How can I miss someone I've never met

2 1 0
                                    

( Play the song above )

They said once in your lifetime you will meet someone who will change everything.

But, what if I tell you that this someone change everything in my life without me meeting him.

Once again, I woke up crying feeling the emptiness in me. Umuulan, malamig ang ihip ng hangin at kasabay nang pag-ihip ng malamig na hangin na ito'y ay ang paggulong ng malakas na tunog ng kulog sa kalangitan na siyang mas nagpapabigat sa aking nararamdaman.

Habang yakap at pilit pinapakalma ang sarili, flashback of memories suddenly come to my mind and I remembered the first time I felt this  kind of pain. Parang mayroong karayom na tumutusok sa aking dibdib. Umaga at umuulan din ng araw na iyon nang magising ako mula sa isang panaginip.

Sa panaginip na iyon ay may kayakap akong isang estrangherong lalaki. We're both crying while hugging each other tightly under the pouring rain.

Walang gustong bumitaw sa aming dalawa sa pagkakayakap. Hanggang sa nagsalita siya at binigkas ang mga salitang ito.

" I will come back to you, okay? I will find you no matter how long it takes."

"Promise me that you will wait for me, hmm? D? Promise me? I love you, remember that. Tanging pagtango lamang aking nagawa bilang sagot sa kanyang sinabi.

Kasabay ng mga salitang huli niyang binanggit ay naramdaman ko ang unti-unting pagluwag ng kanyang yakap sa akin at tuluyang pagbitiw. Tumalikod siya at nagsimulang humakbang papalayo mula sa akin.

Nanghihina, sobrang nanghihina ako gusto ko mang habulin at pigilan siya sa pag-alis ay hindi ko magawa tanging pagtaas lamang ng aking kamay ang aking nagawa sinusubukang abutin siya. Napaupo na lamang ako habang patuloy sa pagdaloy ang aking mga luha gaya ng patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan mula sa madilim na kalangitan. Marahil dahil siguro sa sobrang pagod sa pag-iyak at malakas na buhas ng ulan sabayan pa ng malamig na ihip ng hangin ang dahilan nang aking lubos na panghihina.

It's been 2-3 years since that dream happened and until now I can't still forget it.

Simula noon hindi na naging madali ang mga araw na lumilipas para sa akin lalo na kapag sasapit ang panahon ng tag-ulan, dahil doon ako mas nakakaramdam nang sakit na hindi ko maipaliwanag. napakahirap para sa akin ang huminga. Mayroong pagkakataong bigla na lamang tutulo ang aking mga luha sa gitna nang anumang aking ginagawa. Naroon Ang pananabik na makita, mayakap, at mahagkan ang sinumang estrangherong iyon mula sa aking panaginip.

Pinagpatuloy ko ang mga araw, buwan, at taong sumunod pa. Ginagawa ang normal na mga bagay katulad ibang tao. Gigising ng maaga upang magluto ng aking agahan, maglinis ng bahay at maghanda bago pumasok sa trabaho. Mag-isa lamang ako dahil napagdesisyunan kong bumukod matapos ang isang taon pagkagraduate ko at lumipat dito sa Maynila para dito na rin magtrabaho. Labag man iyon sa kalooban ng aking mga magulang ipinilit ko parin iyon. Ngunit katiwiran ko'y dapat ko nang matutunan kung paano nga ba ang totoong hirap mabuhay ng mag-isa. Ang magtrabaho, mabayad at gumastos sa mga bagay na pangagailangan mo sa araw-araw sa tingin ko sa ganoong paraan mo mas maiintindahan ang hirap ng buhay.

Naglalakad ako ng bigla na lamang may humampas sa balikat ko.

Hoy Boi! Hindi mo man lamang ba talaga bibigyan ng pagkakataon si Sebastian?

Hindi. tanging Sabi ko.

Grabe ka naman ang tagal nang nanliligaw nung tao sayo.

Alam mo Gel mas mabuting maging Tapat ako dun sa tao kesa paasahin ko  siya. isa pa ilang beses ko naman na siyang kinausap tungkol doon tingin ko sapat na yun.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 26, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

How Can I Miss Someone I've Never Met ( One Shot )Where stories live. Discover now