CHAPTER 22: MAKE-OVER

38 6 0
                                    

Sa wakas, dumating na ang araw ng lunes kung saan makikita ng mga magkakaibigan ang bunga ng pagtulong nila kay Lyrica. Sa araw ding ito, nagrereklako ang ilang estudyante dahil sa ipinasara ng grupo ni Reysha ang buong kwarto ng kanilang Section. Dahil na rin sa ihinahanda na nila ang kanilang representative na si Lyrica. Kahit ang mga lalaking kaibigan nila ay hindi rin nila pinagbuksan ng pinto.

Carl: "Oy!!! Reysha!! Buksan nyo nga ang pinto!! Parte rin ako ng organizing team ni Lyrica!!! Bakit kailangang pati ako hindi mo papapasukin jan sa loob?!"

Albert: "Carl, ako din naman ah. Parte rin ng organizing team ni Lyrica. Hindi lang ikaw."

Archie: "Guys! Tatlo tayong ayaw papasukin ni Reysha sa loob. Mukhang isinali nya tayo sa mga kaklase natin na pinagbabawalan nilang pumasok."

Sa inis ni Carl, lalo pa nyang kinatok ng husto ang pinto hanggang sa bahagyang binuksan ni Reysha ang pinto ngunit kita lamang ang kalahati ng kanyang mukha.

Reysha: "Hoy!!! Anu ba?!!! Inaayusan namin si Lyrica dito!!! Wag nga kayong istorbo!!!!"

Carl: "Anung istorbo?!!! Kasama din kaming tatlo sa Team mo!!! Bakit pati kami ayaw mong papasukin?!!!"

Reysha: "Kasi nga, ayaw ko na makita ng kalaban ang bagong istura ni Lyrica!!!"

Carl: "Eh bakit kasama kaming tatlo sa hindi pwedeng pumasok?!!!"

Reysha: "Tsismoso ka kasi!!! Tsaka nagpapalit pa sya ng damit!!!"

Albert: "Reysha, pwede naman sa banyo magpalit si Lyrica. Bakit kailangang buong kwarto ng section natin ang ipasara mo para ayusan si Lyrica?!!"

Reysha: "Albert!! Alam mo namang karamihan sa mga kaklase natin, mga sira ulong manyak!!!! Baka mapanghinaan pa ng loob si Lyrica oras na pagkaguluhan sya ng mga kaklase natin!!!"

Carl: "Pero bakit kailangan mo pa kaming isali sa mga bawal papasukin? Eh mga kasamahan mo naman kami?!!"

Reysha: "Ah!! Basta!! Hindi Pwede!!! Kaya bahala kayo jan!!!"

Isinara ng pagkalakas-lakas ni Reysha ang pinto kung saan parang hindi niya kilala ang mga kaibigan nito. Nainis naman ang tatlo sa inasal ni Reysha.

Carl: "Reysha!! Ngayun, alam ko na kung bakit nag-aaway kayo lagi ni Jett!! Ang arte mo!!"

Archie: "Oy!! Carl, itigil mo yan!! Baka marinig ka pa nya!! Hayaan na lang natin yung tatlong Girls kung anu ang plano nila."

Sa hindi inaasahang pagkakataon, biglang bahagyang binuksan ni Reysha ang pinto at hindi natutuwang tinitigan si Carl.

Archie: "Sabi ko naman sayo, Carl. Mukhang narinig ka nya."

Carl: "Eh totoo naman ah. Na lagi silang nag-aaway ni Jett dahil sa napaka-arte nya!! Walang konsiderasyon si Reysha sa mga kasama nya at mas sinusunod lang nya ang pinaplano nyang gawin!! Samantalang si Jett, may konsideryason sa mga kasamahan nya!!"

Albert: "Carl, Tama na yan!! Gagalitin mo lang si Reysha sa mga sinasabi mo!! Baka nakakalimutan mo, nagtutulungan tayo para manalo si Lyrica sa Pageant!!"

Carl: "Nagtutulungan?! Eh mukhang sinosolo nung grupo ni Reysha ang mga tulong natin!!"

Reysha: "Oo na!! Sige na!!! Papasukin ko na kayong tatlo!! Basta't tigilan mo na, Carl, ang paggamit sa pangalan ni Jett!!!"

Agad na binuksan ni Reysha ang pinto at pinapasok sila Carl, Archie at Albert sa loob. Isinara at ikinandado naman ni Reysha ang pinto pagpasok ng tatlong lalaki. Sa likod ng kanilang room, nakita nila sila Aileen at Rochel na abala sa pagmemake-up kay Lyrica at nakaharap naman ito sa pader. Si Reysha naman, biglang umupo sa upuan, katabi ng pinto.

Ang Misteryosong Pagkawala Ni Jett (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon