Rockstar Prince

127 4 2
                                    

Author's Note://  Hello!! Konichiwa! Maligayang Pasko!!!  Ay... Mali pala... author's note lang po, short and sweet. First of all, thanks for giving this story a shot. I don't know if you will like it pero sinusulat ko lang kung ano ang nasa isip ko... random thoughts... First attempt in a novel/comedy style of writing so MAG-SORRY na ako before anything happens.

NOTE: All characters are purely fictional, BUT I OWN THEM! SO... ALL RIGHT'S RESERVE!

Disclaimer's NOTE: I do not own the songs or lyrics or the casts that I may put in here in the future...

So... I hope you enjoy it!//

__________________________________________________________

Tale as old as time

True as it can be...

Hay nako. Kahit ilang beses ko nang ulit-ulitin ang "Beauty and the Beast", di parin ako nagsasawa.

Sorry ha kung pambata! Mababa lang ang kaligayahan ko. Makapanood lang man ng mga paborito kong couples sa cartoon tulad lang si Belle at Beast, o si Anastacia at Dmitri, kikiligin na ako. Parang ako ang may love life at hindi sila.

Pag-pasensyahan niyo na ang 19 years old na never pa nagkakaboyfriend.

Alam ko kung ano ang iniisip niyo.

"Kawawa naman..." or

"Siguro pangit siya."

HOY! Ako ang pinaka-fairest of all the land! Di lang nila keri ang kagandahan ko!

JOKE LANG!!!

Tibong nerd kasi ako since forever - mas mahal pa ang libro kaysa mga lalaki. Ganun man dapat eh! Education first before ETCHEBURETCHE \m/

But still...

Nakakainggit!!! Tuwing may makita kang naga-HHWW sa daanan, para bang ipinapasabi sa akin na, "Behlat! Ako may jhowa. Manigas ka!"

Bakit ba di na lang pwede ang real life maging katulad ng isang fairytale? May pagsubok nga naman silang dinadaanan... pero alam nila na happy ending!

Syempre. Scripted kasi.

Kung pwede sana ang buhay scripted.

Pero kung ganun, wala nang adventure. Yung pa naman ang habol ko sa isang kwento. Alam mong scripted na, pero nakikita mo sa mga characters kung papaano sila nagiging tapat, matino, at matiyaga... yung bang "never give up" na attitude. Isama mo na rin ang mga leksyon na di nila alam na tinuturo na sa mga bata, though I'm sure mga writers alam nila.

Sila ang nagsulat, eh!

___________________________________________________________

Pagkatapos ng palabas, kinuha ko ang aking mahiwagang notebook.

Mahiwaga, in a sense, na lahat ng pangarap at sikreto nandito.

Dito ako nagsusulat ng mga ideya... na nagiging tula... na nagiging liriko.

Himala nga na nakakanakaw pa ako ng oras na mag-sulat. Ang hirap kaya maging estudyante ng  International Studies or I.S. for short... lalo na kapag 3rd year na.

UBOD ANG TAMBAK NANG TRABAHO!!! (x_x)

Pero what to do?

Iyun ang gusto ni papa, at to be honest, napa-ibig na rin ako sa course na ito. 

Hanep kasi magbasa ng ibang tao!

I closed my eyes. Pictures ran through my head. I imagined the characters from those tales float on my mind.

Rockstar PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon