Chapter 9 : Ang paghihiwalay

189 1 0
                                    

Nang dumating sila Robert sa grupo niya, nagulat sila dahil dalawa ang kasama niya. Si Sasha, isang  half-filipino half-russian na anak ng isang sundalo, at si Leanne, ang girlfriend ni Robert na niligtas niya mula sa bahay na maraming zombies.

Robert : Yo!

Nakangiti si Robert habang hawak-hawak ang katana na binigay sa kaniya ni Sasha. 

Ulysses : San ka galing?

Robert : Niligtas ko siya.

tumuro siya kay Leanne.

Leanne : Ah, eh.. H-hello.

Robert : Oh, at ito si Sasha. Siya ang nagligtas samin noong nacorner kami ng mga zombies.

Ngumiti si Sasha sa mga kasama niya at inangat ang niya ang baril niya sa kaniyang braso.

Sasha : Nice to meet you.

Napansin nila Steven ang hawak ni Sasha na Sniper rifle. Natulala sila sa baril at nakanganga ang kanilang bibig.

*Snap*

Sasha : May problema ba kayo?

Steven : Ah, wala, wala. Totoo talaga yan?

Tumingin si Sasha sa kaniyang baril.

Sasha : Hm? Oo. Binigay ito sakin.

Steven : Ah. Astig yan ah.

Robert : Wait til' you see this.

Nilapag ni Robert ang bag na puno ng baril at inabot niya rin ang mga pagkain na nakaplastik.

Ulysses : Ayoown.

Hiljohn : Astig, andami.

Robert : Maging responsable kayo sa pagkain. Baka maubusan tayo agad.

Kyle : Asus, ikaw nga yung matakaw.

Robert : Ahehe.

Biglang naglakad ng mabilis si Lea papunta kay Robert at sinampal siya ng malakas sa muka.

*Pak*

Nagulat silang lahat dahil sa ginawa ni Lea kay Robert.

Lea : NABABALIW KA NA BA?!

Robert : Anong ibig mong sabihin?

Lea : UMALIS KA KAGABI NG WALANG PAALAM! ANG MASAKLAP PA DOON, IKAW LANG MAG ISA! MERON KA DITONG GRUPO NA KAILANGAN BANTAYAN AT INIWAN MO LANG KAMI?! 

Robert : *sigh* ginawa ka iyon para mag ligtas ng buhay.

Lea : KAHIT NA! DAPAT SINABI MO SA AMIN!

Biglang tinanggal ni Robert ang Katana niya sa takip nito at tinapat sa leeg ni Lea. Nawala ang ngiti ni Robert at napalitan ng nakakatakot na tingin. Parang hindi na siya ang taong kausap ni Lea.

Robert : Manahimik ka. Hindi ko na kailangan sabihin sa inyo. Alam ko..na kapag sinabi ko sa inyo, pag dedebatehan niyo lang at hindi niyo ako papayagan. Pero.. SINO KA BA?! PARA PAG BAWALAN AKONG ILIGTAS ANG TAONG NAG-IISA NALANG NA NAGMAMAHAL SA AKIN?! HAH?! KUNG IKAW NASA POSISYON KO?! KUNG SI ULYSSES ANG KAILANGAN MONG ILIGTAS?! PAG DEDEBATEHAN NIYO PA BA?! 

Napayuko ang mga kasama nila at hindi makatingin sa dalawang nag-aaway. Hindi rin makatingin si Lea kay Robert dahil sa mga sinabi ni Robert sa kanya.

Robert : Sinabi mo sa akin kahapon, hindi ako isang tao dahil sa ginawa ko sa teacher na iyon. EH BAKIT NGAYON?! NAGLIGTAS AKO NG BUHAY TAPOS BAWAL?! ANO BANG MERON SA IYO?!

Lea : ....

Ulysses : Tama na yan.

Robert : Hindi. Simula ngayon, siya na ang Leader.

Impyerno sa LupaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon