CHAPTER 18: TRACING SPELL

34 7 0
                                    

Samantala, sa grupo nila Albert matapos ang uwian, abala naman sa pagprapraktis si Lyrica ng mga tracing spell na nahanap nila mula sa translated na libro ng Mayari. Kung saan, kasalukuyan silang nakatambay sa dating lumang building na tinatambayan nila.

Albert: "OK! Lyrica, pakisubukan etong....uhhh.....ewan ko ba kung anu to? Pero sabi, mahikang paghahanap sa nawawala, gamit ang palaso."

Lyrica: "OK!"

Ginamit ni Lyrica ang nakitang inkantasyon ni Albert, at humulma ng palaso ang mahikang ginamit nya.

Lyrica: "OK! Subukan natin. Palaso! Hanapin mo si Carl!"

Agad tinuro ang lumang kabinet kung saan nagtatago si Carl nang biglang bumulusok ito ng diretso at tumusok sa pinagtataguan ni Carl. Muntik namang matamaan si Carl ng tumagos na ulo ng palaso, kaya galit siyang nagreklamo kay Albert.

Carl: "Oy!! Albert!! Anu bang klaseng Tracing spell ang nahanap mo?!! Papatayin mo ba yung hinahanap mong tao?!! Muntik ng tumusok sa katawan ko yung ulo ng palaso!!!!"

Albert: "Carl, pasensya na! Malay ko bang tutusok pala yung palaso sayo."

Aileen: "Guys!! Subukan naman natin to!! Mahikang paghahanap gamit ang ispada!!"

Carl: "AAAAAAHHHHH!!!! Aileen!!! Wag yan!!!! Papatayin ako ng ispada na maghahanap sa akin!!!"

Aileen: "Sige. Maghahanap na lang ako ng iba."

Albert: "Lunabelle, may nahanap ka na ba?"

Lunabelle: "Eh di ko sigurado kung Tracing spell eto. Pero nakalagay, inkantasyon sa paghahanap ng enerhiya."

Albert: "Enerhiya? Anung enerhiya naman ang hahanapin nyan?"

Lunabelle: "Subukan na lang natin. Lyrica, pakigamit ang inkantasyon na ito."

Lyrica: "OK!"

Ginamit ni Lyrica ang mahikang nahanap ni Lunabelle kung saan lumabas ang isang maliit na bolang liwanag mula sa kamay ni Lyrica. Agad na lumipad paalis ang bolang liwanag kung saan sinundan ito ni Albert, hanggang sa huminto ito sa isang malapit na poste ng kuryente na may Transformer. Nadismaya si Albert sa kanyang nakita kaya bumalik siya sa lumang building.

Carl: "Oh? Albert. Anung nahanap nung maliit na bolang liwanag?"

Albert: "Ang tinutukoy palang enerhiya sa inkantasyon ay Kuryente. Pumasok sa Transformer yung bolang liwanag na sinusundan ko kanina."

Lunabelle: "Hay....Maling Tracing spell na naman!

Aileen: "Mukhang wala na tayong mahahanap pang Tracing spell para hanapin si Jett. Isa na lang ang nakikita kong Spell dito sa translation ni Lunabelle."

Albert: "Anu? Isa na lang, Aileen?"

Lunabelle: "Kung ganun, kailangan na nating ipagsapalaran ang natitirang Spell na yan."

Carl: "Aileen! Anu bang uri ng spell ba yan?"

Aileen: "Ang sabi, mahikang paghahanap gamit ang enerhiya ng hinahanap."

Lyrica: "Paghahanap gamit ang enerhiya ng hinahanap? Anu naman yun?"

Aileen: "Sinasabi, mahahanap daw ang hinahanap na tao, gamit ang mga bagay na laging ginagamit nito tulad ng mga damit, panyo at kung anu-anu pa."

Lunabelle: "Sa nakikita ko mukhang ligtas pa yan huling Tracing spell na nakita mo, Aileen. Lyrica, subukan mo ng gamitin ito."

Lyrica: "Sige."

Aileen: "Sandali! Sabi pa dito, upang magamit ang spell, kailangan pa daw ng Compass na magtuturo kung saan ang direksyon ng hinahanap na tao."

Albert: "Anu?! Compass? Eh wala naman tayong dalang Compass. Saan tayo maghahanap nyan?"

Carl: "Ewan ko kung saan. Pero pwede na kaya etong Compass ng bag ko?"

Aileen: "Compass ng Bag mo? Yan bang maliliit na bilog na bagay na nakasabit sa bag mo?"

Lunabelle: "Patingin nga ako kung Compass nga iyan."

Tinignan ni Lunabelle ang maliit na bilog na bagay na nakasabit sa bag ni Carl at nakumpirma niya ito dahil sa may mga nakasulat na direksyon dito.

Lunabelle: "Guys! Compass nga ito."

Albert: "Lunabelle! Ibigay mo kay Lyrica. Para masubukan na natin."

Lunabelle: "Sige!"

Ibinigay ni Lunabelle ang nahanap nyang Compass kay Lyrica.

Lyrica: "Aileen, anung sunod na gagawin ko?"

Aileen: "Ang sabi, ipatong ang Compass sa gamit nung nawawalang tao at ibigkas ang inkantasyon na "Nagliliwanag na Araw, tagapag-bigay ng direksyon at laging gumagabay, iyong suriin at hanapin ang tunay na nagmamay-ari"."

Lyrica: "OK! Susubukan ko na. Albert, pahiram ng panyo at magtago ka."

Albert: "OK!"

Ibinigay ng Albert ang kanyang panyo upang masubukan ang Tracing spell na nahanap ni Aileen. Agad namang tumakbo at nagtago si Albert sa labas ng building.

Nang ipinatong na ni Lyrica ang Compass sa panyo ni Albert, agad ng ginamit ni Lyrica ang inkantasyon upang hanapin si Albert. Habang ginagamit ni Lyrica ang mahikang kanilang sinusubukan, binalot ng enerhiya ang parehong bagay na nasa kanyang mga kamay at nagsimulang umikot ang panuro ng Compass. Sinundan naman ni Lyrica ang direksyon na tinuturo ng Compass at pumunta siya sa labas. Sinundan naman din siya nila Lunabelle, Carl at Aileen.

Pagdating nila sa labas, itinuro ng Compass ang likod ng mga halaman kung saan nagtatago si Albert. Nakita naman nila si Albert at biglang nawala ang mahika matapos syang mahanap.

Albert: "Guys! Ang galing!! Nahanap nyo ako dito gamit lang ang panyo?"

Lyrica: "Oo, Albert! At nahanap na rin natin ang tamang spell para hanapin si Jett."

Lunabelle: "Dahil nahanap na natin ito, Lyrica, magmula bukas, simulan mo nang i-master ang paggamit sa spell na ito upang makatulong sa paghahanap kay Jett."

Lyrica: "OK! Gagawin ko lahat ng makakaya ko."

Carl: "Guys! Ayoko man sanang guluhin ang atensyon nyo, pero nagtxt si Archie na magkakaroon daw ng event sa school next week. Bukas daw natin malalaman ang mga detalye."

Aileen: "May magaganap na event para next week? Eh di magiging busy na naman tayo."

Lyrica: "Guys, panu ko maprapraktis ang spell kung magiging busy ulit tayo?"

Albert: "Lyrica, ayoko man sanang sabihin ito pero mukhang kailangan mo munang ipagpaliban ang pagprapraktis mo sa Tracing spell."

Lunabelle: "Hindi, Albert. Kailangang ipagpatuloy pa rin ni Lyrica ang pagpraktis sa Spell. Praktisin mo lang, Lyrica, kung may oras ka. At wag mong hahayaan na makalimutan ang spell. Hindi natin pwedeng hayaan na patuloy na nawawala si Jett. Kailangan din natin syang mahanap."

Lyrica: "Oo. Tama ka, Lunabelle. Patuloy akong magprapraktis para hindi na malungkot si Reysha."

Lunabelle: "Oo, Lyrica. Pero sa ngayun, umuwi na muna tayo guys. Para makapagpahinga tayo at marami na rin tayong nagawa sa hapon na ito. Tsaka excited na rin ako kung anu ang event na magaganap next week."

Carl: "Kung sabagay, excited na rin ako. Mabuti pa, umuwi na tayong lahat."

Matapos mahanap ang tamang Tracing spell para hanapin si Jett, napagdesisyonan ng grupo na umuwi ng maaga, upang makapaghanda sa sasabihing announcement sa kanilang school. At umaasa rin sila na mama-master ni Lyrica ang paggamit sa Tracing spell.

Ang Misteryosong Pagkawala Ni Jett (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon