Liar
Hindi ko alam kung bakit buong gabing kumikirot ang puso ko. Lalo na sa tuwing inuulit-ulit ko ang mga sinabi ko sa kanya.
Lahat ng yun ay masasakit at nakita ko sa kanyang mga mata ang sakit. Pero hindi ko alam ang totoo. He's a playboy. His toys is a woman. His play time is a girl's feelings. Kaya paano ako maniniwala na sa dagat ng mga babaeng hinalikan niya at nasubukan ay mayroon akong pagkakaiba?
At isa pa...hindi ko panahon ngayon ang umibig at magkagusto sa isang lalaki. At kahit pa may nabuo na sa aking damdamin para sa kanya mas pipiliin ko pa rin ang tumakbo dahil alam ko kung anong prayoridad ko.
But I can't help it. Every time I think about the time where he always makes me happy I felt guilt and sadness.
Kinabukasan ay halos ayaw kong pumasok ng eskwelahan dahil sa nangyari. Natatakot akong makita si Edward. Natatakot akong makausap siya.
"Bakit hindi ka pa rin nakabihis?" Tanong ni mommy sa akin habang nag aalmusal kami. Nag-iwas ako ng tingin at sumubo ng bacon bago magsalita.
"I want to absent mom," I said. Natigilan si mommy.
"Why...what happened?" She asker worried. Tumigil ako sa pagnguya at tumingin sa kanya.
Kaya ako patuloy na lumalaban at nagtitiis sa sitwasyong ito ay para sa aking ina. I want her to escape this life. I want her to live freely away from my father. Kung sana lang ay kaya kong gawin ang lahat ng yun. Kung sana lang ay kaya kong bigyan siya ng buhay na wala sa kamay ng aking ama.
"I'm not feeling well..." I said and looked away. Lumapit siya sa akin.
"I heard that...Paula's daughter is...also studying in your school...is she's the reason?" she asked slowly.
Kumunot ang noo ko ng banggitin niya ang pangalan ng kabit ni daddy. I gritted my teeth when I remember Patricia and that bitch Paula.
"Don't mention that bitch's name again in front of foods Mom," I said getting annoyed.
"I'm just-"
"I'm done eating," I cut her off and walked out. Nagkulong ako sa aking kwarto at doon namaluktot buong araw. Nagpadala na lang ako kay mommy ng tanghalian at hindi na muling lumabas.
Ginugol ko ang aking oras sa pangagawa ng assignment at pagrereview. Pero ng matapos sa lahat ay hindi mapigilan ng isip ko ang maalala ang mukha ng isang lalaking patuloy na nagpapagulo ng utak at puso ko.
Bumuntong hininga ako at kasabay nito ay ang pagtunog ng phone ko. Kinabahan agad ako ng makitang si Edward ito. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba ito hanggang sa matapos ang pag-iingay nito dahil sa hindi ko pag-respond. I bit my lower lip and sighed heavily.
Hanggang sa tumunog ito dahil sa isang text. I open my the message and read it.
Edward:
I'm here outside your house.Literal na nanlaki ang mata ko at napatayo sa kama. Anong ginagawa niya dito?! Agad akong tumakbo sa bintana ng aking kwarto at tinanaw ang mataas na gate ng mansion namin. Hindi ko makita ang sasakyan ni Edward dahil sa taas ng gate.
Mabilis kong hinagilap ang aking hoodie jacket dahil naka spaghetti strap at short lang ako.
Mabuti na lang at wala si mommy sa salas kaya nakalabas ako ng bahay ng walang nagtatanong.
Sobrang malakas ang tibok ng puso ko hindi dahil sa biglaang paggalaw kundi dahil sa kaalamang pumunta dito ngayon si Edward! Class hours ngayon ah? Bakit nandito siya? Wala ba siyang klase?
BINABASA MO ANG
Broken Days (SUAREZ SERIES #3)
Roman d'amourMaria Jezebel Nicio only wants one thing. And it is to escape from her father along with her mother. She focused in that mindset until a man shattered it all. Ang kanyang batong puso ay unti-unting nabubuksan. His eyes makes her forget her pain, his...