CHAPTER 7

7 9 3
                                    

CRIMSON: Every Breath You Take

I leave her hotel in peace, but still bothered to the promises of her at the back of my mind.  'Di man lang ako nagtagal ng isang oras doon. Kinalimutan ko na lang ang mga sinabi niya't isinantabi muna ang isipin sa kung anong gagawin niya sa mga susunod na araw. Pumunta na ako sa mall na pagtatrabahuhan ko bilang janitor. Magtatrabaho ako doon ng halos tatlong oras. Dumeretso na ako sa locker room para sa mga employee, doon ay nagbihis na ako ng uniform ko't inilagay muna sa locker ang mga gamit ko.

"Oh, Ozi ba't ngayon ka lang? kanina pa kita hinihintay." bungad ni Marco pagkalabas ko ng locker room.

"Ah may kinita lang na kaibigan importante eh." sagot ko sa taning niya.

"Sure ka? Kaibigan lang?" may pagdududa na reaksyon niya sa mga sagot ko.

"Naman! Wala akong oras sa mga ganyang bagay." sagot ko.

"Bakit ano ba tinutukoy ko?" nakangisi ang mukha niya na may kasamang pagdududa. Ngumiti na lang ako sa mga akusasyon niya ng matapos na.

"Tanginang ngiti yan. Pre walang ganyanan oh buntis na girlfriend ko, hindi pwede na ngayon pa ako magladlad. Hahahahahaha" nakakainsultong tawa niya.

"Gago! Tigilan mo ako, wala ako sa huwisyo makipagbiruan." sagot kong nakangisi ngunit may banta.

"Biro lang brad!" depensa nito. Lalabas na ako ng silid ng pigilan niya ulit ako. "Ozi, 'di ba naghahanap ka ng bagong trabaho?" I nodded. "Sakto brad na tanggap ako doon sa modeling agency na in-apply-an ko. Eh kaso mas malaki ang offer na suweldo no'ng in-apply-an ko rin na ospital, kaya 'yon ang tinanggap ko pero naghahanap pa rin yung agency ng janitor  sinabihan nga ako ng mag refer ng tao. So, ano refer na kita? " tanong niya.

" Sige. Anong oras ba dapat ako pumunta doon?" interesado kong tanong.

"Umaga daw eh, pero madaling araw ang shift mo."

"Sige." simpleng sagot ko.

"Ano refer na kita?" tumango na ako at lumabas ng silid para mag umpisang mag trabaho.

Nilinisan ko na ang 3rd Floor ng mall. Hindi rin ako nahirapang linisin 'yon gayong 'di ganoon karami ang tao sa palapag na iyon. Natapos na ako sa trabaho ko at dumeretso na sa locker room ng mall. Sarado na ang mall at kaming mga empleyado ang laman noon. Sa pagpasok ko ay siya naman paglabas na ng karamihan sa back door ng mall. Isa-isa ko nang tinatanggal ang butones ng uniform ko ng may maramdaman ako na nakatingin. Lumingon ako sa pinto palabas at nakita kong naka-awang iyon. Ipinag-walang bahala ko na lang iyon at tuluyan ko ng hinubad ang uniporme ko, pagkahubad ay katawan ko kaagad ang bumungad gayong wala man lang akong sandong suot panloob. Isinabay ko na rin ang trousers na kasama ng uniporme at isinuot ang white t-shirt at fitted black jeans na suot ko sa pagpasok.

Kinuha ko na rin ang mga gamit ko sa loob ng locker at isinara. Tinahak ko na ang daan palabas at sa paglabas ko ay nagulat ako sa porma ng isang babae sa kanan ko at kaagad kong nakikilala iyon. Si Odette.

"Ginagawamu?" sagot kong pabiro sakanya.

"Hatid na kita." nakangiting presinta niya.

" 'Wag na, baka kung saan mo pa ako dalhin." Hindi intersado kong sagot at prentang naglakad palabas ng estalisyemento.

"What did I say again kanina?" nakataas kilay na tanong niya about what happened kanina between us.

Mark my words. I'll chase you. I'll keep eyes on you. I'll do everything to keep you near.

Those words from her played to my ears and send shivers to my spine. Seryoso ba talaga siya sa sinasabi niya?

"Bakit ako?" tanong ko ng hindi siya nililingon dahil sa kilabot na dala ng mga titig niya.

CRIMSON Where stories live. Discover now