KABANATA 29

31 2 0
                                    

KABANATA 29

Diretso pa rin ang pagpasok ni Jamie sa office kahit na nakita niyang wala rito si Isaiah.

Dahil nakataas ang kilay ay niya tinaasan ko na rin siya ng kilay. Akala ko ba nasa ibang bansa ang babaeng ito? Bakit na naman siya nandito ngayon?

"I'm here to talk to Isaiah, about business."

Lalong tumaas ang kilay ko. Really? About business?

"He's still in a meeting."

She confidently sat on the couch. "I know. I'll just wait here."

Nangunot ang noo ko sa kaniya at sa inaakto niya. Mukhang makapal talaga ang mukha ng babaeng ito. Ni hindi man lang siya nahihiya sa ginawa niya sa akin, kung umakto ay parang wala siyang ginawa.

Hinayaan ko siya sa gusto niya at hindi ko na lang pinansin. I just sat in Isaiah's swivel chair, at inabala ko na lang ang sarili ko sa cellphone ko.

I am busy replaying into ate Althea's text when Jamie distracted me with her words.

"I don't get it. Ano ang nagustuhan sa'yo ni Isaiah?" tumaas ang tingin ko upang makita ko siya. Seryoso na siya ngayon habang nakatingin sa akin.

"What?"

"You are so plain. Bukod sa pagiging writer mo ay wala namang espesyal sa'yo. Maganda ka, pero mas maraming magagandang babae ang nakapaligid kay Isaiah. Kaya bakit ikaw?"

Nalaglag ang panga ko sa deretsahan niyang tanong. Hindi agad ako nakapagsalita dahil sa tinuran niya.

"I also heard that you look like Isaiah's ex-girlfriend who is now dead. Is Isaiah just guilty about what happened? That's why he's after you?" lalo akong natameme. Paano niya nalaman ang bagay na yun?

Isaiah already assured me that our relationship is not about his past anymore. He loves me genuinely at randam ko iyon. But to hear this to someone is giving me the doubts and fears that I am trying to hide from myself.

"He loves me," usal ko, na para bang sinabi ko yun hindi para marinig niya kundi para paalalahanan ang sarili ko.

Ayokong magpadala sa sinasabi ni Jamie, ayokong masira ang masayang araw na ito dahil lang sa kaniya.

"Tutal ay tayong dalawa lang din ang nandito ay aamin na 'ko. I like Isaiah. Kaya ko ginawa yun sa'yo ay dahil galit ako. Alam mo bang binabalewala ni Isaiah ang lahat ng babae sa paligid niya dahil sa'yo? He's just so obsessed with everything about you kahit na nasa New York ka pa. He's always updated about your new books and all. That's why I made a background check on you and I found out that you've been in a relationship with Isaiah before way back in high school." nagugulat ako sa mga pinagsasabi niya. Hindi ko akalain na ganito kalalim ang alam ni Jamie tungkol sa akin at kay Isaiah. At pina background check pa niya ako? Wtf?! Nawiwindang ako sa mga sinasabi niya.

"Maybe, siguro ay gusto ko talaga niya. Pagkatapos ng lahat ng ginawa niya, hindi naman siguro siya magpapaka bayani kung guilty lang siya diba?" dagdag pa niya.

"Bakit mo sinasabi sa akin ang mga iyan?" pagtatanong ko. Hindi ko makuha, hindi ko alam kung sinisiraan ba niya si Isaiah sa akin o ano.

"Gusto ko lang malaman mo ang reason ko kung bakit kita gustong siraan noon," aniya at tumayo para lang makalapit sa akin.

Ngumisi siya sa akin na para bang magkaibigan kaming dalawa. "Gusto kong makita kung ano ang maaaring gawin ni Isaiah para sa'yo. Isaiah is known in the business world as one of the smartest and unshakable businessmen. So, bilang ganti ko na rin sa kaniya sa ilang ulit niyang pagtanggi sa akin ay ikaw ang siniraan ko. And you know what he did? He canceled almost every project we have with his company. Ginawa niya yun kahit na ilang milyon ang malulugi at mawawala sa kaniya. See? Pagdating sa'yo ay hindi umandar ang utak niya bilang businessman. Nauulol si Isaiah pagdating sa'yo."

A Writer's Love Story (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon