CrossRoads (LRT LoveStory Sequel)

234 10 1
                                    

Please read LRT LoveStory so you can understand how this one started. Thank you for reading! Hope you'll enjoy! And i'm back with my love to make new stories for you! Thank you lovessss! :)

****

After 4 long years. I'm home. Finally.

Natapos ko na yung 2-year course ko sa culinary, at nakapag trabaho na din at nakapag ipon para makapag umpisa ng maliit na business.

Wala pa sa plano ko ang umuwi. Pero syempre, matanda na ko. At tumatanda na din ang parents ko at gusto ko namang sila ang makatikim ng luto ko.

Maraming nangyari sa Taiwan, mahirap yung unang taon dahil bukod sa kailangan ko mag work ng hindi related sa field of study ko para makapag bayad ako ng tuition at bills ko, pumapasok pa ko. Marami akong nakilalang pilipino don, may mga nakarelasyon din ako, pero wala namang nagtagal dahil sa busy nga ako.

Sinalubong ako nila Mama at Papa kasama ng mga kapatid ko at ng pamangkin ko. Iba talaga yung feeling pag buo ang pamilya. Hindi matatapatan ng kahit ano yung saya na meron ako ngayon. :)

"Anak anong plano mo ngayon? Aalis ka pa ba uli?" Tanong sakin ni Papa.

"Uhm. Hindi na po muna siguro. Gusto ko po muna mag gala kasama nyo at ng mga kaibigan ko. After a month siguro babalik po ako sa Manila para kitain si Marja at Emman para po sa resto na binabalak namin. " sagot ko naman sakanya.

Naunang umuwi sakin sina Marja at Emman na nakasama kong mag aral at mag trabaho sa Taiwan. May nadeal na daw silang place para sa itatayo naming restobar. Final meeting nalang with the owner to close the deal.

*phone ringing*

"Hello lubbs? Kumusta?" Si Marja on the other line. Lubbs kasi tawagan namin.

"Ok lang naman Lubbs. Ikaw kumusta naman ang bagong uwi?" Masayang sagot naman nya.

"Ok lang din. Medyo pagod kasi pasyal pasyal kami nila Mama. Ano palang balita dun sa place na bibilin natin?" Sagot-tanong ko sakanya.

"Ayun. Ok naman na tho gusto ka mameet nung owner. "

"O bakit naman? Hindi ba pwedeng iclose yung deal na kayo nalang ni Emman?" Kunot noo ko naman tanong.

"E kasi MJ, sayo ipapangalan yung mga papers kaya sign mo yung kailangan. Kasi in case na hanapan tayo ng kung ano anong proof ng income, andyan si Tito for supporting documents. " paliwanag naman ni Marja.

"Ah. I see. O sige luwas ako this Monday para mameet na din natin sya. " pag agree ko sakanya.

"Monday? Hindi ako pwede nun lubbs! Ichecheck kasi namin ni Macoy yung venue para sa reception ng wedding namin."

"Ay ganun ba. Ade next Monday nalang?" Suggest ko naman.

"No! Ikaw nalang muna humarap kay Ms. Mandapat para mameet ka naman nya kasi sawa na rin yun sa mukha namin ni Emman. Saka para maclose mo na yung deal kasi sabi nya magiging busy na din sya. "

"Eh si Emman hindi ba ko masasamahan sa Monday?" Tanong ko uli.

"Hindi ako sure pero sa malamang sa hindi kasi last time na nakausap ko sya mag i-Ilocos sila ni Arnel next week. "

"Hahaha. Ang busy nyo. Sige ako nalang muna makikipag meet kay Ms. Mandapat? Tama ba?"

"Oo lubbs. Forward ko sayo number nya para makapag usap kayo. Thanks! Balitaan mo kami ha? Ingat ka! See you soon" medyo excited na sabi ni Marja.

"Okidoki. See youu lubbs!"

Ieend ko na sana ng biglang sumigaw si Marja.

"WAAIIITTTT!!!""

CrossRoads(LRT LoveStory Sequel) OneShot StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon