That Awkward Moment Habang Sakay sa Jeep

187 5 2
                                    

A/N: That Awkward Moment Habang Sakay sa Jeep.

Kanina ko ito naisip habang nakasakay ako sa jeep. Napansin ko, kasi wala naman akong giangawa. Boring kasi masyado. Kaya napapatawa na lang ako. Pagdating nga sa bahay, binuksan ko agad ang wattpad account ko, baka makalimutan pa. hehehe.... :D

at hindi ko na po ito ipapatatagal. Now I present to you.....tantarantan..... That Awkward Moment Habang Sakay sa Jeep.

___________________________________________________________

That awkward moment sa jeep kapag.. .

1. kumakain ang kaharap mong pasahero.

2. kapag napaptingin sa iyo ang katabi mo.

3.  kapag nasa likod mo ang kamay ng isang pasahero.

4,.  kapag nakikibasa ang katabi mo sa mga text mo.

5. kapag nangungulangot ang kaharap mo.

6. kapag katabi mo ang crush mo.

7. kapag nag-aaway si manong driver at isang pasahero dahil sa pamasahe.

8. kapag naka-shades ang kaharap mo at feel mong nakatingin siya sayo.

9.  kapag nasa gitna ka ng dalawang nag-uusap na pasahero.

10. kapag ang lakas ng boses ng isang pasahero habang may kausap sa cellphone.

11. kapag itinaas ng pasahero ang isang kamay niya at napansin mong maitim ang kili-kili niya.

12. kapag napatingin ka kayo ng katabi mo sa magkabilang side at malapit na kayong mag-kiss.

13. kapag may grupong maiingay na sumakay.

14. kapag nasa gilid ka na nga ng jeep may nakisingit pa.

15.  kapag na akala niyo may sasakay, tatawid lang pala.

16. kapag nakaharap sa iyo ang cellphone ng katabi mo at hindi mo alam kung kinukunan ka ba ng litrato.

17. kapag sumakay ang kakilala mo at nawalan kayo ng mapag-usapan.

18. kapag nagalit si manong driver dahil hindi barya ang ibinayad mo.

19. kapag naiwan mo pala ang pitaka mo.

20. kapag tinatakpan ng katabi mo ang kanyang ilong at hindi mo alam kung nababahuan ba siya sa'yo.

22. kapag natutulog ang katabi mo at babagsak na ang ulo nito sa balikat mo.

23. kapag PDA(Public Display  of Affection) masyado ang magsyota sa harap mo.

24. kapag may tumatawag sa natutulog na pasahero.

25. kapag walang gustong umabot ng pamasahe mo.

26. kapag napupunta sa mukha mo ang mahabang buhok ng katabi mo.

27. kapag dumura ang katabi mo at ang laway niya ay napapadpad sa mukha mo. (yucks!)

28. kapag nakikisiksik ka pa sa jeep na punong-puno na.

29. kapag hindi mo napansing wala palang number 21.

30. kapag binalikan mo ang number 21 malaman lang kung wala ba talaga.

31. kapag napapatawa ka sa sarili mo.

32. at kapag nangyari sa iyo ang mula #1 hanggang #31.

~END~

Sana po ay na-enjoy ko kayo sa pagbabasa!! !

comment at vote po kayo kung nangyari rin ito sa inyo. ^____^

inedit ko uli.

that akward moment kasi pag "na" ang ginamit mo at hindi "kapag" ... :D

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 15, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

That Awkward Moment Habang Sakay sa JeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon