Kabanata 2

2.5K 161 56
                                    

Kabanata 2: Curiosity

After Lieutenant Siergel left me, I investigated the area. May ilang patak ng dugo ang nakita ko sa 'di kalayuan. I took out my phone and clicked the camera icon. I captured some of the bloodstains that were scattered beside the asphalt road to Serin Street.

Based on my calculation, the distance between the crime scene and where the bloodstain ends is a hundred meter away or more than that but less than a 500 meters. It means the suspect stabbed the victim first before carrying her to the crime scene.

I also roamed my eyes to look for an installed CCTV, but there's none. Napansin ko rin na walang gaanong dumaraan na tricycle o mga tao rito. So basically, wala talagang makakakita ng krimen dahil hindi talaga matao ang lugar na ito.

If that suspect knows where will they put the body, it only means that they live here.

Bumalik na ako sa Police Station. Wala ang iba ngayon dahil may nangyari raw na gulo sa kabilang baranggay. Wala rin ang maingay na si Officer Alken kaya makakapag-isip ako nang maayos ngayon.

"Officer Harwell," someone mentioned my name.

"Any problem, Officer Readen?" I raised my eyebrows.

"Officer Alken needs a back-up. Hindi na raw kasi nila kayang awatin 'yung mga tambay sa kabilang baranggay na nag-aaway-away." Wika nito.

Akala ko makakapag-isip ako nang maayos ngayon. Tsk.

Kinuha ko ang baril ko at dali-daling sumakay sa kotse ni Officer Readen. Gamit naman nila Officer Alken ang police car kaya ito ang gamit namin ngayon. Naabutan naming inaawat ng mga baranggay tanod ang mga sangkot sa kaguluhan pero hindi pa rin nila ito kaya. Kahit sila Officer Alken ay nakatamo na rin ng ilang sugat dahil pinagbabato raw sila ng mga bote.

I blew my whistle to catch their attentions. Hindi pa rin sila tumigil kaya nilabas ko na ang baril ko.

"What do you think you're doing, Allison?!" Sigaw sa akin ni Officer Alken nang lumapit ako sa mga tambay.

Hindi ko na lang siya pinansin at mas lalong lumapit sa mga tambay na hindi pa rin paawat sa gulo. Kinuha ko ang isang bote ng alak at tinapon 'yon sa gitna nila. Hindi pa rin sila tumigil kaya tinaas ko ang baril ko at pinutok 'yon. Dahil sa ginawa ko ay tumigil sila.

"Titigil din pala kayo. Hinintay niyo lang na may magpaputok ng baril." Wika ko. "Surround the area!" Sigaw ko at naging alerto naman silang lahat.

They took the chance to handcuffs all the people involved here. Hindi ko pa rin tinatago ang baril ko.

"Why didn't you use your gun to shut them out?" Seryoso kong tanong kay Officer Alken na bigla na namang sumulpot sa tabi ko.

"Lieutenant commanded us not to use our guns. He believes that a calm communication is the only way to fix this riot without people getting injured." Officer explained, "But hey, some of us got wounds because of them." He chuckled.

Napailing na lang ako. Umalis na ako sa tabi niya. Papasok na sana ako sa sasakyan ni Officer Readen nang makita ko ang babaeng humalik sa akin. Napansin ko ang damit niyang may dugo.

Iniwan ko ang baril ko sa sasakyan ni Officer Readen. Agad akong naglakad at hinarangan siya. She stared at me. "Excuse me. Dadaan ako."

"You have wounds." Tinuro ko ang braso niyang may bahid ng dugo. "Let me treat your wounds." Mahinahon kong sambit sa kaniya.

"I can handle myself. Now, move." Seryoso niyang wika sa akin.

"Where did you get those?" Tanong ko.

TrappedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon