Tumunganga ako sa harap ng aming pisara, binabalewala ang mga kaklase kong kung anu-ano ang ginagawa sa buhay. Some were watching dramas on their mobile phones; Some were dancing k-pop songs; While some were just silent like me.
Napaupo ako nang maayos nang isang grupo ang lumapit sa 'kin. They smiled at me, their hands holding bunches of school papers. Nginitian ko rin sila pabalik at hinila ang isang bangko para makaupo ang isa kong kagrupo sa tabi ko.
I fixed the things in my table while my free hand was slowly getting my books out of my bag. Nang makuha ang librong gusto kong makuha ay hinarap ko ang mga kagrupo ko.
"So, since we already talked last day, Sheena, Remar, Jessica, Jason, and Frency, kayo na ang bahala sa pag-i-interview," pagpapaalala ni Richard sa 'min. Tumango lang ako at kinagat ang pang-ibabang labi. I could still not believe how fast the time came.
Noon, grade 7 pa lang ako. Yagit pa sa yagit ang itsura ko noon. Nang mag-grade 10 naman ay tuluyan na rin akong natuto kung papaano i-handle si stress. 'Tapos ngayon naman, kung kailan Senior High School Student na 'ko, natutunan ko kung papaano mahalin si stress. Wala, e'. kailangan talaga.
"Final na talaga 'yan? 'Yung mga nasa first section lang ang pupuntahan natin? 'Yung mga regular, papaano?" tanong ni Jessica habang nakatingin sa 'kin na tila ba humihingi ng resbak. Nagkibit na lang ako ng balikat.
Okay na ako sa sa plano namin noong isang araw. Kapag isasali kasi ang mga regular students, edi malaking adjustment na naman ang gagawin namin.
"'Yung mga nasa first section lang," sabi ng leader namin. He was reading an article on his laptop. Nakapokus talaga siya sa ginagawa niya. We were not that close; We just talked if there's a group meeting. Medyo kinakabahan nga rin ako sa kaniya.
He was the valedictorian when he was in his tenth grade. Transferee siya rito, but since he had the looks and brain, he became popular. Hindi na rin ako magtataka kung gusto niya perfect ang magiging performance namin. Kaya ay todo ang adjust ko sa kaniya. Rather, todo ang adjust namin sa kaniya.
Inanunsyo ng aming lider na puwede na kaming mag-take ng recess. Nagulat ako noong nabasa ko ang message ni Ytang sa 'kin. 'Di na 'ko dumiretso sa canteen, basta ay roon ako tumuloy patungo sa main gate namin.
"Please naman, guard. Public School naman 'to, e', ba't kailangang hindi papasukin ang ma-li-late?" nagmamakaawang boses ni Ytang ang sumalubong sa 'kin. I breathed in to catch my breath. Napahawak ako sa tuhod ko at sumilip sa kaunting awang ng gate namin.
"Bawal talaga. Second day of school, patakaran na 'yan, inday," matabang na sabi ng guard.
Narinig ko ang pagpapadyak-padyak ni Ytang sa labas. Gusto ko sana siyang pagtawanan sa inaakto niya ngayon, pero may parte sa 'kin na kinakabahan para sa kaniya. She said to me yesterday that she needed to submit something on time. Pati ako'y napapaisip kung papaano ko mapapapayag ang guard.
"Kahit ngayon lang, guard? Promise, last na 'to! 'Di na 'ko uulit," Ytang begged even more. "Promise, maaga na akong gigising bukas. Para mas effective, 'di na ako magto-toothbrush. Sige na, guard, oh."
Napatingin ako sa paligid. May ibang napapatingin pero may ibang pachill-chill lang. Nakita ko si Joyce sa main field kaya kaagad kong d-in-ial ang number niya.
Bumuntong-hininga ako nang pagkalakas-lakas noong makita ko siyang sa wakas ay papatakbo na patungo sa direksyon ko.
"Late na naman?" nakangiwing bungad ni Joyce sa 'kin. Mahina siyang natawa nang tumango ako. Sumilip din siya sa gate at napailing-iling kaagad. Kilala ko ang guard na kaharap namin ngayon, 'di talaga siya nagbibigay ng chance. Ang masasabi ko lang ngayon, ang malas naman ni Ytang ngayong araw. 'Di kasi naka-duty 'yung mabait na guard na kaibigan at madalas inuuto ni Ytang.

BINABASA MO ANG
Hopelessly Smitten ✔
Teen Fiction"Gagawin ko lahat ng sinabi mo. Tutulungan ko ang kompanya namin. I will gonna fix myself up... For you... For you deserve better. Give me a decade, and I will make you proud of me." ©2021. Ugly_Writes. All rights reserved.