto siya ..

" halika ka na sumabay ka na sa akin .. tutal may utang naman ako sayo kasi nakiwifi ako sa inyo .." sabi niya ..

"  naku hindi na prince ok na ako mamasahe .. sige na salamat na lang tska walang bayad yun .." sabi ko ..

" wag ka na maginarte diyan .. hindi ka maganda ok .. kaya sumabay ka na .. wala naman masama dun pinsan ka ng ex ko kaya ok lang .." sabi niya sa akin ..at aba ng asar pa ..

I'm Inlove With A CoC PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon