THIRD PERSON POV
Lolo. " iha, nag aaway ba kayong mag asawa? "
Daevan. " narinig niyo po yung pinag usapan namin? " pagaalala nito
Lolo. " naku hindi nasa labas kami....nagsisigawan kasi kayo kaya napag isipan namin na baka nag aaway kayo. "
Daevan. " wag niyo na lang po kaming pansinin. " malamig nitong sabi
Lola. " iha hindi sa nakikialam pero...hindi maganda sa mag asawa yung nag aaway at pinapatagal. "
Daevan. " sanay na po akong mag isa...hindi ko kailangan ng opinyon niyo. "
Lola. " mag isa? Bakit nasan ba yung mga magulang mo? "
Daevan. " kahit kailan hindi ako nagkaroon non. "
Lola. " kung ganon...wag kang mahiya sakin...pwede mo kung ituring bilang totoong lola mo...nandito kaming mag asawa para sa inyo. " biglang tahimik naman ni Daevan
Lola. " anak hindi ka namin huhusgahan wag kang mag alala. " ngiti nito sabay tingin naman ni Daevan sa kanila
Daevan. " lola huhuhuhu ang sakit sakit na. " agad nitong yakap sa matanda
Lola. " ano bang problema? "
Daevan. " sabihin na lang po natin na....niloko niya ko...sinasaktan niya ko....kung ituring niya ko parang...hindi niya ko mahal... kasi kung mahal niya talaga ko maniniwala siya sakin at hindi niya...pagsasamalantahan yung kahinaan ko. " unti unti nitong tahan sa pag iyak
Lolo. " mayroon lang siguro kayong hindi pinagkakaunawaan....pinag usapan niyo na ba yan? "
Daevan. " opo...pero...hindi ako naniniwala sa kanya...sigurado akong nagsisinungaling lang siya. " konot noo nito
Lola. " kung ganon wala pala kayong pinagkaiba. "
Daevan. " po? " pagtataka nito
Lola. " kasi sabi mo hindi ka niya pinapaniwalaan...e ikaw bakit hindi mo rin siya pinapaniwalaan? "
Daevan. " da....hil ayoko siyang pagkatiwalaan....Dahil alam kung...sasaktan niya lang ako ulit. " lungkot nitong sabi
Lola. " anak....walang nagmamahal na hindi nasasaktan....walang pagkakatiwalaan kung walang magtitiwala....walang perpektong tao sa mundo, lahat tayo nagkakamali...bakit hindi mo siya bigyan ng isang pagkakataon ng malaman mo kung dapat pa ba siyang pagkatiwalaan. "
Daevan. " hin....di...ko...alam. " biglang iwas nito ng tingin
Lola. " alisin mo yang galit sa puso mo ng malaman mo ang kasagotan. "
Daevan. " e paano kung inuuto lang niya ko...pano kung sasaktan lang niya ulit ako...paano kung niloloko niya lang ako...paano kung....."
Lolo. " anak, paano mo malalaman kung hindi mo susubukan?....wag kang matakot sumugal dahil hindi ka sasaya kung puro paano lang ang iniisip mo e wala ka pa namang sinusubukan? Sabihin na nating pwede kang masaktan....pero pwede ka rin namang sumaya. " ngiti nito
Daevan. " paano kung tulad pa rin siya ng dati na puro....pera....kayamanan....pambabae.....at kapangyarihan lang ang pinapairal? "
Lolo. " subukan mo....kung mahal mo patatawarin mo...kung mahal ka magbabago siya para sa ika aayos niyo. "
Lola. " ang hirap magmahal diba? Hindi mo alam kung anong magiging dulo...pero ang mahalaga ay sinubukan mo ng sa huli ay hindi ka magsisi....maikli lang ang oras anak, hindi natin alam kung hanggang kailan lang tayo sa mundo...kaya nga kami ni berting, nilalaan namin ang natitira naming oras sa isat isa kesa sa ibang mga bagay na hindi namin madadala pag nawala na kami. " ngiti nitong yakap sa asawa

BINABASA MO ANG
Maybe it's you [COMPLETED]
Romance" Dulot ng nakaraan, kung bakit siya ganito sa kasalukuyan, ngunit nag bago para sa kinabukasan " kuntento na si hannah sa mga meron siya, ngunit dahil sa isang tao hindi lang buong buhay niya ang nag bago kundi pati narin ang boo niyang pagkatao, i...