Chapter 13

57 9 5
                                    

"I..I thought family dinner lang?" Bulong ko sa kanya. Di naman ganun kadaming tao pero madami dami pa din to noh..around 30 people. Ang ini-expect ko ay mga 5 lang!

"Cheer up! Im here..." Pag-a-aasure nito sa akin at pinisil niya pa ng bahagya ang chin ko at iginiya niya ako palapit sa parents niya?


"Rustan, my baby!" Could be his mom! She's so beautiful and elegant in her red dress! Lumapit ito kay Rust kaya napabitaw ako sa kanya at hinalikan siya sa magkabilang pisngi.


"Hi mom! You look stunning!" Napangiti naman ng matamis ang mommy niya. "Anyway, mom, I would like you to meet my beautiful girlfriend.. Jennifer Ronquillo." Hinawakan niya ako sa bewang at ipinakilala sa mommy niya. Oh my gosh! Ngayon lang ako kinabahan ng ganito katindi!



Agad namang bumaling ang mommy niya sa akin. Feeling ko bigla na lang akong iirapan nito eh. Whoah! Kalma, Jen! Alanganin naman akong ngumiti kaya malamang mukhang pilit. But to my surprise, nagniningning pa ang mga mata nitong tumingin sa akin at napaawang pa ang bibig.


"Oh my gosh, Rustan! She's so beautiful! Hi hija!" Agad niya akong niyakap at nakipag beso! Is this for real?! Mukha naman siyang totoo at hindi plastic. But who knows?! Rust was grinning from ear to ear!

"Of course, mom! Mana sa iyong kagandahan!" Bola naman nito sa mommy niya na lalong nagpangiti dito.

"Wait! Where's your dad?" Excited nitong sabi habang nagpapalinga at mukhang hinahanap ang asawa. Hawak pa din niya ang kamay ko! Pagtingin ko kay Rust ay nginitian niya ako at tumango na tila sinasabing wala akong dapat ipag-alala. Mukhang masayahin ang mommy ni Rust!

"Oh, he's there! Come hija, I will introduce you to Rustan's dad!" At iginiya nga niya ako sa matangkad at matipunong lalaki na kasalukuyang nakikipag-usap sa dalawang lalaki.

Half German ang dad ni Rust at in fairness, napaka gwapo pa din ng dad niya. Pero parang familiar siya sa akin. Mukha pang bata ang mga parents niya. Bagay na bagay sila! Kaya nga gwapo ang bunga! Bakit kaya nag-iisang anak din lang si Rust?

"Hi gentlemen! Sorry to interrupt ha? May ipapakilala lang ako.." Malamyos na sabi ng mommy niya sa mga kausap ng dad niya at agad naman silang nagpa unlak. Nagpaalam sila sa dad niya. Naka buntot naman sa amin si Rust na tila na out of place na!

Bumaling naman ang dad niya. "Yes, hon? Oh, who is this very beautiful young lady here?" Sabi nito nang mapatingin sa akin. Napatikhim si Rust pero naunahan na siyang magsalita ng mommy niya kaya napakamot na lang siya sa batok niya.

"She is Jennifer, your son's future wife! Isn't she lovely, hon?" Masayang lahad nito sa asawa. Future wife talaga?! Hmmm I like that!

"Oh yes of course, hon! She's lovely like you!" Napangiti naman ng matamis ang mommy niya! "Hi hija! Magaling talagang pumili ang anak ko, manang mana sa daddy!" Sabi naman nito at niyakap niya din ako. Halos di kami makapagsalita ni Rust dahil sa excitement ng parents niya! I can't believe this! I feel overwhelmed! Nakakaiyak ang pag welcome nila sa akin.


Maya-maya ay inaya na nila kami sa table nila para kumain. Imbes na asikasuhin namin ang isa't isa ni Rust ay ang mom niya halos ang naglagay ng food sa plato ko!


"T-thank you po tita.." nahihiya kong sabi sa mom niya.


"Mom, parang gusto kong mag selos.." biro naman ni Rust na ikinatawa ng mommy niya.

Maya-maya ay masaya nang kumakain ang bawat isa.

"Bakit kaya wala pa sila John?" Narinig kong tanong ng dad niya sa katabi niya.

Destined To Love You (Girlfriend Series #2)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon