Ngayon ko lang nakita na nauna pala 'yong chapter 27 sa chapter 26. Or nagkaroon lang ng problem itong wattpad? Nauna ko nang i-publish ang chapter 26 noon eh.
If ever na nauna po 'tong chapter 27, kindly skip this at doon muna sa chapter 26. Balikan na lang po ito pagkatapos ng chapter 26.
---
Chapter 27: Dinner
"S-SIYA 'yong nakabangga ko sa G high," gulat na saad ko saka napatingin kay Con.
"What? Anong ginawa niya sa 'yo? Sinaktan ka? Tell me what happened, Ysa! I will beat that f*cking man again!" Bigla siyang nagtaas ng boses kaya halos mapatalon ako sa kinauupuan.
Agad kong tinaas ang dalawang kamay at sumenyas ng hindi. "C-con, w-wala siyang ginawa. Hindi ko lang talaga siya nakita kaya nabangga ko siya. . ." at saka nakatatakot ng mukha niya kahit wala pa siyang ginagawa.
"You sure about that, Ysa?" paninigurado nito.
Napatango ako bilang sagot. Nang makumbinsi ko siya sa sagot kong iyon ay binalik ko ang atensyon sa mga litrato at isa-isa itong sinuri.
"That's Arl," patungkol nito sa litrato ng koreanong lalaki .
Hindi siya pamilyar sa akin kaya nilagay ko ito sa pinakalikod ng mga litratong hawak.
"He's Vico."
Vico? Moreno. Katamtaman lamang ang tangos ng kanya ilong. Hindi sa panghuhusga pero ang sama ng mga mata nito. Tila may gagawing hindi maganda sa iyo kapag nasa harap mo na. Pero, mas nakakikilabot pa rin ang mata ng lider nilang si Leo.
Kapag naaalala ko iyong pagkabangga ko sa kanya at sa paraan nang pagtingin nito nang binugbog siya ni Con sa likod ng campus, hindi maiwasan ng katawan ko na gapangan ng kaba.
"That is Ian. If ever you will encounter that guy, better leave. Playboy 'yan ng grupo, lahat ng babaeng makita ay kukulitin niya hanggang sa makuha ang gusto," pahayag nito.
Napailing ako sa narinig ngunit kalaunan ay nawala iyon sa sumunod na litrato. Awtomatikong nanlaki ang aking mga mata at napasapo sa bibig.
Tama nga talaga ang ideyang naisip ko ng makita iyon.
"Ivan. . ." sambit ko. "T-totoo ba 'to, Con?" tanong ko kahit alam ko naman ang sagot.
"Yeah. Ivan Grozen, your friend," sarkastikong anito.
Friend. . .
Kalaban siya ng grupo ni Con? Kaya pala parang iba ang aura ng lalaking ito tuwing magkasama kami ni Ivan.
Na ganoon na lang ang kabang nararamdaman ko tuwing makikita kami ni Con. Unti-unti kong napagtanto 'yong mga hindi ko maintindihang asal niya tuwing hihilahin na lang ako papalayo kay Ivan.
Iyong mga pagkakataong nagkaiinitan sila sa pamamamagitan ng tingin at magbabato si Con ng mga makahulugang salita.
Pati na rin iyong mga oras na hindi ako kumportableng kasama si Ivan. Pati 'yong naibigay niya sa aking impormasyon. Ano't hindi ko ito na-realize noong una pa lamang?
Bakit hindi ko man lang iyon napagtuunan ng pansin?
Napaisip tuloy ako sa ideya kung kaibigan nga ba ang turing ni Ivan sa akin? O, ginagamit lang ako nito tulad ng mga napapanood ko sa teleserye para makaganti kina Con?
"B-bakit hindi mo sinabi sa 'kin na isa siya sa kalaban ni'yo, Con?" sa kabila ng pag-iisip ng mga iyon ay nakuha ko pang magtanong.
"I've warned you but you didn't listen." Kumibit-balikat at sumandal sa sofa. "Many times. . ." dagdag pa nito, diniinan ang salitang marami.
BINABASA MO ANG
Living with the Bad Boy (Bad Boy Series #1)
Teen Fiction(COMPLETED) BAD BOY SERIES #1 Ysabelle Robles, a 16-year-old girl, a top student pursuing her dreams with bravery and patience. Her life is boring and not exciting as what other students have. Living miserably on her own, without a parents by her si...