Chapter 46 - Four Letter Word
Nakakainis talaga si Suarez, kakaconfess niya lang sa akin tapos kung makapagsabi naman na manhid ako wagas! E siya nga ang yabang at ang angas yun pala torpe naman. Lokong yun! Pero sabagay, Suarez will not be Suarez if super sweet at super bait niya lang. Si Suarez ay pinanganak ng gwapong, suplado, masungit, at sadyang mahangin pero kahit ganun minahal ko siya at mahal na mahal ko siya hanggang ngayon.
Lumakad ako palayo sa kanya. Wala man lang ba siyang balak na sundan ako o kaya naman suyuin ako? Lokong yun!
Lumingon ako at tinignan ko siya at guess what kung anong ginagawa ng pinakakamahal kong si Suarez? Ayan lang naman nakatayo pa rin sa kung saan ko siya iniwan at heto pa nakangiti lang naman siya habang pinagmamasdan ako. Yung totoo nakakatawa ba pagtatampo ko?
Nakukuha pa talagang ngumiti. GRRRRRR! Suyuin mo naman kayo! Paexperience man lang ng pagsuyo ng isang Gabriel Suarez? :|
"Hoy! Diyan ka lang ba?"
"Oo. Masarap tumambay lang dito." sagot niya habang nakangiti
"Hindi mo man lang ba ako susuyuin? Hoy Suarez! Nagtatampo ako sayo! Hindi ba halata?"
"Nagtatampo? Susuyuin? at bakit naman kita susuyuin? wala akong ginawang masama, totoo naman talaga na manhid ka." talagang namamanage niya pang ngumiti. GGRRRRR! Nangaaasar ka ha?
"Ah ganun? Okay then." at ngumiti rin ako "Matawagan na nga lang si Jake. Mas maganda pang kasama yun." sinasabi ko yun habang dinidial ang number ni Jake
***
SUAREZ' POV
"Matawagan na nga lang si Jake. Mas maganda pang kasama yun." sabi ni Camille habang nakangiti pa. Aba talagang sinabi niya pang mas maganda kasama si Jake kaysa sa akin? Sa sinabi niyang yun nawala ang ngiti sa labi ko. E ikaw ba naman ang sabihan ng ganyan ng babaeng mahal mo?
"Hello Jake? Oo dyan muna ako sa kwarto mo. Pupunta na ako dyan, tambay muna ako dyan ha? Wait lang papaunta na ako." kausap niya sa cellphone niya si Jake pero sa akin siya nakatingin at may look siya na parang nagsasabi na "Ano ka ngayon?" tss.
Pagkatapos niya makausap si Jake, tumingin muna siya sa akin at nagsmirk. Aba at talaga bang pupunta siya sa kwarto ni Jake? Gabi na at di na siya pwede dun.
Aish yung babaeng yun! Niloloko ko lang naman, agad naman nakatakbo kay Jake.
Sumunod na ako sa kanya at buti naman naabutan ko siyang pasakay palang sa elevator.
Pasara na sana yung elevator pero humarang ako para makasakay din ako syempre.
"Oh anung problema mo?" tanong niya sa akin
"Wala, aakyat na rin ako sa kwarto ko." sagot ko sa kanya ng di tumitingin sa kanya
"Dito ka rin naka check in?"
BINABASA MO ANG
Spying My Future Fiance ** COMPLETED ** (Soon to be published)
Romance(COMPLETED) NO COMPILATIONS | NO SOFTCOPIES What will you do if you found out that you are soon to be engage? Engage with someone you don't know. This girl decided to spy on her future fiance. Will LOVE soon spark? Or HATRED? Or just FRIENDSHIP? BO...