"Kuya Jiro!" I called.
I jumped off the bench I was sitting on at our campus. He stopped walking and smiled widely when he saw me running towards him.
"Ian, wala pa sundo mo?" sabi niya nung tumigil ako sa harap niya.
"Wala pa po. Stick-o po?" I offered him. Kumuha siya ng isa at kinain 'yon.
"May mga kaibigan ka na ba?" tanong niya. Tumango ako.
"Kaso umuwi na sila, Kuya. Pauwi na rin po ba kayo?"
"Hinihintay ko rin sundo ko. Tara, let's wait together?" aya niya. Tumango ako.
Unang araw ng pasukan at masayang masaya ako dahil pareho na kami ng school ni Kuya Jiro. I'm in Grade 1 while he's in Grade 6.
Si Kuya Ash ang first crush ko. Magkapitbahay kami at lagi siya'ng nakikipaglaro sa akin, o kaya sinasali ako sa laro nila kahit na salimpusa lang ako, at minsan nag-iisang babae pa. Limang taon ang agwat namin ni Kuya, pero tinuring niya ako'ng tunay na kaibigan at inaaway niya rin ang mga nambubully sa akin.
"Uy, beshy. Umabot na ba ang chismis sa'yo?" bati sa akin ni Liz, best friend ko.
First year high school na kami nun, at second year college naman si Kuya Ash. Magkaiba ulit kami ng school. Sa UP na siya nag-aaral, pero dito pa rin siya umuuwi, kaya nakikita ko pa rin siya sa village namin minsan pag pauwi galing school. Mukhang busy na kasi siya, kaya paminsan minsan ko na lang siya nahahagilap.
"Anong chismis?" tanong ko kay Liz habang nagsusulat.
"Yung tungkol kay Kuya Jiro!"
"Hindi nga. Ano ba yun?"
"May girlfriend na siya!"
"Imposible. Aral is life yun!"
"Totoo nga. Nakita ko! Eto, meron pa."
"Ano ba yun?" kinakabahan na ako.
"Magp-PMA na siya."
"Saan mo naman narinig yan?" sabi ko sabay irap. Hindi kasi ako naniniwala. Napaka-chismosa nitong kaibigan ko, minsan hindi rin naman totoo yung mga kinukwento niya.
"Kanina sa faculty room. Diba pinatawag ako ni Sir Reyes dahil sa mga late ko? Eh ayun, nung papasok ako, may naghihintay na babae sa labas. Tapos pagpasok ko, narinig ko tinanong si Kuya kung sino daw yung kasama niya, sagot niya girlfriend niya raw. Tapos narinig ko na hinihingi niya yung Form 137 niya raw kasi magpapasa na siya ng requirements para sa PMA." Dire-diretsong kwento ni Liz.
Hindi ko namalayang pumapatak na pala ang mga luha ko.
"Uy, ano ka ba! Bakit ka umiiyak jan? Malay mo di pa sure yun, diba? Tanungin mo kaya siya." Nagpapanic na si Liz. Hindi kasi ako palaiyak. Ngayon niya lang ako nakitang umiyak.
This is the first time I cried because of Kuya Jiro. Sa 8 years na crush ko siya, hindi ako nagkaroon ng rason para iyakan siya. He never had a girlfriend his entire high school, even though he was popular at maraming nagkakacrush sa kanya. Pero ngayon, bukod sa may girlfriend na siya... aalis siya? I thought he wanted to be a lawyer. Bakit siya magp-PMA?
Days turned to weeks, and I never got the chance to talk to Kuya Jiro. Simula nung nag-college kasi siya ay bihira talaga kami nagkikita at nagkakausap dahil sobrang busy niya na. Dahil high school na rin ako nun, medyo naging busy rin ako dahil napakaraming requirements. Until the day came when he had to leave. Tinatawag ako ni Mama sa baba para magpaalam daw since magkaharap lang yung mga bahay namin. But I refused. Instead, I locked myself in my room and cried all day.
Kinalimutan na ako ni Kuya. Parang wala kaming pinagsamahan. Umalis lang siya nang hindi man lang ako kinausap. Doon naputol ang pagkakaibigan namin, ngunit umabot ng maraming taon bago tuluyang naputol ang nararamdaman ko para sa kanya.
Pero hindi ko inaasahan itong kasalukuyan. Nakatayo ako sa harap niya habang nakasaludo. He is no longer my Kuya Jiro. He is Major Machete. But more importantly, he is like a stranger to me, and apparently, I am too, since he treats me like one.
Today is my graduation day. Finally, after what felt like forever, I graduated from the Officer Candidate Course of the Philippine Army. I felt my heart burn with pride as I thought about all the hardships I had to go through to be at this moment. Today, I am officially a part of the Philippine Army.
After the ceremony, I immediately looked for Mama. I missed her so much. Pagkatapos ng isang taon, ngayon ko na lang ulit siya nakita.
Napatigil ako nang nakita kong magkausap sila ni Major Machete. Nakangiti si Mama at tinatapik ang kanyang braso, habang siya naman ay... nakangiti rin? Simula nung nakita ko siya sa training, ni isang beses ay hindi ko siya nakitang ngumiti. Ngayon lang.
Natigil ang pag-uusap nila nang makita ako ni Mama. Tinawag niya ako at lumapit naman ako sa kanila.
"Sir," bati ko habang natayo nang tuwid at nakasaludo sa kanya. Sinaluduhan niya ako pabalik.
"Anak, picturan ko kayo ni Jiro! Naku, matutuwa si Mommy mo, hijo. Ipapakita ko sa kanya."
"Ma, wag na..." Nakakahiya kay Major.
"It's okay." sabi niya.
Tumabi ako sa kanya at tumingin sa camera. Ang tangkad niya talaga. Matangkad din naman ako, pero hanggang balikat lang ako sa kanya.
"Smile naman jan! Bawal na ba ngumiti pag nasa serbisyo?"
Mama nakakahiya talaga! Tinignan ko si Major para matantya kung naiinis na ba siya o ano, pero laking gulat ko nang nakangiti na siya. Nakikita ko ngayon si Kuya Jiro at hindi si Major Machete. He looks so charming when he smiles. Tumingin ako sa camera at ngumiti rin.
"It was nice seeing you again, Tita." sabi niya matapos kami kunan ng litrato ni Mama.
Lumapit siya at kinamayan si Mama. Tapos lumapit din siya sa akin at nilahad ang kamay niya. Tinignan ko ito tapos tinignan ko ang mukha niyang bumalik na sa pagiging seryoso. Pero ang gwapo niya pa rin.
"Congratulations. Looking forward to working with you, Second Lieutenant Agila."
"Thank you, Sir." And I shook his hand.
BINABASA MO ANG
Major Problem
RomanceIantha Agila was forced to join the military to fulfill her father's wishes. Like a twist of fate, she meets Major Jiro Machete, her childhood crush, whom she haven't seen for thirteen years.