MEETING NANA ROSE
CHAPTER EIGHT"Ma'am, may bisita ka," sambit ng aking kasambahay pagkatapos nitong kinatok ang aking pintuan.
Napabuntong hininga naman ako kaagad sa kalagitnaan ng aking pag-aayos. For sure, si Miguel ulit 'yun. As far as possible, I'm not not letting anyone make my house as a business meeting place. Kung may pumupunta man dito, they don't have any business-related concerns at dahil doon, siguradong makikikain lang naman ang dahilan nito. Walang iba kundi si Miguel nanaman ulit 'yun.
Pagkatapos kong mag-ayos ay agad naman akong bumaba sa kwarto upang puntahan siya. Ngunit noong nasa hagdan na ako pababa sa sala, agad ay aninag kona ang tinutukoy na bisita ng aking kasambahay at kahit hindi pa ito nakaharap sa akin ay alam kong hindi ito si Miguel.
"Uhmm, excuse me?" tanong ko habang naglalakad papalapit sa kanya. "Sino po——"
Hindi kona naituloy ang nais kong e-tanong nang humarap ito. Why is he here? Monday ngayon at may pasok at hindi ko talagang inaasahan na pupunta siya rito. Besides, pano niya naman nalaman na nandito ako nakatira?
"Ikaw pala Nathaniel, what brought you here?" tanong ko nang magkaharap na kami. Matipid niya naman akong binigyan ng ngiti.
"Uhmm, ano kase, 'yung noong Sabado, naalala mo pa ba?" nauutal na tanong nito sa'kin.
"Alin doon? 'yung muntikan na'ko patayin ni Miguel dahil sa pagmamaneho niya ng motor niya?"
Alam ko namang hindi 'yun ang tinutukoy niya pero 'yun kasi ang tumatak talaga sa isip ko na siyang nangyari noong Sabado. Bwesit kasi 'yung Miguel na 'yun, 'di na talaga ako sasakay ulit sa motor niya! Makapag-drive akala mo naman siyam ang buhay. Mamatay na ngalang may plano pang mang damay.
"Nope. About my confession," he muttered sabay pasok nito ng kanyang kamay sa mga bulsa ng kanyang blazer. "I just want to clarify that all I said was just a joke. I mean, I no you're not assuming na totoo 'yun pero gusto ko lang talagang malaman mo na ginawa ko 'yun para mas inisin lang si Miguel," nahihiyang pagpapaliwanag nito.
Honestly, I thought he was serious sa sinabi niya dahil hindi naman ito pala biro. Well, nagbibiro naman talaga siya but he is just not capable in expressing his jokes correctly the reason why na-interpret ko na seryoso 'yung sinabi niya. I see no problem with his joke naman dahil kahit seryoso siya, hindi rin naman ako interesado.
"Well unfortunately, I assumed na totoo 'yung sinabi mo," I admitted at napakamot naman ito sa kanyang batok. "But no worries, if and even though what you said was real, wala naman akong planong maging jowa mo," diretsohang sagot ko. Tumango-tango naman ito at matipid ulit na binigyan ako ng ngiti.
"Aalis na ako papuntang academy, gusto mong sumama?" he offered at agad naman akong umiling.
"Thanks but I can manage. Besides, hindi pa kasi ako nakakapag-breakfast, eh."
"Ganoon ba? O sige, hindi na ako magtatagal," pamamaalam naman nito. Kinuha niya naman ang kanyang bag at inayos ang kanyang necktie bago umalis.
I stared at him ambling palabas ng bahay at isang bisita naman ulit ang siyang nakasalubongan niya nang palabas na ito. Si Miguel. Nakita kong napahinto pa ito na siyang nalilitong tinitigan ang kanyang kaibigan. But soon enough, he shrugged it off at nilampasan na lang nila ang isa't isa.
"Anong ginagawa ng isang 'yun dito?" tanong nito ng nakatayo na sa harap ko at nilingon pa nito ang kanyang kaibigan na siyang naglalakad palabas ng bahay.
"None of your business," mataray kong sagot. "Pero para hindi kana mag overthink, he asked me for a date," pagsisinungaling ko. Napanganga naman ito na parang timang na mukhang hindi makapaniwala sa aking sinabi.
BINABASA MO ANG
So, Who's The Culprit? (completed)
Tajemnica / ThrillerOur story is about a School, a huge School, and the people who are studying in the School. From a distance, it presents itself like so many other Schools all over the world: safe, decent, innocent. Get closer, though, and you start seeing the shadow...