Monica Singh
-Madaldal
-Medyo matalino
-Matured, siguro
-Sporty
-Friendly
-May pagkabaliw minsan
-Simpleng babae
-At Maganda ako chos!
John Lazaro
-Tahimik, pero pag trip kong mang asar. Lagot kayo sakin
-Matalino
-Friendly
-Peymus!
-Sporty
-Heartthrob
It all started at a tryout. Tryout ng basketball boys nun ng imbitahan ako ng isa sa mga best friend ko which is Gab ang pangalan. Babae po siya.
May crush kasi siya kay Paulo. Isa sa mga magtratry out na naging crush ko rin. Shhhh! Lang kayo! XD
We were cheering for Paulo ng may makita akong isang lalaking magtratry out din. Tinanong ko kay Gab kung sino siya, sabi niya John daw. Hmm… but who cares, mas guwapo naman si Paulo dun eh. Atsaka ang pandak niya! Ew!
Magkalaban ang grupo ni Paulo at ang grupo ni John. Pero imbis na nakatingin ako kay Paulo para magcheer, mas napupunta yung attention ko sa kanya. Parang may something sa utak at puso ko na… na hindi ko maexplain. But nah! Its just an infatuation. Mawawala din to.
Pero… huhu! One month na akong ganto. Pag nakikita ko siya, umiinit yung mga pisngi ko at bumibilis yung tibok ng puso ko. Feeling ko sasabog na talaga to. Kapag naman nakikita ko siyang nakangiti, feeling ko ako yung dahilan kong bakit siya ngumingiti. Pero kapag naman nakikita ko siyang may kasamang babae, nalulungkot ako. Pero ang pinakamasaklap, hindi pa niya ako kilala *punas luha*
Sgt. Of Arms ang posisyon ko sa room namin. So ibig sabihin nun, may chance na makasama ako sa SCB (Student Coordinating Body). Ginawa siyang SCB kasi, sa school na to, Principal, Guidance Counselor, at mga teachers ang bumuboto. Kapag SSG (Student Supreme Government) naman, na sa students ang boto.
So pinatawag kami para magkaroon ng election sa bawat party list. And… luckily, nandito siya! Hihi Escort kasi siya ng section nila kaya yun. 1 hour ko na rin siyang tinititigan. Buti na lang wala namang nakakapansin nun. Naboto siya as escort ulit sa kanilang party list at ako, wala. Saklap nun! Nakakatulala ka lang kasi eh, yan tuloy!
Sunday na kaya free akong gawin lahat. Nag fb na lang ako kasi nabobored ako ng may maisip akong gawin.
Monica Singh: Hi
35 minutes na pero wala paring John na nagrereply.
John Lazaro: Yow! Hello.
At sa wakas! Yiiiiieeeeeee.
Monica Singh: Congrats sa pagiging escort! :) deserve mo yan.
FC na kong FC!
John Lazaro: Ayoko nga eh.
Monica Singh: Ha? Bakit naman? Mas deserving ka kaya. May attitude kasi yung kalaban mo.
And… voila! Naglog out na siya.
Nasabi ko na bang nagtry out din ako sa volleyball? Di pa no? Nakapasok ako! Haha pangarap ko na talaga to eh.
2 months ko na ring dinadala to. May anak ka na te? Hindi! Itong kabaliwan ko sa kanya. Hmm! Patuloy itong kumakalat sa buong school. Kahit sa adviser at pinakaclose kong teacher alam na rin.
Training namin ngayon. Kahit team mates ko inaasar ako. JoMons daw lol. Marami kaming ginawa na sobrang nakakapagod pero ok lang. Para din naman to sa amin. Atsaka nandyan si inspirasyon eh. Patapos na ang training namin. Magcocool down na lang kami ng tawagin ng mga kateam mates ko si John. Siya ang ginawang partner ko sa cool down. Dahil babae ako, naiilang siya kaya sabi ko, ok na ko.
At dahil dun… naging close na kami ni John. Magbest friend na rin kami. Parati na rin kaming nagchachat sa fb at naguusap sa personal. May mga times nga na nagpapalibre ako sa kanya at lumalabas rin kami. Ibang iba sa dating pangarap ko pa lang siya. Sobrang saya! As in! Ang sarap pala sa pakiramdam na yung pangarap mo pa lang dati, ito ngayon, kausap mo na siya.
May mga nagsasabing bagay daw kami. Kahit ang pinakabest friend kong si May sinasabi din yun.
Announcement na ng SCB ngayon. Si John ang nanalong escort at si May naman ang nanalong muse. Oo, muse ang best friend ko.
Yung closure… nawala ng parang isang bula. Si May at si John, di matatanging bagay sila. Balita kasing nililigawan ni John si May. Ang sakit! Sobrang sakit! Yung tipong sasabog na siya hindi dahil sa saya, sa galit at kalungkutan.
Maraming nagtatanong kung ok lang ako, sinasabi ko na lang na oo dahil ayokong ipahalatang nasasaktan ako. Ayokong kaawaan nila ako.
4 months ko ng paulit ulit na tinatanim sa puso at utak ko ang salitang move on. Sa tingin ko oo , nakamove on na ako. Balita ngayon sa school na may gf na daw si John, pero hindi si May. Yung sakit? Wala na. Di ko na maramdaman. Balita rin na may bagong manliligaw si May. At ako? I'm so happy na single ako. Single kasama ang happiness at peace sa buhay ko ;)
"Yung akalang mong nandun ka na. Yun pala sobrang layo mo pa."
Aral mo na! :) Live young! Wild! And free! :')
______________________________
(A/N)
Ito po ang first One Shot story ko. Hope you like it guys! Comment na! Haha! Please lang lol vote na rin po please? :'( thank you sa mga readers ko! :)
BINABASA MO ANG
Akala Ko, Ikaw Na (One Shot Stor
Short StoryA story of Monica and John. Hope you like it guys! Note: Sad Story po ito pero hindi siya nakakaiyak haha! It is a true story pero yung ibang scenario hindi lololol so read na guys! :)