w/n: photo mula sa https://pin.it/3t2YB9y
Sa isang maliit na inuupahang kwarto, dilat pa rin ang mga mata ng dalaga kahit hatinggabi na. Ito nga ba ay dahil nakatulog siya kaninang tanghali o di kaya'y nasisikipan siya sa kanyang hinihigaan. Katabi niya ang isang binata na nakilala niya dalawang taon na ang nakalipas. Kasya lamang sa iisang tao ang higaan ngunit pinipilit nilang pagkasyahin ang isa't-isa upang magkatabi silang matulog. Sa katunayan ay double-deck ang higaan ngunit pinili nilang dalawa na magkasya sa iisang higaan.
Bumalik tayo sa dalaga. Humahanap siya ng paraan upang makatulog ngunit kahit anong gawin niya ay hindi parin ito dindalaw ng antok. Dahil hindi parin siya inaantok, umupo siya sa higaan nagmuni-muni na lamang ito at nag-iisip na naman siya ng mga possibleng mangyari bukas o sa susunod na mga araw. Ginagawa niya ito kapag hindi siya dinadalaw ng antok, minsan ay nagbabalik tanaw siya sa mga nangyari sa kanya noon. Minsan nagtatanong siya sa kanyang isipan pagkatapos ay sasagutin rin naman niya na parang alam at nasaksihan niya ang mga pangyayari at mga sagot. Haaayyyy, nababaliw na ata tong dalagang ito.
Kasalukuyan siyang nag-aaral sa isang private university sa kanilang probinsya. Napilitan lang siyang mag-aral sa unibersidad na iyon dahil hindi siya nakapasa sa entrance exam sa public state university na inapplyan niya. Upang matustusan niya ang pangangailangan niya, nag-apply siya bilang student assistant. Ito ang pinakahuli sa kanyang listahan na gagawin niya. Dahil dumating ang pandemya at distance learning ang paraan ng pagtuturo, hindi na siya makakapagtrabaho. Nagpapasalamat pa rin siya dahil may isang scholarship pa siya na galing sa gobyerno. Hindi man kalakihan ang ayuda, mabuti na yon kaysa sa wala.
Dahil walang signal ng internet at hindi maganda ang environment sa tinitirhan niya sa kamag-anak niya, nagdesisyon siyang bumalik sa siyudad at kinulong ang sarili sa isang inuupahang kwarto. Sa dami na ng kwarto na natuluyan niya, nasanay na ito sa paligid at presensya: pabago-bago, nakakasulasok presensya, ang paggapang ng daga at ipis kapag madilim, mainit kapag umaga. Nakakaumay, nakakapagod.