Nabalitaan mo na ba na uuwi yung anak ni Boss
Diba bading yon
Yun yung sabi sabi nang ibang nakakatanda dito sa organization
Rinig na rinig ko ang usapan sa lahat nang hallway na madadaan ko lahat sila ay pinag uusapan ang pag babalik nang anak ni boss wala naman akong pakialam non.
"Hoy Lucifer!San punta mo"?
Agad akong napalingon sa taong tumawag sa akin si Butter lang pala.
"Oy Butter sa 5th floor lang pinapatawag ako ni boss". sagot ko sa tanong niya
"Baka gumawa kananaman nang kalokohan". sabi nito habang nakangiti
Iniwan ko nalang siya don habang ngumingiti parin baliw talaga yung gagong yun. Pumasok na ako sa elevator at pinindot ang 5th floor kung nasan ang opisina nang Boss ko.
Pag bukas ko nang pinto nang opisina niya nakita ko siyang abala sa pag tatype nang kung ano sa kaniyang laptop hindi niya ko napansin na pumasok kaya tumikhim ako.
Ehem!
Tinignan niya ako atsaka nang salita
"Gabriela nandiyan kana pala umupo ka" saad niya at bumalik sa kaniyang ginagawa apaka sungit talaga nang amo kahit kaila n
"Boss diba sabi ko sa inyo pag nasa loob tayo nang hideout Lucifer yung itatawag niyo" sabi ko kahit naiinis ako pag tinatawag ako nang Gabriela.
"Maiba nga ako kaya kita pinatawag meron akong mission na ipapagawa sayo". sabi ni Boss napangiti ako dahil may mission nanaman akong gawin feeling ko maging masaya to.
"May pa babantayan ako sayo dilang babantayan poprotektahan modin" kasabay nang pag dugtong nang aking amo sa kaniyang sinabi ay siya ding pag kawala sa aking ngiti. Tangina ayokong mag baby sit no ang hirap kaya non pero diko sinabi sa kaniya kasi alam kung magagalit ito.
"Sige po Sino po yong babantayan ko Boss" sagot ko sa kaniya habang may plastic na ngiti na nakapinta sa mukha ko.
"Ang anak ko" saad nang matanda na siyang ikinabigla ko ang alam sangkatutak ang bodyguard non dahil anak ito nang isang mafia dilang anak siya pa ang susunod na hahawak nang organization.
"Ano po?Sang katutak naman po ang bodyguard non ah bakit ako"? tanong ko sa matanda
"Eexplain ko nalang pag dating niya mga 10 minutes dadating na din yun Lucifer kakaiba ang anak ko kaya ikaw ang napili ko". sabi nang matanda na siya ikinalito ko anong kakaiba may powers ba siya super saiyan ba at bakit ako yung napili niya.
*Blag
Nabalik ako sa reyalidad nang may pumasok na gwapong lalaki as in ang gwapo mapapa wow yummy ka talaga ngunit na pangiwi ako nang nakita ang kaniya suot ba't puro pink naka suit ka siya ngunit mula hanggang paa pink pati sapatos pink.
"Ice ito yung bago mong bodyguard babae na pinili ko kasi lahat nang bodyguard mo NILALANDI mo". saad ni Master Lee talagang diniinan niya yung nilalandi.
"Ouch naman daddy bakit ang sama mo saakin". Napangiwi ako nang marinig ko ang kaniyang boses ang tiniis parang hindi lalaki pero lalaki batong kaharap ko.Napalingon ako kay Boss at tinanguhan niya ako parang nabasa naniya anong nasa utak ko.Ghad ito bayong sabi niya kakaiba.
"Dad kala ko fafa yung bodyguard ko bakit babae at mukhang manang". sabi nito habang tinignan ako mula ulo hanggang paa Tangina grabe makalait itong bakla to pakialam niya kung wala akong fashion taste.Kung dilang to anak ni Boss kanina ko pato binalibang.
"Hi ako si Gabriela". magalang kung bati sa kaniya habang nakangiti tangina ang plastic ko.
"Ang tawag nila sa akin dito sa organization ay Lucifer dahil sa hindi ko malamang dahilan nag simula nila akonh tawagin nang ganiyan nung napatay ko ang limang boss nang Enigma Society". mahaba kung litanya sa kaniya tignan natin kung dika matatakot saakin. Napansin kung namutla ito kaya napangisi ako yan yan ang gusto ko matakot ka sa akin.
"L-lucifer deba pangalan nang demonyo yan" utal na saad nito na napangiti sa akin nang tudo sige laitin mo pa ako.Hindi na ako umimik sa kaniya.
Totoo namang may lima akong napatay sa enigma society pero hindi mga boss ang hirap kaya patayin nang mga yon.
Ang enigma society ay isa sa mga malalaking mafia organization sa buong mundo pinmumunoan ito nang sampung bosses lahat sila ay makapangyarihan walang gustong bumangga sa kaila kahit nga boss ko takot sa kanila kahit isa din kami sa malaking mafia organization.
Ang tawag sa aming organization ay Demonic Society.
"Nga pala Gabriela mag aaral kana ngayong taon na ito don ka na din mag aral sa paaralang pinapasukan nitong si Ice". sabi nang matanda na siyang ikinabigla ko kasi mula elementary hanggang high school home schooling lang ako kasi nga maraming ginagawa sa organization.
"Atsaka pwede ba Gabriela gupitin mo na yang bangs mo para makita naman yang mata mo"dugtong nito.Ayaw ko talagang makita nang mga tao tung mata ko.Mag kaiba kasi ang kulay baka tuksuhin ako kasi simula nong bata pa ako palagi ko na itong tinatago.
"Dad I will go na kasi maghahanap pa ako nang papi at ikaw Gabriela kita nalang tayo sa condo babush". saad ni Ice habang ngumingiti sa kaniyang ama.Wow invisible ako binanggit nga niya yung pangalan ko kaso di ako tinignan.
"Boss anong magkita kami sa condo niya?" gulat kung sabi sa boss ko
"Pansamatala kitang itatapon don para maigi mo siya mababantayan" sagot nito sa tanong ko
Anong pansamantala pag kakaalam ko 3rd year college nayung anak ni boss. Teka dalawang taon ako sa kanila.
"Boss wag mong sabihing"
"Yes dalawang taon kang makikisama sa aking anak".saad nito habang naka ngiti na parang wala lang sakaniya.
NO.Sa tanang buhay hindi ko pa nararanasan na may kasamang lalaki sa iisang bahay pero lalaki nga ba ang kasama ko.
"Nga pala transfer nalahat mula ngayon masanay kanang tinatawag na Gab atsaka kung may dadalhin mang lalaki si Ice ibalita mo agad sa akin". saad nito
"Yes boss sege aalis na ako sisiguradohin kung maayos itong trabaho ko"pag papalam ko atsaka nang bow.
Habang nag lalakad ako iniisip ko padin kung bakit kailangan ni Ice nang bodyguard meron naman siyang sangkatutak na tauhan at bakit kumuha si boss nang tauhan galing sa Demonic Rank.