MIW [19]

2.7K 62 1
                                    

Note: Sana matapos na to XD. May nagbabasa pa ba? Taas kuko!

Para akong nakadrugs pagkagising ko kinaumagahan. Hindi naging maayos ang tulog ko. I felt like everything was misplaced, everything I build, na pinaniwalaan kong forever ng magiging takbo ng buhay ko ay nabago lahat.

Before only I wished for me and Rhigz to get married and create a family of our own. I'll be a good housewife and mother. I'll be a good example for my children. And I and Rhigz will live happily together 'til we get old. But after yesterday it all vanished. Paramg pira pirasong nadurog at hindi ko na ulit kayang buohin. Alam kong mali 'tong iniisip ko because Rhigz dedicated his feelings for me, and I, on the otherhand has second thoughts about my feelings for him.

Kung sana ay panaginip lang ang lahat ay hindi na ako mamomroblema ng ganito. Pero hindi eh.

Naisip kong umabsent na lang muna ngayong araw. Hindi ko pa alam kung kaya kong makapagisip ng maayos.

Tama si Migo, tama sya. Si Rhigz lang dapat. Si Rhigz lang. Wala ng iba.

"Hay Eri bakit ba ang gaga mo?" Inis kong saad sa sarili. Kinuha ko yung body bag ko at balak ko ngayong pumunta sa mall para makapagunwind.

Pagdating ko doon ay marami-rami na ring tao. Dumiretso ako papunta sa isang botique. Matagal na rin ng huli akong magshopping maybe this is the right time for diversion.

Pagpasok ko doon ay biglang gusto kong umatras. Great! Just great nandito si Migo. Nakatalikod sya sa direksyon ko at mukhang may hinihintay at ng sa wakas lumabas na yung babae sa dressing room ay saka ko lang naconfirmed na tama ang nasa isip ko. He's with Angel.

"Goodmorning po ma'am" Lapit sakin ng isang sales lady. Gusto kong sabihin kay ate na ang galing nyang tsumempo dahil napalingon si Migo kung nasaan ko. Seryoso itong nakatingin sakin.

Para hindi mapahiya ay pumasok ako sa loob at kunyari'y nagtitingin pero sa totoo lang ay hindi ako makapagconcentrate.

"Hey bitch, you alone?"Nagpangap akong hindi ko sya narinig because the bitch she is calling is herself not me.

"Naririnig mo ba ako? Are you deaf?" Piniling ko na ring lumingon baka magkabangayan pa kaming dalawa dito. Ako kasi may hiya, sya kasi ata pinalaking palengkera.

"Wala mas gusto ko kasing mapagisa" Napalingon ako kay Migo. "May problema ka ba don?" Mataman ako nitong tiningnan bago nagiwas ng tingin. Agad namang umangkla si Angel sa braso ni Migo. Hindi ako gumawa ng kahit anong reaksyon.

"You can join us if you want" Nakita ko ang matalim na tingin ni Angel kay Migo bilang pagtutol sa ideya nito. Umiling naman ako kahit hindi nila sabihin ramdam kong ayaw akong kasama ni Anghelita at wala rin naman akong balak.

"Hindi na... salamat na lang. Gusto ko ring maglibot mag-isa" Pinilit ko pang ngumiti dahil kahit papaano ayokong bigyan ng kahulugan ang kahit anong sabihin ni Migo. Just be yourself Eri. Alam kong napakaawkward ngayon sa pagitan naming tatlo "Una na ko sa inyo"

Make It WorkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon