III.
-Xyla-
"Hi ate Pits!" Bati sa 'kin ng bunsong kapatid ko. Langya talaga 'yang Pits na 'yan! May gamot ba sa pagiging bulol?
"Abby, ate Xyla. Hindi Pits! Parang shortcut ng armpit eh!" Sabi ko sa kanya saka kinurot ang pisngi nya. Ang cute talaga ng batang 'to. Nagmana sa ate!
"Ate, can you pleath dance with me?" Tanong nya with puppy eyes! Leshe! Pa'no ko ba tatanggihan ang mukha nito?
"Hay. Sige na nga. Kahit na mas malambot pa ang katawan ng mga bulate kesa sa 'kin, susubukan kong sumayaw." Sabi ko saka nagpa-play ng music. Nagsimula akong sumayaw at natatawa ako sa reaksyon ng kapatid ko. Nakatingin lang sya sa 'kin with a 'nong-ginagawa-mo-look. Tss. Eh sa 'di pinagpala 'tong mga paa ko eh.
"Hoy Xyla! Mukha kang tuod dyan! Tigilan mo nga 'yan at magbihis ka na!" Sita sa akin ni Mama na kararating lang. Napa-pout tuloy ako. Sabi ko nga 'di bagay sa akin ang pagsasayaw.
Umakyat ako sa kwarto ko saka nagbihis. Hay makapag-twitter na nga lang. Pampatanggal stress. Binuksan ko yung laptop ko saka nag-log in sa twitter. Tss. Ang dami namang tweets at retweets. Paulit-ulit naman ang mga sinasabi nila.
Nag-scroll down ako saka napansin na isang page sa facebook ang paulit-ulit na ini-retweet ng mga kaklase ko. Ang dami ring nag-favorites nun. Matingnan nga.
Nag-log in ako sa facebook saka tiningnan yung page.
Facepalm. Langya! Hanggang dito ba naman sa bahay?! Kelan ba mawawala sa paningin ko 'yang mga mukha ng Bangtan Dance Troupe na 'yan? Ghad! Sa twitter, facebook at instagram ay sikat sila.
'Wag mong sabihin na pati sa google at youtube ay sikat rin sila? Tss. Imposible naman. Biglang may nag-pop up na message kaya agad kong tiningnan 'yon.
'Paki-like lang po. <Insert URL>'. 'Yan ang nakalagay na message. I clicked it saka nasapo ang noo ko. Jongina! Pati ba naman youtube ay sinakop na nila?!
Nagtaka naman ako nang sunod-sunod na nag-pop up ang notifications ko sa facebook. At puro ganito ang nakasulat: 'Kyaaaaah!! Sasali ako sa try-out! Girls, sali tayo! May talent man o wala! Chance na natin 'to!'
O 'di ba? 'Di lang sa bar makikita ang mga malalandi. Pati na rin sa social networking sites! Mabuhay! *bow*
Makapag-log-out na nga lang. Nakaka-stress 'tong mga pinagsasabi nila. Nakakadiri rin ang mga hashtags like #BDTSaranghae, #BDTFOREVER at may ganito pa! #tatalontalagaakosatulaypagdiakonatanggapsatryout.
Ang OA ng mga 'to. Sarap pektusan!
————————
"Xyla! Xyla! Bilisan mo dyan! Magsisimula na ang try-out!" Sigaw sa 'kin ni Thea pero mas binagalan ko pa ang kilos ko. Ayaw kong pumunta sa Dancing room. Sigurado akong punung-puno 'yon ng tao. Not to mention na all girls.
"Hindi ako pupunta dun!" Sabi ko for the nth time! Kanina pa ako kinukulit nito eh. Kesyo makakakita raw kami ng gwapo. Kesyo baka magkamilagro at matanggap kami. Tss. As if namang may balak akong sumali.
"Naman eh, 'di mo man lang ba ako susuportahan? 'Di na tayo bati!" Sabi nya sabay talikod. Binatukan ko sya saka binuhat ang bag ko.
"'Di bagay sa 'yo!" Sabi ko sa kanya. Biglang lumapit 'yong kaklase ko sa 'kin.
"Xyla, pinapatawag ka ni Ms. Santos sa office." Sabi nya sabay alis. Excited rin dahil dun sa lesheng try-out. Hay. Uutusan na naman ako nun!
"May gagawin pa ako. Bye!" Sabi ko saka tumakbo palayo kay Thea! Naiwan sya na parang binagsakan ng tone-toneladang tangki!
Dumiretso ako sa English Office saka nadatnan si Ma'am Santos na may hawak na camera at bondpapers.
"Good afternoon Ma'am." Bati ko.
"Hi Xyla. Pahingi naman ng favor o." Sabi nya. Tss. Ano pa nga bang bago? Favor? Ganito 'ata gusto nyang sabihin eh: 'Pautos naman o'. Kabanas.
"Pumunta ka kung saan ngayon ginaganap ang try-out para sa recruitment ng mga taga-Lindon High. Videohan mo sila for our documentation tapos interview their lead dancer." Sabi nya kaya napasimangot ako. Juskopo! Anong kamalasan ang dumikit sa akin?!
Kinuha ko 'yong camera saka naglakad na parang zombie papunta sa Dancing room. Waaah! Ayokong harapin ang mga tao dun lalo na 'yong mga members ng BDT.
Alam ko kasing magiging awkward ang atmosphere sa pagitan namin. Pero wala na akong pakialam. Kasalanan ko ba kung hindi ako interesado sa sayawan na 'yan? Atsaka haler? Sa dami ng estudyante dito, ako pa talaga ang napili nilang i-recruit! Ako na nakatago sa igloo habang nagpapa-snow ng talent sa pagsasayaw.
Dahan-dahan kong binuksan 'yong pinto at nang makapasok ako, lahat sila ay nakatingin sa akin with wide eyes at open mouth. Eh? Kelan pa ako naging dyosa sa paningin nila?
Tiningnan ko sila with a cold stare. 'Pag sila 'di tumigil sa kakatitig sa mukha ko, ipapatawag ko talaga ang mga langaw para pasukan ang mga bibig nila. Masyado bang kagulat-gulat ang pagpasok ko rito?
Hindi ko sila pinansin saka pumunta sa center stage. Syempre para mag-announce.
"Ahem. Gusto ko sanang videohan ang performance ng bawat estudyante na nag-try-out." Sabi ko pero wala pa ring nagsasalita. Hinanap ng mata ko ang mukha ni Thea at nang makita ko sya, maging sya ay parang gulat na gulat.
"Oh! Kakakumpleto lang ng mga new members ng BDT." Tuwang-tuwa na sabi ni Candy.
"Then I'll interview them. Pati na rin 'yong lead dancer." Sagot ko saka niready ang camera.
"Gosh! Sya?! Imposible!" Rinig kong sabi ng isang babae habang nakatingin sa 'kin. Aba! 'No namang ginawa ko?
"Gusto kong matawa pero mas gusto kong umiyak! Waaaah! Wala na tayong pag-asa!" Sabi rin nung isa habang maluha-luhang nakatingin sa 'kin. Oh-kay. Anong nangyayari rito? Anong pinagsasabi ng mga 'to?
BINABASA MO ANG
Dancing Queen (BTS: Complete) ✓
FanficXyla Peach Montero, the new member of Bangtan Dance Troupe na hindi marunong sumayaw. Ang tanong: Pa'no sya nasali sa grupo ng sikat na mga dancers? Matatanggap pa kaya sya ni Jungkook sa grupo nila lalo pa't ayaw nito sa mga kulelat sa pagsasayaw? ...