"aray ko ahhh nananadya kaba o may galit ka sa akin!?"reklamo ko kay Bien ng pinupunasan niya ang likod ko dahil sa pawis paano ba naman ay parang may galit ito sa akin at dito niya inilalabas ang sama niya ng loob
"Wala akong galit sayu ano, saka sakto lang tong ginagawa ko para Hindi kana ulit pagpawisan"tumatawang sabi Niya sa akin "paabot ako ng pulbo at panyo mo at lalagyan ko itong likod mo baka isumbong mo nanaman ako Kay mommy panigurado lagot nanaman ako netoh aishhh" Hindi ko alam kung naiinis ba Sya sa akin o iniinis Niya lang ako!
Minsan Kasi ay isinumbong ko siya sa mommy Niya dahil Hindi Niya nilagyan ng panyo Ang likod ko at natuyuan ako ng pawis sakto Naman noon na nilagnat ako at siya Ang sinisisi ko natatawa ako noon dahil sineryuso ng mommy niya iyon at pinagalitan itong si Bien..hindi niya ako pinansin ng isang araw at nung binilhan ko siya ng ice cream ay bati na kami
"Oh ayan okay na"masayang sabi niya sa akin matapos lagyan ng pulbo at panyo Ang likod ko "kapag nilagnat ka ay wala na akong kasalanan ahh wag mo akong isusumbong"pagmamaka awa niya sa akin Ang kyut kyut Niya hihi mukha siyang aso
"Oo na" pasigaw na sabi ko sa kanya kahit na magkalapit lang kami "Hindi ko Naman alam na seseryusuhin ni mommy mo eih napagalitan ka tuloy" pang aasar ko sa kanya at mukha Naman siyang naaasar "okay lang yan may ice cream ka naman saken non eih"pagsusuyo ko rin sa kanya dahil baka mapikon ito at hindi ako isabay pauwi
"Sama ka muna sa bahay Namin mamaya pag uwi naten"pagkatapos Niya itong sabihin ay inihilig Niya Ang ulo Niya sa balikat ko
Nandito kami sa covered court ng school Namin dahil vacant Namin maraming dumadaan na estudyante kaya maingay...sinilip ko Kung tulog ba si Bien o ano pero Hindi naman ito tulog kaya naglaro nalang ako ng candy crush sa cellphone ko kailangan ay hindi ako maabutan ni Bien Dito dahil kung nagkataon ay aasarin Niya lang ako at sasabihan ng mahina
Pagkatapos ng school ay sumama nga muna ako kila Bien Hindi Naman ako papagalitan Nila mommy dahil panigurado ay naipa alam Naman na ako ni tita Estella Ang mommy ni Bien
"Mabuti at maaga kayung nakarating sakto at kakaluto lang ng dessert na gawa ko"masayang bati samen ni tita Estella ng makarating kami sa bahay Nila "kamusta ang bagong school niyu?"
Bagong lipat lang Namin ni Bien ng school at napagdesisyunan Namin na iisang school nalang Ang papasukan Namin at hindi rin Naman Namin kaya na magkalayo...nasanay na ako na laging nariyan sa tabi ko si Bien....matalik na magkaibigan Ang mga parents Namin... Kung nasan siya ay naron din ako, our parents can't separate us
"Wala pa po kaming kilala doon mommy parang Ang hirap po nilang pakisamahan"pagkekwento ni Bien Kay tita Estella
"Normal lang iyan sa bagong transferee na katulad niyo at wala pa namang IsAng buwan mula nung mag start Ang klase kaya okay lang na wala pa kayung circle of friends"pagpapaliwanag pa ni tita
"Bakit pa kailangan ng circle of friends eih andito Naman na itong si bella mommy!?" Reklamo ka agad nitong si bien Kay tita Estella
"Mas maganda kung marami kayong magkakaibigan anak"
"Ah Basta okay na ako Kay bella mommy"pagkukumbinsi ni bien Kay tita
Pagkatapos Naming kumain ng dinner ay inihatid na ako Nila bien sa bahay Namin dahil gabi na rin at may pasok pa kami bukas ,kung may dala lang akong damit ay doon na ako natulog sa kanila...sayang at biglaan Ang pagdalaw ko sa kanila nakapaghanda Sana ako...sa susunod nalang marami pa namang araw
"Kamusta ang lakad mo anak?"tanong sa akin ni daddy pagkapasok ko Ng bahay
"Okay naman po daddy Hindi napo ako kakain dahil doon na ako kumain kila bien"pagsasabi ko Dito para Hindi na ako kulitin na kumain "atsaka po pala ay pinapakamusta po kayu ni Tito Randolf"pagtutukoy ko sa daddy ni Bien
"Kakausapin ko nalang Sya bukas at magkikita rin kami sa site"parehong engineer Ang daddy Namin pareho ni bien.
Magkaiba sila ng kompanya pero nagsasama sila kapag may malalaking project na pinapagawa sa kanila kahit na may kumakalat na tsismis na magkakompetansya Ang company Namin sa company Nila bien ay lamang paren Ang pagkakaibigan ni Tito Randolf at ni daddy Hindi Nila tinuring na kalaban Ang isat isa at yun Ang hinahangaan ko sa kanilang dalawa
"Nasan po si mommy?"tanong ko kay daddy habang papunta ako sa sofa Dito sa living room para magpahinga saglit
"Nasa office pa baka mamaya ay nandito na rin siya"
"Aakyat na po ako daddy at inaantok napo ako pasabi nalang po kay mommy ay good night at I love you ganun rin po sa inyu"
Pagkatapos kong sabihin yun Kay daddy ay umakyat nako sa kwarto ko naligo muna ako at nagtoothbrush
Habang pinapatuyo ko Ang buhok ko ay ginawa ko na rin Ang mga assignments Namin nag review din ako mahirap na at baka may surprise quiz Ang mga teachers Namin para bukas......nitong nakaraan Kasi ay may biglaang quiz Ang teacher Namin sa english Hindi rin ako naka review noon dahil kinagabihan noon ay galing kami sa Tagaytay kaya kinabukasan ay hindi ko alam kung ano Ang isasagot ko mabuti nalang at pinakopya ako nitong si bien
Ng matapos kong mag review at gawin Ang mga assignments ko ay chinat ko muna si bien ng good night pagkatapos kong maisend yun ay nahiga na ako sa kama ko pagod siguro talaga ako kaya mabilis akong nakatulog.
YOU ARE READING
The one that got away
Teen Fiction"I wanna fall inlove and never break up." Start-April 26,2021 End- Enjoy reading ( ◜‿◝ )♡