Ikadalawampu't pitong Yugto: Bounce

33 2 0
                                    

Iris' POV

        Hindi na namin kailangan magpakwento pa kay Celest para malaman ang nangyari. Sinakyan ko na lang siya kanina. I know that's the least we can do for her after what she's been through with Sam. She doesn't deserve to be treated just like any other girl. Actually, no woman deserves to be treated the way Sam treats women. Ang M6 ay dapat kinukulam. Inaya ko si Celest na magsleep-over. This is one way to make her feel she is not alone. 

Paul's POV (Paulina)

        Hay! Mga lalaki talaga oh! Kaya ako hindi ko muna iniisip yan. Sabagay paano ko ba maiisip ang mga lalaki kung wala rin naman nagkakamaling magkagusto sa akin. Anyway, wala akong pakiealam ang mahalaga ngayon ay matulungan naming makapagmove-on si Celest. Halata namang mahal ni Celest si Sam at hindi lang basta arte ang naging relasyon nila. May nangyaring di kaaya-aya kaya umabot sila sa paghihiwalay.

Stacy's POV

        Pinapupunta ako ni Iris sa kanila. Sleep-over daw. Tss! We are so old for that. Dapat lumalabas at iniinom na lang yan. Well, dito muna ako sa bar magpapakasaya. Ako na iinom for Celest. Gago talaga tong mga lalaking ito eh. Kaya ako never akong magseseryoso. Collect and collect and never select. Ang hanap lang kasi ng mga lalaki na yan ay ang mapasaya sila sa kama. Wala ng mga dakilang lalaki sa mundo.

Inom lang ako ng inom nang may kumalabit sa akin. "Is this seat taken?" tanong ni Seth.

"No." sabay inom ng whiskey.

        "I am sorry. Tama ka. I should be the one with her. I should have stop Sam from hurting her but I know I can't take it back. Alam mo at alam nating lahat na masyado ng huli pa kung kikilos ako para kunin siya. Mahal nila ang isa't isa yet they're both too blind to be honest." litanya ni Seth.

        "Really? Ma-hal? Alam ba ng gagong Sam na yon ang ibig sabihin ng pagmamahal? Una sa lahat hidni niya alam yun!" sigaw ko.

        "Yun na nga. It is a very new feeling for Sam. Kay Celest lang siya nakaramdam nun. Hindi mo masisisi si Sam kung bakit nahihirapan siyang ipakita ito."

        "At talagang pinagtatanggol mo pa yang kaibigan mo? Alam mo kung wala kang masasabing maganda tumahimik ka na lang." sabi ko sabay alis. Makapunta na nga lang kina Iris.

        ...Heto kami sa bahay ni Iris sleep-over slash movie marathon. Manonood kami ng The Hobbit Trilogy. Of course hindi kumpleto ang sleep over kung walang strawberry milkshake, cheese and barbecue popcorn, Lays Sour Cream and Onion at Froyo. I super love my friends. I need not to say anything and yet they understand me. Pero I know I still owe them an explanation. Titiyempo ako mamaya para maikuwento ko hihintayin kong makumpleto kami.

        Finally, kumpleto na kami natapos na namin ang dalawang movie ng The Hobbit. Habang di pa nakasalang ang third film I called their attention. Umubo ako para mapansin nila ako. All eyes naman sila sa akin agad. They seem all ready to listen to me.

         "Guys, thank you for loving and taking care of me. Without you there, I may not survive my first heartbreak. Ang sakit eh. Naisip ko tuloy may nagawa ba akong masama para maranasan kong masaktan ng ganito. I guess you can never really have it all. Sabi nila ang perfect ko raw pero paano ako magiging perfect kung pakiramdam ko nauubos na ako dahil kinuha na ni Sam ang lahat. Pero maswerte pa nga siguro ako dahil di ko naman sinuko ang purity ko sa kanya. May maipagmamalaki pa ako.----Pero bakit ganto guys, minahal ko siya eh, umasa ako eh na sa ikalawang pagkakataon pwedeng maging totoo, tunay at seryoso ang relasyon namin. Akala ko hindi na arte ang lahat. Aakala ko....aaakala ko si-siya na. But I was s-so ssstu-pid. I saw him kissing Isabel. I can never be enough and I can never give what he wants." litanya ko habang umiiyak. Pinakinggan ako ng mga kaibigan ko at naramdaman ko naman ang paghagod sa likod ko ni Alex na umiiyak na rin.

        "Celest, you will bounce back. He is just a guy. Don't let him define who you are." sabi ni Iris sabay yakap. Iba talaga si Iris pessimist pero masyadong malalim mag-isip.

Sam's POV

        Kagabi pa ako lasing. Pero wala eh parang di pa rin ako tinatamaan. Di pa ako manhid. Bakit ang sakit sakit ng sinabi niya?

        "Sam, itigil mo na yan." saway ni Seth sa akin. Kinukuha ba naman ang boteng hawak ko. Ipukpok ko kaya sa kanya.

        "Ano bang pakiealam mo? Nagsasaya lang ako dahil nakawala rin ako sa walang kakwenta-kwentang relasyon."

        "Talaga bang nagsasaya ka? Ang pagkakaalam ko nagcecelebrate tayo sa bar. Eh kagabi ka pa nakakulong sa lungga mo eh." sabi ni Jet habang pinupulot ang mga binato kong lata ng beer kanina.

        Di ko na lang pinansin mga pinagsasabi niya. Uminom na lang ako.

        "Tsk! Pre, yan ba epekto ni Celest? So talo ka. Ikaw pala ang nahulog at hindi siya. Sabi na something is wrong sa relasyon niyo. Mukhang una pa lang malabo na ang pagkapanalo mo. Admit defeat. Masmagiging madaling tanggapin." sabi ng nagmamagaling na si Paul. Kumuha pa ng beer at uminom pa. Manenermon na makikiinom pa.

        "Bakit ba kayo ang nagmamarunong ah?!" sigaw ko.

        "Dahil halata namang apektado ka. Halatang nasasaktan ka lalong lalo na ng sinabi niyang she played you." sagot ni Nicco.

        "Apektado ako dahil di ako makakapayag na maloloko niya ako. Gaganti ako."

        "Sa tingin ko dapat hindi mo na ituloy. Ang akin lang naman Sam sa bet nag-umpisa ang lahat tapos nadugtungan na ng revenge tapos revenge ulit. Maging never ending cycle yan at hinding hindi kayo magiging masaya. Kung ibabalik mo na lang ba focus mo sa mga babae mo at pababayaan na lang si Celest you will bounce back." sabi ni Paul. As usual may point si Paul, pinakamatalino sa amin yan.

My dear readers (kung meron), feel free to like and comment... I need inspiration... medyo nawawalan eh... Kahit pa like lang kahit di na comment hehe....

The Perfect Girl for the CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon