CHAPTER THIRTY-SIX

68 8 24
                                    


SAMANTHA'S POV

FLASHBACK

Hinawakan ko ang mukha ni Lucas at hinarap sa akin. "Maybe I can't really remember you but I think my heart does."

Mapupungay ang mga mata ni Lucas na tumingin sa akin at animo'y pinag-aaralan ang kabuuang iyon. "Inlove kana ba sakin, Samantha?" tila lasing na sambit nito sa akin. Bahagya akong napangiti at marahang tumango. Nilayo pa nito ang katawan sa akin at pilit idinidilat ang mga mata. "Talaga?"Isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib nito at niyakap pa ito ng mahigpit. Marahan nitong hinawakan ang baba ko at nagtama ang paningin namin. 

"A-Ano?" Ako ang unang bumitaw sa pagtitinginan namin ngunit muling hinuli ni Lucas ang mukha ko at ikinulong sa mga palad nito.

"Answer me, are you in love with me?" seryosong tanong niya sa akin at parang may kung anong kinang sa mga mata nito. Tila hipnotismong hinihigop ang kaluluwa ko. 

"Ikaw? Mahal mo ba talaga ako?" tanong ko. 

"Kukulitin ba kita ng ganito kung hindi?" nakangising sagot niya sa akin. "Ikaw, mahal mo ba ako? or mahal mo na ba ako?"

"Hindi mo naman siguro maaalala ito." Hinawakan ko ang magkabilang pisngi nito at mabilis na ginawaran ng halik ang mga labi nito. Marahan kong binitawan ang labi nito at nanatili itong nakatulala. "I love you, My Manyak na Multo." mahinang bulong ko pa at saka tinalikuran ito. 

END OF FLASHBACK


"Parang kang tanga. Sa totoo lang." basag-trip ni Lana sa akin. Nahuli niya kasi akong nakahawak sa labi ko at kinakausap ang sarili.

Sinamaan ko ito ng tingin at sinimangutan. "I'm so dead. Paano ko siya haharapin?" napatakip ako ng unan at saka sumigaw ng malakas.

"Ayy palakang ligaw!" gulat ni Lana. Maging ako ay napaatras sa kanya. "Wala na akong naintindihan sa pinapanood ko!" inis na sigaw pa niya sa akin. Kasalukuyan kasi kaming nasa sala at nanood ng movie. Buti na lang weekend ngayon at walang pasok.

"Ehh kasi--"

"Ano ba kasing ginawa mo?! At hindi ka mapakali dyan?!" sigaw nito sa akin. Muli akong napayuko at agad din napaangat ng tingin nang biglang tumunog ang doorbell. "Manang. Pakibukas naman yung gate. Tignan mo kung sino ang tao don." utos nito sa kasambahay.

Muli niya akong tinitigan ng masama at napaayos naman ako ng upo. 

"Oh." gulat na usal ni Lana. Napaangat ang tingin ko rito at ganoon na lang ang gulat ko ng makitang nakatayo si Lucas malapit sa pinto. 

"Sorry kung napasugod ako dito." usal ni Lucas at tumingin sa direksyon ko. Bahagya pa akong nagulat at napaawang ang bibig ko. Agad na napaiwas ng tingin. 

"Ayos lang. Buti pumunta ka. Nababaliw na kasi itong kaibigan ko." reklamo ni Lana sabay ismid sa akin. 

"Ganoon ba?" dahan-dahan itong lumapit nang hindi inaalis ang tingin sa akin.

"Maiwan ko na muna kayo." paalam ni Lana.

"Ho----" habulin ko sana si Lana ngunit mabilis itong umakyat ng 2nd floor.

"Tss." mahinang singhal sa akin ni Lucas. "Iniiwasan mo ba ako?"

"H-Hindi ahh." maang-maangan ko. Iniwas ko ang tingin ko ng naupo ito sa tapat ko.

"Let's go outside. We need to talk." bakas sa tinig nito ang pagkainis sa akin.

"B-Bakit?"

"Lalabas ka o bubuhatin kita?" pagbabanta pa nito sa akin. Agad akong napatayo at nagpatiunang lumakad palabas ng bahay.

The Sky Above Us (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon