Copyright © 2015 Kath Antonio/ Diyosangwriter.
No portion of this book may be reproduce or transmitted in any form or by any means without written permission from the original copyright holders. This book is a work of fiction. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental.
HOT BACHELOR II: KALIX DOS DELA MARCEL
Simula
Kakatapos ko lang kantahin ang huling kantang kakantahin namin ngayong gabi. Hindi ko alam kung bakit pumayag ang mga kaibigan kong kumanta dito sa lugar na 'to. Gabi-gabing may naghahalikan o higit pa doon, maraming nag-iinuman at minsan nga ay namamanyak na kami ni Abby, ang kasama kong babae sa banda, pero wala naman kaming magawa dahil naka-oo na daw sila. Ano ba naman kasi ang aasahan mo sa isang bar diba? Punong puno talaga ng mga malalandi, manloloko, womanizers, lalakero, babaero at kung ano ano pa ang lugar na 'to.
Kung may trabaho nga lang sana akong mas maayos na hindi ko na kailangan kumanta di sana wala ako dito pero 'yon lang kasi ang meron ako. Hindi ko kasi pwedeng makuha ang kahit katiting ng mana ko hangga't hindi pa ako nagkakaroon ng asawa. Hindi ko alam kung bakit ginawa 'yon ni Mommy. Bakit kailangan ko pang mag-asawa? Pero siguro nase-sense niya na hindi ako magkakaroon ng asawa. Kaya heto ako, kung hindi ako kikita sa bandang ito ay hindi ako makakakain. Isang taon nalang ay ga-graduate na ako ng Engineering pero tumigil ako last sem dahil hindi ko na talaga kayang pag-aralin ang sarili ko.
Ayoko naman kasing basta basta nalang na mag-asawa. Gusto ko kung magpapakasal ako ay sa taong mahal ko ako ikakasal at hindi lang dahil kailangan ko ng pera.
"Uuwi ka na ba Azzy? Isa pa daw sabi ni Boss. Last na daw kung pwede daw. Dadagdagan niya daw ang sahod natin ngayon" sabi ni Abby.
"Bakit? Wala ba 'yong papalit sa atin? Magpatugtog malang sila ng kahit anong kanta" sabi ko.
"kailangan din namin ng pera Azzy. Pinagiipunan namin ni Kuya ang operasyon ni Tatay sana naman pumayag ka na" sabi niya. Wala akong nagawa kundi tumango. Nakokonsensya kasi ako.
Inayos ko ang gamit ko para isang uwian nalang mamaya pagkatapos ng huling kantang ito. Inabot sa akin ng isang babae ang guitara at umakyat ulit ako ng stage. Si Abby ang drumer namin, ang kapatid niyang si Jonas ang bass guitar at minsan kumakanta rin pag na-tripan, si Dom ang Keyboards at ako ang Lead guitarist at singer.
"Tadhana Azzy" bulong sa akin ni Jonas. Tumango lang ako at naghintay na magsimula silang tumugtog.
Nagsimula na din akong mag-gitara. Lumingon ako sa audience. Napakunot ang noo ko ng mapansin sa harapan ko ang isang lalaki. Nakuha niya kaagad ang atensiyon ko, hindi ordinaryo ang mukha niya. Lalo na ng mapansin ko ang asul niyang mga mata.
Umiwas ako ng tingin. Ayokong isipin niyang tinitignan ko siya. Masyado pa naman makakapal ang mukha ng mga lalaki sa panahon ngayon. May mga iba nga diyan tinitignan mo lang iisipin may gusto ka na, hindi ba pwedeng may mali muna sa'yo?
Sa hindi inaaasahang
Pagtatagpo ng mga mundo
May minsan lang na nagdugtong,
Damang dama na ang ugong nito.Di pa ba sapat ang sakit at lahat
Na hinding hindi ko ipararanas sa'yo
Ibinubunyag ka ng iyong matang
Sumisigaw ng pag-sinta.Lumingon ako ulit sa lugar niya. Hindi ko alan kung balit gusto ko ulit siya makita o baka dahil naaakit lang ako sa kulay ng mga mata niya? Halos makalimutan ko ang chords na kinakanta ko ng makitang nakatingin din siya dito. Mabuti na nga lang at sinalo ako ni Jonas kung hindi ay mapapahiya kami at baka mapagalitan pa ni Boss.
Ba't di papatulan
Ang pagsuyong nagkulang
Tayong umaasang
Hilaga't kanluran
Ikaw ang hantungan
At bilang kanlungan mo
Ako ang sasagip sa'yo.Nakipagtitigan lang ako sa kaniya. Nagulat ako ng may lumapit sa kaniyang tatlong babae. Lahat 'yon ay kinakausap niya. Kung saan saan na nga pumupunta ang kamay ng mga babae pero mukhang gustong gusto naman ng lalaki. Napalitan ng inis ang atraksiyong nararamdaman ko kanina.
Saan nga ba patungo,
Nakayapak at nahihiwagaanKung alam ko lang na malandi siya edi sana di na ako nag-aksaya ng panahon. Umirap ako at tinapos na ang kanta. Wala na ako sa mood ng kahit isa pang kanta. Nag-pasalamat kami bago isa isang tumalikod.
"Anong mangyari sa'yo Azzy? Muntik na tayong pumalpak kanina" sabi ni Dom ng magkasabay kami papunta sa mga gamit namin.
"Nakalimutan ko ang lyrics" sabi ko.
"Paano? Favorite mo ang kantang 'yon" sabi niya na mukhang nagtataka.
"Ako nga din nagtaka" sabi ko nalang. Dali dali kong kinuha ang mga gamit ko at nauna nang umalis. Ayokong tanungin na naman nila ako.
Nagtataka talaga ako dahil sa lakas ng epekto sa akin ng lalaking 'yon. Ngayon ko lang naranasan 'yon sa buong buhay ko. Sobrang dismayado lang talaga ako na playboy ang lalaking 'yon.
Mahirap kasing magkagusto sa mga lalaking ganun. Kung kani-kaninong kandungan ng babae nagpupupunta. Ayokong matulad sa Mommy ko na nagmahal ng babaero. Ayokong maloko. Ayokong kagaya niya ay hindi ko kayanin at magpakamatay ako.
"Ang babaeng kagaya mo hindi dapat umiiyak. Panyo?" nagulat ako ng may magsalita sa gilid ko. Napatingin ako doon at napakunot noo. Ano namang ginagawa ni Blue-eyes dito?
Pinunasan ko ang mga luha ko. Napaiyak na pala ako ng hindi ko namamalayan. kapag naaalala ko kasi si Mommy ay naiiyak talaga ako.
"Ayaw mo ba? Malinis naman 'to" nakangusong sabi niya. Talaga namang napaka-gwapo niya pero aanhin ko ang kagwapuhang iyan kung palikero naman? Maipupunas ko ba iyan sa dumudugo kong puso kapag nasasaktan na ako?
"Tingin mo? Malamang kukunin ko 'yan kung gusto ko diba? Tsk" pag-susungit ko sa kaniya at inunahan siyang maglakad pero mukhang sinusundan niya ata ako.
"Saan ka nakatira? Hatid na kita?" sabi niya.
"Kilala ba kita? Hindi diba? Lubayan mo nga ako" inis kong sabi sa kaniya. Nakikita ko kasi sa kaniya ang tatay ko.
"Bakit ba ang sungit mo? Gusto ko lang naman makipag-friends" nakanguso paring sabi niya.
"wag ka ngang nguso ng nguso diyan mukha ng duck! Tigilan mo ako di ko gusto makipag-friends" sabi ko but I know for a fact na hindi siya nagmumukhang duck. Ang gwapo nga niya.
"Sabi ng Mommy ko gwapo ako" sabi niya pa pero nakanguso parin.
"Baka matanda na ang Mommy mo! Baka naman malabo na ang nata! 'Yang mukhang 'yan? Gwapo? San banda?" sabi ko parin ng masungit.
"Hatid nalang kita wag mo ko sungitan. Hindi pa matanda si Mommy at hindi malabo ang mata niya!" sabi niya parin.
"Alam mo Mister kung sino ka man. Tigilan mo ako hindi mo ako mauuto! Tsk kainis!" sabi ko at tumakbo. Mahirap dahil hawak ko ang guitara ko pero malapit na sa may boarding house. Pumasok ako agad sa may gate at agad na sinara.
Anong akala niya sa akin pick-up girl? Tsk. Sana maligaw siya.
BINABASA MO ANG
Dela Marcel II: Kalix Dos
General FictionDela Marcel II: Kalix Dos Dela Marcel Story by Diyosangwriter Cover by: CookieMallows