Chapter 24

314 33 15
                                    

Chapter 24

Nandito ako sa office ko at nagbabasa ng isang kaso at ginugol nalang lahat ng oras ko sa pagtratrabaho ngayon at noong mga nakaraang araw dahil ayokong isipin kung gaano kasaya si Mav kasama si Lance at kung paano niya makakasama si Mav ng ganon kadali lang. Walang mga taong titingin sa inyo at pag-uusapan kayo. Walang taong manghuhusga sa inyo. Walang taong iisip ng kung ano kapag natalo ang isa sa amin sa kasong pinaglalabanan namin dahil lang sa nakita nilang magkasama kami ni Mav o mabalitaan na may relasyon kami.

Lance can have her without feeling guilty when he's meeting Mav's family because Lance's family didn't do anything wrong to her family.

Napatingin ako sa pintuan noong sumilip doon ang secretary ko.

"Sir, Madame Alicia de Montaigne is here. She wants to talk to you."

Nakakunot ang noo kong tinignan siya saka wala sa sariling tumango. Pinapasok niya ang Lola ni Mav sa loob ng office ko saka isinara ang pinto.

"Good morning, Atty. Esquire." She said.

"Good morning, Mrs. de Montaigne," I said. After knowing all the things that my grandfather did to her it's hard for me to face her now. Hindi man ako ang nagkamali sa kaniya. "Have a seat," I said. She smiles at me and sat on the sofa in front of my table.

"I'm here to give this to you." She said and placed a brown envelope on my table. Taka ko muna siyang tinignan bago binuksan iyon.

It's a picture of Mav and Lance's dates.

"They look good together, right?" Nakangiting sambit niya. I licked my lower lip and bit them while looking at the pictures that I am holding right now. "I just want to inform you that Lance is engaged again with my granddaughter Anastasia. Matagal na magkaibigan ang pamilyang Rodriguez at de Montaigne kaya hindi malabo na isa sa mga Rodriguez at de Montaigne din ang magkakatuluyan sa huli."

Bumuntong hininga ako saka inilapag ang mga pictures sa lamesa ko. Pagod akong sumadal sa swivel chair ko at malamig siyang tinignan even I still have feeling guilt inside me.

"I suggest to you to stop whatever what's your relationship with my granddaughter, Attorney... because I'll never be going to accept an Esquire to my family." Mariing sambit niya. "You're just an Esquire. An Esquire na hindi kayang gumawa ng sarili nilang pangalan kung hindi gagamitan ng koneksyon at kung hindi dahil sa mga magulang nila. Ayoko ng ganyan para sa mga apo ko. Ang kailangan ko sa mga apo ko ay yung kayang gumawa ng sarili niyang pangalan para sa sarili niya."

"Are you done, talking?" I ask coldly.

She laughed sarcastically. "You're really an Esquire. Like your family who doesn't know how to respect. Such a disrespectful family." Ismid niya sa akin. "Ah hindi na ako magtataka dahil anak ka ni, Giselle. Your mother who—"

"You better shut your mouth if you're just going to say bad things about my mother, Madame... before I lost my respect to you and forget that you're Prosecutor Vergara's grandmother." Diretsyong sambit ko sa kaniya. Galit siyang tumayo at lumabas ng office ko.

Hindi ko alam kung bakit siya naging ganoon sa akin. Naaalala ko pa noon sinabi niyang mabuti na wala kaming relasyon ni Ara. Anong ibig niyang sabihin doon?

dalawang araw na ang nakalipas pero hindi pa din nagawang sabihin sa akin ni Mav ang tungkol sa engagement niya kay Lance.

Kinagabihan nagpunta ako sa condo ni Mav para makita siya dahil bukas ay last hearing na. I just want to see her and hug her tapos aalis na din ako kaagad.

I wear my black Adidas cap and black face mask para hindi ako makilala ng tao. My boss said that I should stop seeing and being with Mav in public dahil baka makaapekto sa kaso lalo na at the last hearing. Si Mav pa yung Prosecutor ng kaso kaya hindi kami pwede magkasama ni Mav in public.

Inclement Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon