Prologue

0 0 0
                                    

The Lawyer's Prison Cell

Paalala ng Daldalitang Manunulat

Lahat ng nakasaad dito ay gawa ng aking GGSS na kathang isip. Kung may lugar, tao, pangyayari, hayop, bida bida, pakialamera, mapanglait, feeling maganda, chismosa, o kahit na ano mang bagay at buhay na pwedeng maiugnay at maihalintulad sa kwentong ito ay hindi sadya at nagkataon lamang.

Hindi po ito affliated sa CvSU-Imus Campus o sa kahit na anong mang lugar na maaaring mabanggit o nabanggit sa storyang ito.

Lahat po ng gawa kong storya ay R18, bawal sa mga bata o sa mga isip bata, kung bida bida ka at gusto mong ireport, happy for you! Naiintindihan mo ba o magpapaintindi ka pa?

Sa Huli, palagiin nyo sana ang pag-inum ng maraming tubig hindi ang umibig sa maling tao.😒😂

Salamat! 💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓

_______________________________________

After 8 years.....

"Oh, aarangkada na. Dalawa nalang, dalawa pa-noveleta. Sakay, sakay na!"

Sigaw ni manong drayber sa sakayan ng baby bus ng SM Bacoor.

Habang sa kabilang eskinita naman ay may naghihikahos na babae na dali daling sumakay sa loob ng pampasaherong jeep na sinusundan ng mga armadong mga lalaki

"Tangina, Hanapin nyo bilis. Nandito lang yun! Punyeta!"

Maririnig mo ang sigaw ng mga armadong lalaki habang inuutusan ang mga kasamahang netong hanapin ang babaeng kanilang sinusundan.

~EVANS POV~

Hawak hawak ko ang papeles na ninakaw ko sa isang sikat na politikong polpol na nanunungkulan sa municipyo ng Bacoor. Ang landi kasi ng hinayupak, di ata napansin ang aking ginawa habang kausap ko sya.
Sumilip muna ako mula sa loob ng baby bus bago lumabas at tumakbo ulit upang hindi ako mahuli ng mga PSG panot na hinahanap ako. Ang hirap pa namang gumalaw lalo na at naka skirt ako at sobrang taas ng taking ng suot kong sapatos.

Paliko na sana ako papuntang Kawit, Cavite ng bigla akong ituro ng Security Guard ng mismong pasilidad at nakita ako ng mga panot na PSG. Putek na yan! Tarantang taranta akong tumakbo habang tumatawid sa mismong kalsada.

Sinagawan pa ako ng traffic enforser, Bobo! Alam nyang nagmamadali eh, shunga shunga din tong si kuya. Patakbo kong sinakyan ang babybus na paalis. Shutang ina! Nak ng lampa, natapilok ako sa mismong pagpasok. Buti nalang may kondoktor na humawak sa kamay ko.

"Kuya, bayad po. Magkano pong pa-Noveleta?" tanong ko kay kuyang kondoktor na sumagip sa akin.

"30 po Ate." nakangiti nyang sagot
Hindi na ako nag-abala pang tignan ulit ang mga taong humahabol sa akin.

Tae, baka maulit na naman ang nangyare kanina tas ituturo na naman ako. Isang beses lang ako magiging tanga woi!

Habang lulan ako ng pampasaherong babybus, dahan dahan kong tinanggal ang wig na suot ko, pati na rin ang heels na nasobrahan sa taas, at ang aking maiksing skirt at dahan dahang binaba ang tinupi kong jogging pant na nakapaluob dun. Binalik ko rin sa dating ayos ang T-shirt na ginawa kong tube kanina. Hayy! Safe at last at dahan dahang bumaba ang talukap ng aking mga mata.

"Miss, Noveleta na Miss. Bumaba kana."

Pang-gigising sa akin ng kondoktor ng babybus at dali dali kong pinahiran ang aking bibig kung sakali mang may tumulong laway. Muntanga kasi si kuya, nakangiti pa rin hanggang ngayon. Creepy eh.

Kinukuskos ko ang aking mga mata habang pababa at nililibot kong tinignan ang buong lugar. Nang biglang may lumabas na panot na lalaki sa isang SUV at naglakad paunta sa sakayan ng babybus. Anak ka ng kagan naman Brella, reyna ka nga talaga ng kamalasan.

Saktong pagdating ko sa labasan, may biglang dumaang dumb truck. Dahil doon, agada gad kong tinapon ang wig at paldang tinanggal ko at lakad takbong pumasok sa Puregold. Lintik sa kamalasan, di na ako tinantanan.

"Evans Angelaaaaaaaaaaa!" napatalon ako sa gulat ng biglang may sumigaw sa may Meat Section.

"Geliiiiiiii, Yohoooooooo!" ng tignan ko ang taong tumatawag sa akin, bigla akong nahabag.

Sheteng ina, bakit nagging tagarito to si Katelyn. Nang maglakad na sya papunta sa akin, dahan dahan akong humarap at ngumingiwing kinawayan sya.

"Kamusta?" patanong kong simula

"Ito, oki naman Geli. May apat na anak na, kumakayod ng mabilis. Ikaw? Ikaw ang kamusta",

bakit ko ba kinakausap neto eh hindi naman kami close nung collage years.
Naiilang akong sumagot,

"Ito, pagod sa trabaho. Stress, natural lang yun Ahaha" patawa tawang imiiling kong sagot sa kanya.

"Kamusta pala kayo ni Dane? Akala ko ikakasal na kayo?" tanong nya habang hinawakan ang aking braso

_______________________________________

#elo

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 27, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Lawyer's Prison CellWhere stories live. Discover now