Ryla
That day, napaisip ako. Bakit siya biglang naging sweet sa akin noon? May gusto ba siya sa akin? Hindi pwede kasi si Princess gusto niya eh. Doon ko rin napansin na nag-iiba tingin ko sa kanya. Yung feeling na palagi ko siya hinahanap. Tapos mapapangiti ako pag kasama ko siya. Ayun. Pero kung kailan nagsimula, parang biglang nag-iba.
Blank space. Minsan test paper ko. Madalas ako. Lutang ako kanina sa school. Hindi ko pa rin matanggal sa isip ko yung sa kagabi. Hindi ko alam bakit ko naiisip yun. Aaahhh! Krystal! Kailangan ko ng advice.
Tapos na klase. Half day lang kasi kami ngayon dahil may teachers' conference pero bawal pa kaming umuwi. Ayos noh? Medyo nanibago ako ngayong araw. Hindi pa kami nag-uusap ni Rence. Sabi naman ni Brandon, busy siya. Busy siya pero may time siya sa iba. Ako, bestfriend niya, hindi man lang siya maglaan ng time sa akin.
Pumunta ako sa locker ko para ilagay iba kong books tapos dumaan ako sa classroom nila Krystal. Hindi kami classmates. Nakipagpalit kasi nandun crush niya.
"Krystaaaaal!" -ako
"Sarap namang i-tape ng bibig mo! Oh bakit na naman?" -Krystal
"Samahan mo ako." -ako
"Ayan ka na naman."-Krystal
"Sige naa. Libre kita."-ako
Kinindatan ko siya. Lord, sana pumayag. Pumayag ka na pleeeease!
"Okay." -Krystal
"Ano ba naman.. Pumayag ka talaga?! Yes!"-ako
"Basta ikaw. Alam kong may problema ka eh." -Krystal
Sabi na nga eh.
Once na nakagayak na kami, umalis na kami ng school.
"Oh, kwento." - Krystal
"Alam mo ba yung feeling na... Kasi ganito yun... Ugh... Hirap simulan..."-ako
Hindi ko maisip sasabihin ko. Paano ko nga ba sasabihin? Hay... Bahala na si batman.
"Ganito, isipin mo diary mo ako. Kunyari nagsusulat ka. Isulat mo na lahat ng gusto mong isulat. Isipin mo wala ako dito. Buhos mo mga emosyon mo."-Krystal
Huminga ako nang malalim.
"Paano mo masasabi pag gusto mo yung isang tao?"-ako
"Dalaga na si Rye namin!!! Ayieee hahahah!!"-Krystal
