Eunice

246 11 19
                                    

Nakatingin ako sa labas ng bintana habang pinagmamasdan ang mga nalalagas na dahon. Binibilang ko ang mga dumadaang tao habang hawak-hawak ko ang isang cup ng mainit na kape. Maya-maya'y dumaloy ang isang likidong hindi ko mapigilan mula sa mga mata ko.

Hanggang ngayon nakakulong parin ako sa isang nakaraan. Isang nakaraan na pilit kong kinakalimutan. Hawak ng kaliwang kamay ko ang litrato niya samantalang sa kabilang kamay naman ang tasa ng kape ko.

"Gusto kong maging Doctor paglaki ko ate." Pagmamayabang niya sakin habang naglalaro ng manikang ginagamot niya.

Tumingin ako sa kanya. Kararating ko lang galing trabaho. Lumapit ako at nagtanong.. " Bakit naman Doctor ang gusto mo?"

"Kasi gusto kong tulungan yung mga mahihirap na maysakit. Noong pumunta kasi tayo sa Ospital, nag-iiyak yung ale kasi ayaw gamutin ng mga doctor yung anak niya kasi wala silang perang pambayad. Hindi naman ata tama yun diba ate?" This time seryoso na siyang nakatingin sakin.

Biglang umagos ang luha ko. Hindi ko na mapigilan. Humigop ako ng kape. Tanging ang kape lang ang nakakapagpagaan ng loob ko. Sa kape ko lang nararamdaman na may pag-asa pa akong makita siya. Ang aking si Eunice.

"Ate, bakit ang hilig-hilig mong uminom ng kape? Sabi ni Teacher kapag nag-umpisa ka raw uminom ng kape, hindi mo na kayang tigilan pa ito hanggang sa maadik ka." Sabi niya habang nasa lamesa kami't nag-aalmusal.

Sa murang edad niya, marami na siyang alam sa mga bagay-bagay. Hindi ko maiwasan ang mapangiti sa tuwing naaalala ko ang mga sinabi niya tungkol sa kape.

Naghahanda ako ng mga gamit ko para pumasok sa trabaho at siya naman sa school. Tuwing umaga, idinadaan ko siya sa school niya.

Kaming dalawa na lang ni Eunice ang magkasama sa buhay simula ng mamatay sa aksidente ang aming mga magulang.

Sumakay kami ng trycicle para ihatid siya sa school niya at ako sa tinatrabahuhan kong hindi kalakihang kompanya bilang sekretarya.

"Uwi ka ng maaga ate ah! Ipagtitimpla kita ng paborito mong kape!" Paala niya sakin sabay halik sa pisngi ko at tumakbo papasok sa gate nila. "Bye ate! Ingat ka!" Pahabol pa niya.

Ngumiti akong nagpaalam sa kaniya at dumiretso na ako sa trabaho ko.

"Angela! Angela!" Sigaw ng kasamahan ko sa trabaho habang nagtitimpla ako ng kape. "Diba sa Santa Montica Elementary School nag-aaral ang kapatid mo?" Hindi magkamayaw na tanong niya sakin.

"Oo, bakit may nangyari ba?" Nag-aalalang tanong ko.

"Nasusunog ngayon ang paaralan. Maraming bata ang nasa loob pa nito." Pagbibigay alam niya sakin.

Nabitawan ko ang hawak kong tasa ng kape, hindi ko inalintana ang mainit na tubig na tumalsik sa mga binti ko. .Ang tanging nasa isip ko ay si Eunice.

Nagmadali akong lumabas at pumunta sa SMES. Pagkababa ko pa lang ng trycicle, kitang-kita ko ang siksikan ng karamihan at nagsisisigaw. May mga bomberong inaaksiyonan ang lumalagablab na apoy.

"Diyos ko! Si Eunice! Wag niyo po hayaang may mangyaring masama sa kapatid ko." Daing ko sa Poong Maykapal.

Lumapit ako sa bombero.. "Parang awa niyo na po. Iligtas niyo ang kapatid ko." Pagmamakaawa ko.

"Gagawin namin ang lahat ng makakaya namin Miss para iligtas ang kapatid mo." Sagot niya sakin.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Halos mawalan ako ng boses sa kakasigaw at humagulgol ng malakas.

"Eunice! Eunice!" Naalimpungatan ako mula sa pagkakatulog ko. Isa na namang panaginip. Tumingin ako sa table clock. 4:21 na pala ng madaling araw.

Bumangon ako at nagpunta sa kusina. Kumuha ako ng tasa. Kumuha ako sa cabinet ng isang sachet ng Nescafe at ibinuhos sa tasa. Ito palagi ang binibili ko dahil sabi ni Eunice, madali lang timplahin at sugar free pa.

"Ito yung palagi mong bilhin na kape ate a, kasi sugar free tsaka hindi mo na kailangang mag-estimate kung matamis ba o hindi." Sabi niya habang itinitimpla ang isang sachet ng Nescafe.

Napangiti ako sa naalala ko. Humigop ako ng kape. Maya-maya'y umagos na naman ang mga luha ko.

Its been 3 years simula ng mangyari ang insidenteng iyon. Its been 3 years na ring hindi nakikita ang katawan ni Eunice.

Hindi ko makakalimutan ang pangyayaring iyon. Ilang araw matapos ang insidenteng pagkakasunog ng paaralan ay ipinagbigay alam ng mga bomberong natupok raw ng apoy ang katawan ng kapatid ko.

Idiniklara nilang napuruhan masiyado ang katawan niya at naging abo ito. Hindi ako makapaniwala. Ang sabi naman ng iba'y nakaligtas ang kapatid ko.

Humigop akong muli ng kape. Nang dahil sa kape nagkaroon ako ng pag-asang buhay pa si Eunice. Ang kape ang nagbibigay lakas sakin para makita ko pa siyang muli.

Nang dahil sa kape nakakaya ko ang lahat dahil sa tuwing humihigop ako nito, pakiramdam ko nasa harapan ko lang siya. Nakangiti habang ipinagtitimpla niya ako ng paborito ko.

Pinagmasdan ko ang hawak-hawak kong Mug na umuusok ang laman nito. Dumaloy na naman ang masaganang luha ko. Sa pagkakataong ito, tanging ang kape lang ang masasandalan ko.

"Eunice.." Sambit ko habang tinitingnan ang mainit na kape ko..

* * * * * * * * * * * * * *

Entry ko po ate .. I just tried lang po kung pasok sa Criteria. Salamuch po marami. :)

Thank you for reading.. :)

Aneehr ♥

EuniceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon