Chapter 15 .

106 3 0
                                    

~ DAY 1 ( Mission 1.0 ) ~

Sandra POV's

Nagmamadali akong pasok kasi malalate na ako sa sa susunod na subject ko ... hindi ko namalayan na ang himbing na pala ng tulog ko dito ....sakto naman ay dumating na si prince .. oo ganitong oras yun tumatambay dito ...

" anong ginagawa mo dito ? .." tanong niya .. " siguro inaantay mo ko nu .." sabi niya pa ..

" ang kapal din ng mukha mo ee nu ... wala nagmuni muni lang ako .. sige na alis na ako .. " sabi ko ..

" o sige .. " sabi niya .." teka nakalimutan ko ... bukas na yung simula ha .." sabi niya ..

" o sige pumapayag na ako basta after class natin gagawin yun .. " sabi ko tapos tumakbo na ako ..

Pagkadating ko sa room namin.. sakto na wala pa yung prof namin hingal na hingal ako kasi hinagdan ko lang to .. aba hindi biro ahh simula 1st hanggang 4th floor hinagdan ko lang ..

" ok ka lang ba ? .." tanong sa akin ni kim .

" ha ? .. oo ok lang ako .." sabi ko tapos umupo na .. parang wala nangyari kanina ..

Maya maya pa ay dumating na yung prof namin ...agad siyang nagturo pagkapasok niya .. actually hindi ko gusto yung subj niya tapos hindi ko rin siya gusto magturo .. pero tinitiis ko sayang ang scholarship ko kung sa isang subj babagsak ako ...

Nang matapos ang klase niya .. inayos ko kaagad ang mga gamit ko .. napansin yun nila kim ..

"  ohh mukhang may lakad ka ? .." tanong ni jenefer sa akin ..

" oo nga .. bakit gusto mo na naman ba sumabay kay prince ? .." sabi naman ni xena ..

" hindi ahh .. may pupuntahan akong iba .. tska wala akong balak na agawin ang prince niyo sa inyo .." sabi ko tapos lumabas na ako .. nagkakaganyan sila ng dahil kay prince .

Nang makalabas na ako ng classroom pumunta agad ako sa cafeteria para kumaen .. ganito naman lagi ang routine ko pasok , kaen , uwi ayun lang .. nang makabili na ako naghanap ako ng upan at agad naman akong nakakita ..

Kaen lang ako hanggang sa biglang may umupo sa tabi ko ... alam ko na kung sino sila greco .. ewan ko ba kung anong trip nila ngayon ..

" patabi ha .. wala ng upuan ee .." sabi ni greco ..

" prince ! Dito ohhh .." tawag ni chester sabay turo sa tabi ko na walang tao ..

" ohhh ikaw pala yan .. tapos na klase mo ?,.." tanong ni prince ..

" oo .." sabi ko .." pwede ba huwag na huwag niyo akong nilalapitan .." sabi ko sa kanila ..

" bakit may nagsabi ba nabawal kang tabihan ? Teka may boyfriend ka na ? .." tanong ni erwin ..

" wala nu .. tska ano yung boyfriend ? Hindi i mean kasi sa tuwing lumalapit kayo sa akin ang tingin ng iba inaagaw ko kayo lalo ka na prince .." sabi ko ..

" sorry pero ganun talaga .." sabi niya .. kahit kailan sobrang hangin talaga nito .

" ako kaya ang napapahamak ... imbis na nanahimik ako .. ayan nagugulo tuloy ako nang dahil sa inyo / sayo .. " sabi ko .

" ang maganda diyan... wag mo na lang silang pansinin .." sabi sa akin ni rain ...

Buti pa to matino yung sagot ... samantalang tong mga to walang magandang sinabi ..

I'm Inlove With A CoC PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon