~Prologue~
Tumatakbo ako ngayon. Hindi ko alam kung bakit eh wala namang nahabol sakin. Siguro dahil to sa excitement na nararamdaman ko. Dahil ito ang araw na...
MAGTATAPAT NA KO KAY PATRICK!
Sino siya? Siya lang naman ang Ultimate crush ko ever since the world begun! Chos! Since Grade 6 lang naman hanggang ngayong 4th year high school na ko. Gwapo siya, matangkad, matalino, maginoo, mayaman, magaling sumayaw... basta nasa kanya na ang lahat ng bagay na hinahanap ko sa isang lalaki. Well, bukod sa isang bagay na kung saan siya kilala...
Isa lang naman siyang WOMANIZER!
Halos lahat na ata ng magagandang babae dito sa campus namin eh naging ex niya o di kaya naman naka-flirt na niya. Wala siyang pinalalampas, kahit mas matanda man o bata basta pag nagandahan siya dito, sugod agad kahit pa may kalandian siyang iba. Kaya nga ilag sa kanya ang iba kasi nga grabe siya magpaiyak ng babae na minsan nakaka-trauma daw. Pero ewan ko ba, kahit gaano pa kapangit ang reputasyon niya gusto ko pa din siya.
Ayy, natakbo nga pala ako papunta sa classroom nila. Hawak ang love letter na halos pumuyat sakin kagabi. Kulay pink ang sobre nito at medyo makapal dahil 5 pages ata ito sa sobrang haba. Hindi ko kasi alam kung paano sasabihin sa kanya kaya halos ikwento ko sa kanya ang buong limang taong may gusto ako sa kanya.
Tumingin ako sa paligid... Ayy tae! Lumagpas pala ako! Bumalik ako pero this time naglalakad na lang. Mga dalawang classroom lang naman ang nailagpas ko.
Sa wakas, nandito na ko sa tapat ng pintuan ng room nila.
INHALE.
EXHALE.
INHALE.
EXHALE.
'Kaya ko to!' sabi ko sa sarili ko.
Much better. I knocked twice tapos binuksan ko na ung pinto. I looked inside at ayun, nakita ko din siya. Nandun siya sa 3rd row. Nakaupo siya sa isang armchair ng upuan tapos ung paa niya nakataas pa. (Naiimagine niyo ba? Basta ganun un xDD)
Lumakad ako palapit sa kanya.
DUB DUB.
DUB DUB.
Kinakabahan ako pero wala na kong choice. Gustuhin ko mang umatras pero huli na dahil napansin niya nang palapit ako sa kanya.
>////<
Shet lang. Nakakatunaw yung titig niya! Pamatay talaga. Lalo tuloy akong kinabahan eh!
Pero this is it na talaga.
Nung nakalapit na ko sa kanya iniabot ko na ang dugo't pawis kong love letter.
"P-para sa'yo, Patrick" Nakayuko kong sabi.
Kinuha niya naman sa kamay ko ung sulat. Tinitigan niya muna ito.
DUB DUB.
DUB DUB.
Tapos tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Tapos tumingin ulit siya dun sa sulat.
Ngumisi siya.
Teka, parang may mali? Parang di tama...
Pero bago pa ko makapag-isip may narinig akong tumatawa.
Ano to? Tinatawanan niya ko?
"Ano to joke?" tapos tumawa ulit siya. Pero this time sobrang lakas, kaya halos lahat ng ka section niya tumatawa na din.
Naguguluhan ako. Bakit ganito? Hindi ito ung ineexpect kong mangyari.
"A-anong nakakatawa?" Napakunot-noo na lang ako. Hindi ko talaga alam kung anung nangyayari...
"Anong nakakatawa?... IKAW! HAHAHAHA!" at nagtawanan ulti sila.
"A-ako?" tinuro ko ang sarili ko.
Tumigil siya sa pagatawa.
Tumayo siya sa kinauupuan niya. Tinignan niya ko ulit mula ulo hanggang paa. Umikot pa siya sa paligid ng kinatatayuan ko.
Kinakabahan ako. May halong takot din. Gusto kong tumakbo palabas ng room na to pero parang ayaw kumilos ng mga paa ko.
Para bang nabato ako sa kinatatayuan ko.
"Sa tingin mo ba magugustuhan kita? Tignan mo nga yang sarili mo! Ang pangit mo kaya! Nerd pa. Pandak. Puro pimples," hinaplos niya ang buhok ko, lumayo ako ng konti, "Ang pangit ng buhok mo. Wala kang fashion sense."
Nanginginig ako. Gusto ko siyang sampalin. Nararamdaman ko na ang luha sa mga mata ko pero pinipigil ko itong bumagsak.
He smirked.
"In short.." lumapit siya sa akin na halos magdikit na ang mga ilong namin, "WALA KANG SEX APPEAL" tapos tumawa siya ng pagkalakas lakas.
Dun na bumagsak ang mga luhang pinipigil ko kanina pa. Parang nadurog ung puso ko sa sobrang sakit ng narararamdaman ko. Kailangan kong lumabas dito. Kailangan kong mapag-isa.
Tumakbo ako palabas ng room. At dumerecho ako sa CR.
Nagkulong ako sa pinakadulong cubicle.
Tuloy-tuloy ang pagiyak ko.
Tae naman kasi, First crush ko siya...
First love... at higit sa lahat, un ang
First confession ko un.
Di ko alam kung gaano katagal akong umiyak dun pero palubog na ang araw kaya tingin ko ga-balde na ung naiyak ko.
Nung tingin ko maayos na ko. Lumabas na ako sa cubicle na yon. As expected wala nang tao nun. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin.
"Darating ung araw na lahat ng lalaki magkakandarapa sakin. Sex appeal lang ba ha? Sa susunod na magkita tayo sisiguruhin ko na sandamakmak ang meron ako nun. At bawat tumingin sakin paglalawayan ako! At kasama ka na dun, Patrick."
- - - - - - - - - -- - - - - - - - - -- - - - - - - - - -- - - - - - - - - -- - - - - - - - - -- - - - - - - - - -- - - - - - - - - -- - - - - - - - - -
kamusta naman ang prologue ko? first story ko to kaya please support me, para naman sipagin ako xDD nga pla mejo true to life to xD pero MEDYO lang talaga pramis ^^
LIKE.
COMMENT.
VOTE.
SALAMAT~ ♥
BINABASA MO ANG
The Sex Teacher
HumorSELENA'S POV Ilang taon na ang nakalipas pero di ko parin maiwasang maging bitter. Paano kasi di pa ko nakakaganti sa ginawa ng hayup na lalaking un! Sinira niya lang naman ang teenage life ko noh! Oh well, mali siya ng binangga! Kung dati di ako gu...