"CAT?"
Mula sa kinakain nito ay lumingon kay Lavender si Catrina. Tila naghihintay ito ng idudugtong niya habang abala sa pagnguya ng chicken afritada. Sa bagal nitong kumain, nakabalik na yata sa loob ang officemates nilang kumakain din sa canteen na iyon sa tabi ng building nila.
"Naranasan mo na bang ma-prank call or what?" tanong niya.
Kumunot ang noo nito. "Pa'nong prank?" Uminom ito ng tubig. "'Yong ginagawa-gawa ninyong mga influencer?"
She rolled her eyes. "Hindi ako kasali sa mga gumagawa ng gano'n. It's just that... Ewan ko. Dalawang beses na kasing may tumatawag sa akin. Hindi nagsasalita. Tapos..."
"Tapos?" interesadong tanong ni Cat. Lumapit pa ito nang kaunti sa kanya at napahinto pa sa pagkain.
"Finish your food. Tayo na lang ang tao rito oh," paalala niya muna bago luminga-linga sa paligid. "Tapos, ito nga. Para siyang ano... You know."
Kumunot lalo ang noo ng kaibigan.
"Ano... Nagma-mastrubate," napipilitan niyang kwento.
"Hala ka," nakangiwing reaksyon ni Cat. Napailing pa ito. "I-block mo agad 'yong number."
She actually did that already. But after blocking the first number, nasundan pa iyon. Ibang number naman ang tumawag. Pakiramdam niya tuloy ay hindi na iyon aksidente. Talagang may nananadyang tumawag sa kanya.
Matapos ang hindi matapos-tapos na pagnguya ni Cat, sa wakas ay nagyaya na itong bumalik sa loob ng office. Ten minutes na lang bago matapos ang lunch break nila kaya nagmadali na siyang pumanta sa ladies' restroom para umihi at mag-retouch habang si Cat naman ay bumalik na sa cubicle nito. Tatawagan daw nito ang boyfriend nito.
She put on some lipstick and retouched her face with press powder. Pagkatapos ay lumabas na rin siya. Hindi pa siya tuluyang nakakatapak palabas ng restroom area nang makasalubong niya si Prince na papunta sa men's restroom.
"Wow. Ang ganda mo lalo ngayon ah," nakakairitang puri nito. Pinasadahan siya nito ng mahalay na tingin mula ulo hanggang paa, pagkatapos ay ibinalik ang mga mata sa mga dibdib niyang bahagyang nakikita ang cleavage dahil sa low neckline ng chartreuse dress na suot niya.
"Isa pang pangmamanyak mo, gagawa ako ng paraan para mapatalsik ka rito," tahasan niyang sagot. "Technically, boss mo ako. Is that how you show professionalism to your head?"
Biglang nawala ang ngiti sa mukha ng damuho. He looked at her with angst. Na para bang hindi talaga nito nagustuhan ang lumabas sa bibig niya. She glared back and turned her back on him.
She went back to her office. Dahil marketing manager na siya, may sarili na siyang opisina. At gusto niyang magtagal sa opisina na 'yon for just one year. Ang gusto niya, one or two years from now, sa mas maganda at mas malaking opisina na siya. She'll get promoted again. She would make sure of that.
She was busy checking her schedule when her phone suddenly rang. Medyo nagulat pa siya. Napatitig siya sa screen. Unknown number na naman. Gustuhin niya mang hindi sagutin iyon ay napilitan pa rin siya. What if it's his boss? Or a company's client? She had no choice but to answer.
"Hello?"
As expected, wala na namang tumugon. At may naririnig na naman siyang mga ungol. She was annoyed. Sino ba ang nagti-trip nang ganoon sa kanya? She would break that person's neck if ever.
"If you think you're funny, let me tell you that you're not. Kung hindi mo ako titigilan, sisiguraduhin kong mati-trace kita at masasampahan ng kaso. Back off!" Iyon lang at pinindot niya na ang end call button.
She was badly pissed when she received another call. She slid the answer button without looking. Sigurado siyang mamumura niya na naman ang prank caller na iyon.
"What now?! Hindi ka talaga titigil?"
"Ms.Avila."
Awtomatiko siyang napa-straight ng pagkakaupo sa swivel chair niya. She cleared her throat. Sinilip niya ang screen ng phone. It was Mr. Devaras, one of their bigtime clients. May reputasyon itong mabilis magalit kapag hindi gusto ang naririnig.
"I'm sorry about that, Mr. Devaras. I thought it was the prank caller again. How may I help you?"
BINABASA MO ANG
Wicked Series I: Marionette (On-Hold)
RomantizmLavender had a stalker. Hindi niya alam kung kailan at kung saan nanggaling ang taong iyon. Pero malinaw sa kanya na hindi na normal na araw-araw niya itong nakikita sa subdivision nila magmula nang umuwi siya mula sa isang linggong business trip ng...