Chapter 4: Bad ka!

5.4K 144 20
                                    

AUBREY

Tiffany panget calling...

"Hello. Kayong dalawa, nagawa niyo na ba?" Tanong ni Tiffany, ang leader ng totoong grupo namin.

Ako at si Chennel ay nagspy para sa RSG at kami ay nautusan na magpanggap bilang member nila.

Nagkatinginan kami ng kambal ko, "Hindi pa namin nakukuha, pag nakuha namin tatawagan ka agad namin. For now, maghintay ka muna. Pipilitin namin si Chris na ipakita ang move niya."

Si Tiffany Nicole Ocampo ang gang leader namin sa RSG. Kinukuha nya ang pinakamalakas na move which is ang nagmamay-ari ay ang leader ng Shidae Gang, Chris Lee. Mahirap man kuhanin pipilitin pa rin niyang makuha para lang maging malakas ang aming grupo, ang Red Serpent Gang.

Nakita namin si Chris na naglalakad papunta sa'min kaya dali-dali kong tinapos ang tawag. "Who's that?" Simple lang ang tanong niya pero yung titig niya nakakamatay.

Biglang sumulpot si Bea sa likod ni Chris. "Hoy, nandiyan lang pala kayo kanina pa namin kayo hinahanap." We both sighed in relief. Thank you, Bea! You saved our lives.

Lumapit si Chris sa amin, "Pag nalaman kong may ginagawa kayong hindi maganda parehas kayong hindi na sisikatan ng araw," she took one last glance before following Bea.

-

Bumalik na kami sa villa noong mag-gagabi na. Naligo na kami at tumambay lang sa kwarto. I watched TV while Chennel plays sith her phone. Nasa baba si Sohe kaya kaming dalawa lang ang nandito. Nagsuot ako ng malaking yellow na shirt at maong shorts. Si Chennel naman ay isang violet loose tank top na may itim na tube sa loob nito at maong shorts din. We both wore slippers.

Nakarinig kami ng katok, "Ma'am, handa na po ang hapunan sa baba. Pinapatawag po kayo ni ma'am Bea."

Nagkatinginan kami ni kambal, "Nandiyan na!" Chennel shouted. Pinatay ko 'yung TV at umalis sa pagkakahiga sa kama. Sabay kaming bumaba ni Chennel at dumeretso sa hapagkainan.

Lahat sila nakaupo na. Maraming pagkain ang nakapatong sa lamesa. Mostly seafood pero 'yung iba hindi.

Umupo ako sa tabi ni Bea, si Chennel naman ay sa tabi ko. Taliwas ang upuan namin kela, Chris, Sohe at Jaz.

"Kumpleto na tayo. Let's eat!" Ani Jaz at nagsimula nang kumuha ng kanin. P

Maya't maya kami napapatingin kay Chris dahil ang sama ng tingin niya sa amin. Kung may laser lang siya mata na lumalabas panigurado kanina pa kami patay. Bakit ba naman kasi kami yung naatasan sa ganitong trabaho.

Pagkatapos kumain umakyat na kami sa sari-sariling kwarto namin. May sarili naman kaming kwarto pero pinilit namin na makitulog kay Sohe dahil ayaw ni Chris. Okay na din yun dahil siya ang hacker ng grupo, panigurado maraming importanteng files ang laman ng laptop niya.

Napansin namin na nagtatype si Sohe sa laptop niya kaya biglang sumingit si Chennel. "Sohe ano yang ginagawa mo?" Nakisilip na rin ako, "Oo nga. What's that?"

"Ah eto? May inaayos lang ako," sagot niya. Ni hindi siya nag-abala na lingunin kami.

Tumango na lang kaming dalawa dahil wala naman kaming maintindihan sa pinag gagawa niya.

Mga ilang minuto ang nakalipas ng mapagdesisyunan kong kulitin si Bea. Kumatok ako pero walang sumagot. Napansin ko na hindi naman nakalock yung pintuan kaya pumasok na lang ako.

Pareho lang ang estraktura ng kwarto niya sa kwarto ni Sohe, sa tingin ko magkakapareho lang ang mga kwarto pwera lang kay Chris. White colored tiles, a bed with a nightstand on each side na may nakapatong na lampshade. Sa tapat no'n ay isang malaking plasma TV. There's a large wooden closet, a large horse painting on the wall, and another door which leads to the bathroom. The walls were a light shade of beige.

Heiresses to GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon