Wakas
Isaiah
"This is insane, brother.” tinignan ko ang kapatid ko na natatawa at hindi makapaniwala habang hawak ang papel kung saan nakalagay ang bagong business na gusto kong simulan as soon as possible.
"I can do it." matatag kong sambit.
"Of course. Alam kong kaya mo, but Isaiah... sigurado ka ba dito? I mean, bakit publishing company?" natatawang tanong ng kapatid ko.
"It's a good business, kuya," wika ko pero umiling lang si kuya Israel sa akin at tinaasan ako ng kilay.
"Don't fool me, Isaiah. Kapatid kita kaya kilala kita. This is for Nathalia, right?"
Hindi ako nagsalita habang nakatitig ako sa kaniya, pero sapat na yun para makumpirma niya na tama siya. Ano nga ba ang maililihim ko sa kapatid ko, masyado niya na akong kilala. Alam niya ang mga pinagdaanan ko noong iwanan ako ni Thalia, kaya alam kong alam niya na gagawin ko ang lahat para kang hindi na siya makawala sa akin ngayon.
"And about the ring, you're ordering abroad, it is also for your girlfriend?"
Kumunot ang noo ko sa tanong niya. At paano naman niya nalaman ang tungkol sa singsing na balak kong bilhin sa ibang bansa.
"What ring?" pagma maang maangan ko.
"Kakasagot lang niya sayo ay binabalak mo na agad mag propose? Masyado mo naman atang binibilisan? Baka bigla kang takbuhin ng girlfriend mo sa sobrang bilis mo."
"Hindi ako mabilis kuya, I am slowing down."
"You're crazy brother. Tama nga ang narinig ko, nauulol ka pagdating kay Nathalia." tawa ni kuya kaya kumunot ang noo ko.
"Sino ang nagsabi?"
"Hindi mo kailangan na malaman pa."
Tumawa lang si kuya pero hindi ko na pinansin pa. Ako? Nauulol kay Thalia? Nauulol nga ba ako? Nagmamahal lang ako pero hindi ako nauulol.
Dalawang linggo pa lang simula ng sagutin ako ni Thalia, at heto ako at gusto ng manigurado na hindi na ulit siya makakawala sa akin.
I can still remember the first time I saw her, in a bookstore.
Abala ako sa paghahanap ng mababasa kong libro sa isang malapit na bookstore dahil wala akong magawa sa bahay kung saan ako ngayon nagbabaksyon ng maagaw ng pansin ko ang mukha ng isang magandang babae. She looks like someone I know, I got so curious about her so I followed her.
Nang magtama ang mga mata naming dalawa ay mas lalo lamang lumalim ang pagka kuryoso ko sa kaniya. She's like a mystery to me that I want to discover.
Bawat gabi ay napapanaginipan ko si Mara, ngunit sa araw matapos kong makita ang babaeng kamukha ni Mara, hindi ako nanaginip ng masama. Sa kauna-unahang gabi magmula ng magpakamatay si Mara dahil sa akin... ay nakatulog ako ng payapa.
"Sigurado ka ba diyan Isaiah?" pagtatanong ni mama ng sabihin kong dito sa lugar na ito ko gustong mag-aral. They want to send me abroad but I instantly refused.
"Yes, ma." hindi ko na lang sinabi ang dahilan ko sa kanila.
First day of class... I immediately became popular. At sa dami ng mga matang nakatitig sa akin ay may isang mukha lang akong gustong makita... ang babaeng kamukha ni Mara.
I thought I won't be able to see her that day, but when I saw her at the end of the hallway laughing with her best friend... my heart just skips a beat. Para akong natulala na lang dahil sa mahinhin niyang tawa.
BINABASA MO ANG
A Writer's Love Story (✔️)
Teen FictionA Writer's Love Story Si Nathalia Suarez ay isang simpleng babae na may pangarap sa buhay. She loves to write stories based on her creative imagination. And her dream is to become a writer someday. A writer who can inspire people thru her books. Ngu...