THIRD PERSON POV
Jane. " Daevan ok ka lang? Ilang araw ka ng nagsusuka " pag aalala nito habang nagsusuka si Daevan sa lababo
Daevan. " hindi ko alam....lately ang sama ng pakiramdam ko. " sabay punas nito sa bibig
Jane. " hindi kaya. "
Daevan. " ano? "
Jane. " buntis ka? "
Daevan. " hi....hindi ako....sure. " gulat nitong sabi
Jane. " hindi ka sure? So posibleng oo? Kanino yan? "
Daevan. " hi...hindi ko alam. " mahina nitong sabi
Jane. " paanong hindi mo alam? "
Daevan. " nung may nangyari samin ni Caelan, 4 days after non may nangyari din samin ni Aiden sa isla...baka si...posibleng si....o kaya si....basta hindi ko alam! Ang sigurado lang ako ay may dugong versica to...kung buntis nga talaga ako. " tulala nitong sabi
Jane. " sana naman hindi....kasi pag oo....yung kuya mo sigurado akung hindi niya yan tatanggapin. "
Daevan. " anong gagawin ko? " hindi nito mapakaling sabi
Jane. " pumunta tayo ng hospital. " seryoso nitong sabi kayat agad na silang nagtungo at nagpa check up
Jane. " anong sabe ng doctor? Anong result? " excited nitong tanong
Daevan. " positive....buntis nga ako....at masilan yung pagbubuntis ko....hindi daw ako pwedeng ma stress at mapagod. " walang expression nitong sabi
Jane. " gosh....pano yan? "
Daevan. " syempre itutuloy ko to. "
Jane. " paano yung kuya mo? " pag aalala nito
Daevan. " hindi ko alam.....bahala na. " malamig nitong sabi
Jane. " daevan hindi mo matatago sa kuya mo to...lalaki at lalaki yang tyan mo. " agad nilang balik ng mansion
Russell. " saan kayo galing? " agad nitong salubong sa pintuan
Jane. " amh.....lumabas.....nagpahangin alam mo na girl talk. " ngiti nito
Russell. " ganun ba. " malamig nitong sabi ng bigla ulit nasuka si Daevan kayat dali dali itong pumunta ng lababo
Russell. " masama ba ang pakiramdam mo? " agad nitong lapit kay Daevan habang bakas sa mukha nito ang labis na pag aalala sabay hawak sa leeg at noo nito
Russell. " wala ka namang lagnat...hindi ka naman mainit....pumunta na kaya tayo sa hospital baka malala na yan. "
" wag! " agad na sabi nina Jane at Daevan
Daevan. " amh...ok lang ako. " agad nitong iwas ng tingin
Russell. " may tinatago ba kayo sakin? " pagtataka nito dahil sa kakaibang kilos ng dalawa
Jane. " wa...wala...ano naman ang itatago namin sayo. " pilit nitong ngiti
Russell. " siguraduhin niyong wala....ayaw na ayaw kung pinagtataguan ako. " malamig nitong sabi sabay talikod
Daevan. " kuya teka. " pigil nito kayat agad lumingon si Russell
Jane. " Daevan? " pag aalala nito at tumango lang si Daevan kay Jane

BINABASA MO ANG
Maybe it's you [COMPLETED]
Romance" Dulot ng nakaraan, kung bakit siya ganito sa kasalukuyan, ngunit nag bago para sa kinabukasan " kuntento na si hannah sa mga meron siya, ngunit dahil sa isang tao hindi lang buong buhay niya ang nag bago kundi pati narin ang boo niyang pagkatao, i...