xxxv : make things right

2.9K 60 17
                                    

Penny: Pasensya na pooo ang tagal ko talaga mag update.... isang cyberkick naman jan, JOKE. Anyway pakibasa na lang ng author's note sa baba.... oh and baka madaming errors dito. Advance sorry na rin :c

And eto na nga po yung nirerequest niyong UD! Pasensya na kung panget TT_TT sabaw ang author niyo ngayon eh. lol

Loraine’s POV

Akala siguro nila hindi ko napapansin... pero ang totoo, alam ko kung anong nangyayari.

Seriously...? What is she up to? Bakit biglang nagkaganyan si Ali? Pinansin lang ni Dustin parang nawala na yung hiya niya.

Para bang may complete transformation na naganap sa babaeng yun.

At nag s-sulk naman tong si Denise sa mga pangyayari.... eh sabi na nga ba apektado to eh!

Dapat pala hindi na lang ako sumabat nung magkakasama kaming kumain. Edi sana hindi nabigyan ng opportunity si Ali. kung magiging ganito lang pala siya dapat nagtikom na lang ako ng bibig.

So in short kasalanan ko ba....?

Ay ewan! Sana masolusyunan na to!

Eh kung kausapin ko kaya tong si Ali? Ano naman kayang sasabihin niya...?

Bahala na si batman!!!! I-t-try ko na lang sooner or later.... -_____-

Denise’s POV

Nakakainis talaga pag nakakareceive ka ng bad news.... ayan tuloy. Eto nangyari sakin ngayon. Hindi na ako nakapasok ng klase.....

I miss my parents. Kung bakit pa kasi kelangan sa states sila mag ayos ng business ng mga Venzon ehh.

Ang hirap kaya!! Walang malabasan ng sama ng loob.....

Bahala na nga! Maliligo na ako para sa next subject na lang ako papasok.

Pero pagkalabas ko ng pinto, hindi ko inaasahang makikita ko siya.

Nagkatinginan pa kami. Nagkaiwasan din... ano ba yan ang awkward!

“Umiyak ka..?” –dustin

Wow naman! And he really asks me that? Does he even care...?

“Bakit? May pake ka?” pagtataray ko sa kanya....

“Masama magtanong? Tsaka bat wala ka sa klase... masama ba pakiramdam mo kaya ka umiyak?” –dustin

Ang dami niya talagang tanong.... pero aaminin kong mejo natuwa ako. kasi this time siya ang unang nag initiate ng usapan.

After two weeks nagamit nya rin yung bibig niya sa bahay....

“W...wala..... nalungkot lang kasi ako sa balita nila mommy....”

“Bakit? Anong sabi nila tita?” lumapit siya ng konti sakin. Bumilis naman bigla yung tibok ng puso ko. Problema nito?

“Di daw sila uuwi this month. Uuwi daw sila sa birthday ko pa....” mejo naiiyak pa yung tono ko dyan.

Naiiyak talaga ako pag naaalala yan. Pero di ko na napigilan, naiyak nanaman ako. at sa harapan pa niya... nakakainis....

Dustin’s POV

Bakit ganun?

Bakit ang bigat sa pakiramdam...?

Umiiyak si Denise. Gusto ko siyang lapitan pa lalo tapos yakapin. Pero hindi ko naman magawa. Dinidikta ng utak ko pero makulit talaga yung katawan ko. May sariling buhay nanaman asar!

My Seatmate My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon