CHAPTER 21

9.1K 245 16
                                    

Ynna's POV:

Sa tuwing naaalala ko iyong nangyari sa amin ni señorito kanina ay awtomatikong nag-iinit ang magkabila kong pisngi dahil sa hiya.

Pagkatapos ng eksinang iyon ay agad na akong kumaripas ng takbo palabas sa opisina ni señorito at muntikan na naman akong mauntog sa tang inang glass door na'yon.

Pagkaalis ko sa kaniyang opisina ay dumiretso na ako sa aking silid at naligo, nanlalagkit kasi ang singit ko.

Hinugasan ko pa iyon ng maayos baka mangamoy baguong nakakahiya naman sa señorito paboritong pagkain pa naman niya iyon. Hay, naku hindi ko alam kong saan nagmumula ang ka-kapalan ng mukha ko.

Pero minsan talaga napapaisip ako kung ano ba ang lasa ng mahiwaga kong bibingka at laging kinakain ni señorito, kulang na lang nguyain niya ang kaselanan ko lalo na iyong klit ko naku ang sarap lang!

Oh, siya tama na ang baboy na ng sinasabi ko. Asan na rin kaya 'yong dalawa baka sila na ang nag ligawan, maganda rin naman si Meika pero syempre mas maganda ako atsaka si Wendy maganda rin pero mas maganda ako, charr ang kapal ko talaga.

Hay, ano ba'yan katamad, gusto kong kumain pero wala akong gana, lumingon-lingon ako sa paligid baka andiyan na naman 'yong dalawang asungot ng mayordomang menopos at sermunan na naman ako.

Napabuntong hininga ako at sumandal ako sa likod ng sofa, namimiss ko na si nanay at tatay atsaka iyong pasaway kong kapatid. Musta na kaya sila?

Ang hirap pala talagang mawalay ka sa pamilya mo, hanggang ngayon hindi pa ako nakakatawag sa kanila, tatlong buwan na ang nakakalipas at hindi ko pa sila natawagan.

Maliban na lang iyong pagkarating namin dito pero isang beses lang, baka nag-alala na rin ang mga 'yon sa akin.

Namimis ko na rin si Rheyo at Betchay kamusta na rin kaya ang dalawang iyon?

Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko kasi naman napaka drama ko. Siguro tatawagan ko sila mamaya pupuntahan ko na lang si Tiya, isa pa'yon hindi ko na siya nakikita sa laki ba naman ng mansyon na ito.

"What do you think your doing? Huwag kang tumunganga diyan magtrabaho ka. Hindi porket napapansin ka ni Señorito Czech dahil sa kalandian mo ay aasta kana lang diyan na parang señorita. Tsk. Serve the señorito."

Napaupo ako ng maayos nang bigla na lang sumulpot si Wendy sa likuran ko at nang lingunin ko ay pinagtaasan ako ng kilay nang bruha.

"Ano? Wala kang karapatan na titigan ako ng ganiyan." Aba! Kung maldita ka mas maldita ako, hmp! Kala mo naman maganda wala naman sa kalingkingan ko.

"Pasensiya na PO. Ito na magtatrabaho na PO." Ayan diinan ko pa ang PO sana naman tumigil kana sa kakadada di bagay sa'yo!

"Puntahan mo si señorito sa dining area." Padabog akong tumayo nilagpasan siya, kala mo naman kung sino. Hmp!

Pagkarating ko sa dining area ay nadatnan ko roon si señorito na nakaupo habang abala sa kakadutdot sa kaniyang cellphone at sa tabi naman nito ay iyong maligno dito sa mansyon na walang iba kun'di si Aida.

Halata sa mukha ng bruha na kilig na kilig ito, naku!

Lumapit ako sa bandang kinauupuan ni señorito at bahagyang yumuko upang mag bigay galang. Kahit naman na may kababalaghang nangyayari sa amin ay hindi parin nawawala iyong galang ko sa kaniya bilang señorito at bilang amo ko.

Sino ba naman ako para umasta na parang señorita katulad nang sinabi ni Wendy syempre nando'n parin iyong aguwat namin alam ko naman kung saan ako lulugar.

Serving The Señorito [Obsessed Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon