Chapter 1 - How we met

1 0 0
                                    

"So eto na nga Jessie ! pupunta tayong laguna kasama sina Sairus , keana at Joven ha " kailangan pa talagang ulitin kanina nya pa to sinasabi e. "oo na maghahanda ako , kunin nyo nalang ako tommorow around 8am ok ?" sabay end call.

hayst maglilinis muna ako bago ako magpaalam kay mama para naman matuwa siya at payagan ako sa vacation namin kasama sina jam.

Natapos ko na lahat ng gawaing bahay at thank god pinayagan naman ako ng mama ko na sumama sa lakad namin bukas . Ang gagawin ko nalang ay ang maghanda ng mga dadalhin ko bukas . at gabi na rin kaya nung matapos na akong kumain ay umakyat naako ako at maghahanda para bukas .

Ringggg ringggg rinngggg !!!!! dinampot ko sa study table ang phone ko upang sagutin ang tumatawag at di naman ako nagkamali dahil si Jam nga eto . "oh jam nagpreprepare na ako ng dadalhin ko bukas ano atin " ?

"Gusto ko lang ipa-alala na marami tayong gagawin dun like party party sa bar gosh i'm so excited and also magugulat ka sa gagawin ko sayo dahil ikaw lang naman maganda sa amin". nagulat ako sa mga binitawan nyang salita parang kinabahan naman ako na parang excited na din mix emotions kumbaga.

"Naku baka ibugaw moko taena ka ! ayusin molang " natutuwa naman ako dahil kahit papano napapasaya ako ng ng kaibigan ko siguro naawa sila sakin dahil nawalan ako ng ama.

"Hindi baliw gagawin ko ba yun sa kaibigan ko ? basta magugulat ka na lang pag malaman mona . " cge sis see u later mwa !"

_________________________________________

Hindi na ako nakatulog pa nang magising ako sa oras na 4am gusto ko nang maligo at maghanda para naman pagdating nila dito ay ok na ang lahat.

"waaaahhhhhh ! " gulat ko naman sa sigaw ni bakla nandyan na pala sila sa baba. bumaba ako at dinala ko narin pababa ang maleta ko "Jess ! how's the feeling ba na finally makakapunta kana sa province namin ? " diretsahan nyang tanong .

"Ok lang excited naman " malumanay kong sagot sakanya . " eh bat parang lungkot mo baks ?" natawa ako sa reaksyon nya wahahaha " syempre super excited no hahaha !" sabay tawanan namin lima sa sala.

" oh hindi man lang kayo mag aalmusal mga anak ? " sumingit si nanay . " hindi na po tita sagot ni joven tapos na ho kaming kumain " . dinala na namin palabas ng gate ang maleta ko . " mabuti naman mag-ingat kayo sa byahe nyo magdasal kayo umalis". sabay sabay naman kaming sumang-ayon kay mama.

naka-iglip pala ako sa byahe ng 1 oras at medyo nahihilo pa ako siguro ay kulang lang ako sa tulog . Nakita ko sa bintana na malayo-layo narin kami sa syudad ng maynila . "onga pala keana..." inabala ko sa pagmamaneho si keana " ilang oras ba bago tayo makarating sa laguna ?" .

"mga 3 oras pa jess , tulog ka lang muna gisingin na lang kita ". tugon nya habang nagmamaneho " . Hindi naman ako nag atubili pa at sinunod ko ang sinabi ni keana .

At last narating narin namin ang dapat naming puntahan at nandito kami sa harap ng gate ng malaking mansyon . Napaka gara dahil makikita mo pa lang sa labas sobrang laki na at may swimming pool pa sa may bandang kaliwa kung saan tumitingin si Sairus " omg Jam ito na ba yumg sinasabi mong mansion ng Tita Teresa mo" . tanong nya bigla ng may halong pagka mangha . " ah oo actually , eventually kay lola Carmela talaga ito ipinamana lang ito sa nag iisang anak nyang si tita teresa napaka swerte nya no ? .

"Akala ko dati magkapatid mama mo at tita teresa mo ". biglang sabi ko pano kase hindi naman nabanggit ni jam ganun pala. Hindi na kami nagpatumpik-tumpik pa at pumasok na kami sa loob at may sumalubong saaming dalawang matanda nasa early 50's palang sila .

"Welcome back sir Jam ay este Ma'am Jam " sabay nagkamali sila tatay ng sinabi kitang-kita sakanila ang pagkakaba . Tinignan ito ng masama ni jam na parang mangangain ng tao hahahahah tawang-tawa lang ako kase nang-gagalaiti na itong si jam kaya tinungo ko na sya para pigilan at pumasok na.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 22, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The love you wish for Where stories live. Discover now