SPECIAL CHAPTER

5.9K 189 44
                                    

special chapter
para sa mga special kong redear XD
-❤️

CUERVO

napatingin ako kay ella habang nagliligpit ng pinagkainan namin.wala akong ginawang ingay habang lumalapit sa kaniya.

bigla ko siyang niyakap kaya napatalon siya sa gulat.

"arrgghh!!kainis ka!!" Sabi niya at hinila ang buhok ko,tawa ako ng tawa habang pinigil ko ang kamay niya.

"sorry love" saad ko habang niyakap siya.

"oh,yung dalawang bata nakatulog naba?" Tanong niya habang humarap sakin nakita ko ang maamo niyang muka habang hinaplos ko yon.

"love,nasabi kona ba sayo na ikaw ang pinakamagandang babae sa paningin ko at ikaw lang ang pinaka mamahal ko?" Tanong ko sa kaniya,nakita kong pumula ang muka niya at inirapan ako.

"heh!tigilan moko sa kakaganyan mong banat mo!!" Sabi niya at pinisil ang ilong ko napatawa ako habang hinaplos ang bewang niya.

"bakit totoo naman ang sinasabi ko,ikaw lang ang pinakamaganda sa paningin ko.." sabi ko sa kaniya habang hinalikan siya sa labi niya.

"oo na alam kona yan,lagi mo ngang sinasabi hanggang ngayon.." sabi niya habang umangkla sa leeg ko.

"oo nga pala may family day ang dalawa bukas" sabi niya habang kinantilan ako ng halik ng pinakamamahal kong asawa.

sinundan ko siya habang dumiretso siya sa kwarto namin.pumasok ako habang nakita kong may kinuha siya sa walk in closet namin.

"oh,ito nalang isuot mo bukas.." sabi niya at tinapat sakin ang isang t-shirt na may nakatatak na 'daddy'

napanguso siya habang tiningnan ako.

"napakagwapo mo kahit ano ang isuot mo,kung pwede lang isako nalang kita para hindi makita ng ibang babae.." sabi niya kaya lihim akong kinilig.

damn nakakabakla pagka ganyan siya.

"ikaw ang wag nilang titingnan.makita ko lang tingnan ka ng ibang lalaki patay sila sakin" sabi ko sa kaniya ng seryoso.

"para namang maganda talaga ko" malungkot na sabi niya.hinapit ko siya sa bewang at hinawakan ang buhok niya para hawiin.

"maganda ka naman talaga,tinotopak kana naman" sabi ko sa kaniya napatawa siya habang pinisil ang dibdib ko.

"oo na!!" Sabi niya,napangisi ako at pinisil din ang dibdib niya ng kinalaki ng mata niya.

"cuervo!!" Suway niya habang sumipol lang ako.

"kainis ka,mag sipilyo kana nga don!" Sabi niya at tinulak ako sa cr.tatawa tawa ako habang napailing na sinunod siya.

ELLA

napatawa ako habang ang lakas mag asar ni cuervo.napahikab ako habang nagpalit nako ng pantulog ko.

nagpahid muna ako ng skin care ko sa muka habang napatingin ako kay cuervo na kumindat pa sakin.

"ewan ko sayo.." saad ko habang kumuha ng isang head band na malambot at sinuot sa ulo ko.

naglagay ako ng cream sa muka habang tumabi sakin si cuervo at tinitingnan ang ginagawa ko.

"ano yang nilalagay mo sa muka mo?"tanong niya habang sinusundan pa ang ginagawa ko.

"cream" tugon ko at tinapat sa muka niya.

"Para saan?" Usisa niya napairap ako habang tinuloy lang ng ginagawa ko.

"para matanggal tigyawat ko palibhasa wala ka non" sabi ko kaya napakunot ang noo niya.

Hide from the mafia boss(Mafia series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon