Wattpad

21 1 1
                                    

Di ka kayang iwasan.

Damdamin ko sayo'y di mapaglabanan.

Dulot mo'y kakaibang saya.

Para bang ako'y namamahika.

Pagkaharap na, ako'y natutulala.

Nakalilimutan mga bagay na mas mahalaga.

Aklat at aralin naiisang tabi,

Dahil higit kang kawili-wili.

Ayos lang na di kumain,

sa merienda sarili'y titipirin.

Matinding gutom titiisin.

Basta sa pagbasa ng wattpad, ikaw ang kapiling.

Oh! Minamahal kong bisyo,

Na hindi ikakahiya't itatago.

Dahil bawat istoryang nababasa,

Nabubuo ang araw ko.

WattpadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon