Chapter 58: Emblem of Moral Truth

59 3 0
                                    

Chapter 58: Emblem of Moral Truth 




Nico's POV

Nakapako lang ang aking mga mata sa unahan ng altar kung saan nakatayo mula roon ang isang babae na nakasuot ng asul na gown. Walang reaksyon niyang nilapitan si Dia at yumuko sa harap ng maraming tao maging sa media. Mapapansin ko naman mula sa reaksyon ng aking ama ang ngiti na tila ba kasama sa plano niyang sirain ang pinakamahalagang araw ng Rallnedia.

Sa dinami dami ng pwede mong gawin ngayong araw bakit ang ipakilala pa sa buong mundo ang isang viscountess na matagal ng nawalan ng posisyon? Tanong ko sa aking sarili sa mga sandaling nagsisimula ng magsitayuan ng mga nobles mula sa unahang bahagi ng simbahan.

"I, Viscountess Margaux Ancheska Holmes of Hentorr. Here before all of you to prove that I am the real daughter of late King and Queen of Rallnedia," sambit ng babaeng iyon.


"What is the meaning of this Duke Markus?" tanong ng Head Priest sa aking ama.

"I believe that this woman is an impostor," sabay turo kay Dia na nakatayo lamang sa gitna ng kontrobersyal na nangyayari.

"I can also prove that Viscountess Margaux Ancheska Holmes of Hentorr was the rightful heiress to the throne."

Hindi ko magawang gumalaw mula sa aking kinauupuan, tila ba nakapako ang bawat parte ng katawan ko sa bawat nangyayari. 

Dia, paano kita matutulungan? Hindi ako makapag-isip ng ayos sa tuwing involved sa usapan ang ex ko, lalo na ngayong nasa harap siya ng media at ng mamamayan ng Rallnedia na nakatayo sa tabi mo.

.

.

.

Dia's POV


Ramdam ko ang mga titig ng tao mula sa dito sa loob ng simbahan hanggang sa halos sampung camera na nakatutok sa aking kinaroroonan. Napalunok na lang ako ng laway at dahan dahang sinulyapan ang kinaroroonan nina June, Shaine at Jeyya, gayundin si Nico at si Ma'am Vel. 

Sa ngayon ay may kausap si Shaine sa kabilang linya, gayundin si June, si Nico naman ay nakaupo lang na tila ba napako ang kanyang katawan sa upuan, wala na si Ma'am Vel sa kanyang pwesto habang nakatingin lang si Jeyya sa akin na tila nagulat sa mga nangyayari. 

Napahawak na ako sa ilang hibla ng gown ko sa mga sandaling iyon. So ito pala ang pinaghandaan mo laban sa akin? Sorry pero alam kong ilalabas mo ang alas mo sa mismong araw ng accession. Hindi ko alam ang plano mo ngunit alam ko ang barahang itatapat sa alas na hawak mo ngayon.

"How can you prove that Princess Dia is an impostor and how can you also prove that this woman is the real daughter of the King and Queen?" 

Nagulat ako ng biglang lumitaw mula sa aking likuran si Ma'am Eve, napansin ko naman ang ngisi mula sa mga labi ni Duke Markus sa mga sandaling iyon habang nakaturo ang daliri sa babaeng tinatawag nilang Viscountess.


"These are the pieces of evidence that can substantiate everything that I have said. I'm not the kind of person who will accept something without enough evidence, so it's only right that I also provide enough information about the true identities of these two."

"May I?" tanong ni Duke Markus sa Head Priest. At bilang galang ibinigay ng Head Priest ang altar upang ipaalam ang kung anong impormasyon ang kanyang tinutukoy. Napansin ko naman na nagsibalikan sa pagkakaupo ang mga tao na nasa harap ko ngayon.

"Everything will be fine Princess, hindi ko hahayaan na magsiwalat ng kung ano ang lalaking 'yan," bulong sa akin ni Ma'am Vel mula sa aking likuran. 

Unexpected RoyalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon