“Makakahanap ka rin ng iba! Tiwala lang. Marami pa namang lalaki sa mundo. Maliit lang ang mundo, tiyak na makakahanap ka rin ng tamang lalaki para sa’yo.”
‘Yan ang pinaka hindi malilimutang advice sa akin ng best friend ko, bago s’ya mahimbing sa isang mahabang-mahabang tulog. Yung feeling na hindi na siya muling magigising.
“Bakit mo ba ako iniwan? ‘Di mo man lang ako hinintay eh. Edi sana sabay tayong tumuntong sa mga ulap. Diba umamin ka pa sa’kin na may big crush ka sa kakambal slash kuya ko? Well, kahit 5 seconds lang yung tanda n’ya sa akin, kuya ko pa rin siya. ‘Di mo man lang ako binigyan ng pagkakataong sabihin na crush ka rin ni Kuya. Sabi natin sa isa’t isa na bubuo tayo ng banda natin diba? Tapos tatawagin natin yung banda na “The Rebel Royalties” kasi mga rebels tayo pero kabilang tayo sa royals. Tsaka diba sabi mo sa’kin na hindi mo ako iiwan? Na hindi mo ako lulubayan? Na hindi mo iiwan ang tabi ko? Pero bakit mo winasak ang pangako mo sa’kin? Hindi ako makatulog tuwing gabi dahil palagi kitang naiisip. Alam mo bang hindi na ako active sa school? Halos araw-araw akong absent sa klase dahil palagi akong nagkukulong sa kwarto ko, umiiyak. Tsaka ano pa bang gagawin ko sa school kung ikaw lang naman yung tangi kong best friend? Wala rin naman makakaintindi sa’kin sa bahay kasi lagi na lag work,work,work! Kahit gustong-gusto akong tulungan ni Kuya, hindi n’ya magawa kasi palagi na lang sila may band practice. Hindi ko naman maikwento kay na Yaya kasi masyadong personal at private para sa akin. Kaya gumising ka na d’yan, Ashlyn. Miss na miss ko na yung boses at ngiti mo eh.”
Hindi ko na alam kung anong gagawin ko nung mga panahong yun. Nagdilim ang mundo ko. Mahirap talaga mag- move on. Wala na yung partner in crime ko. Wala na yung partner ko sa kalokohan. Wala na yung ka-jamming ko tuwing break time. Ano na nga ba ang gagawin ko?
“Hintayin mo lang ako best friend. Susunod ako sa’yo. Maghintay ka lang at magkikita tayo.”
Naisip ko, paano kaya kung sundan ko na lang s’ya? Kung tutuusin, doon rin naman tayong lahat patungo eh. So bakit hindi ko na lang madaliin? Kesa naman palagi akong nasa isang sulok, nagmumukmok at umiiyak. Walang tigil na pag-iyak hanggang sa makatulog na lang.
Kung sa tingin n’yo madali lang mag- move on, nagkakamali kayo. Napakahirap mag move on lalo na kung sobrang important eng taong yun sa buhay mo. Yung tipong malaking part yung nagampanan n’ya sa Journey Of Life mo.
“Alam mo, nakakarelate ako sa’yo. Mahirap talaga mawalan ng mahal sa buhay lalo na kung mahalaga talaga s’ya sa buhay mo. Pero hindi naman natin maiiwasan ang mga prblemang sasalubong sa atin bigla-bigla. Minsan kailangan na lang talaga nating harapin ang katotohanan. Miss tahan ka na ah? Heto, panyo oh.”
Nang makilala ko s’ya, nagbago ang lahat. Yung dating madilim kong mundo, nagliwanag at naging masaya. Natutunan ko sa kanya na hindi natin kayang iwasan ang mga problemang bigla na lang darating. Natutunan kong hindi ibinigay sa atin ang problema para parusahan tayo, ngunit para subukin ang katatagan at kalakasan ng loob natin. Itinuro n’ya sa akin na maging matapang at matatag.
Hi. Ako si Trixie Hood. Isang simpleng teenager sa Maryland University. Mas kilala ako sa bansag na “Ms. Shining Popular”. I’m 16 years old. Mahilig akong kumanta at marunong rin ako mag-gitara at mag-drums. May kakambal ako na 5 seconds ang tanda sa’kin. Siya si Calum Thomas Hood.
Meet Calum. Isang “acting cool” guy sa campus pero ubod ng bait. Napakabait n’yang kuya sa akin. Subukan n’yo lang s’yang galitin, baka pilay na kayo ngayon. Backup singer at bassist ng bandang “5 Seconds Of Summer” o mas kilala bilang “5SOS” ang kuya ko.
5SOS. Isa sa mga sikat na banda sa University na ito. Binubuo ito nina Luke Hemmings, ang lead vocalist at guitarist ng banda; Michael Clifford, ang lead guitarist at backup singer; ang kuya kong si Calum Hood, ang bassist at backup singer; at si Ashton Irwin, ang drummer at backup singer ng banda na kapatid ni Ashlyn.
Naalala ko na naman si Ashlyn. Miss na miss ko na talga s’ya. Ginawa ko naman lahat pero hindi ko siya magising eh. Hinarap ko na lang yung katotohanan na wala na s’ya; na patay na siya; na hindi na siya magigising sa kanyang mahimbing na tulog. Araw-araw ko namang ginagawa ang lahat ng makakaya ko para magising siya pero sa tingin ko that wasn’t enough. Sa tingin ko hindi ko na talaga siya kayang gisingin.
Parte kami ni Ashlyn sa CAMPUS ROYALTIES ng university na ito. Syempre yung mga mayayaman yung napili. Actually dalawang pairs lang ang kasali sa CAMPUS ROYALTIES. Kapartner ko yung naging best friend ko nung nawala si Ashlyn. Yep, and there we have it.
Meet Brad. Bradley Simpson. Lead vocalist ng isa ring sikat na bandang The Vamps, which is karibal ng banda ng kuya ko. Sa dinami-dami ba namang banda sa university na ito, bakit sila pa yung magkalaban?! Pwede namang yung One Direction na lang.
Ako muli, si Trixie Hood. Subaybayan n’yo na lang ang storya ko dahil ito ay simula pa lamang.
~~~~~~
Hi! This story is basically a mashup of the famous celebrities/bands but in Taglish version.
Hope you guys like the prologue so far :)
~Trix
YOU ARE READING
Unexpected *ONGOING*
Fanfiction"Hindi ko inakalang sa panahong nakilala kita, magbabago ang lahat." ~All Rights Reserved 2015 @arianaliciousss~