The plan

9 1 0
                                    

I'm here at an instagramable cafe drinking my favorite iced coffee while finishing my work. Paano ba naman kasi yung internet provider namin sa bahay parang may favoritism sa artista lang ata mabilis. Kesa mainis ako sa bahay habang nagrereklamo sa boss ko (sa isip ko lang) at nag rarant sa operator na sumasagot ng tawag ko, kaya pinili ko na lang dito. Wala naman akong choice eh.

So anyways, mag 3pm na ng nawala ako sa focus dahil sa mga junior high students na umupo sa harapan ng table ko. So I take a pause and stretch my neck habang poker face na nakikinig sa mga chikahan about crushes nila.

Sabi ng iba ang pinaka masayang stage o level sa pagiging estudyante ay highschool life. Kasi maraming memories ang nabuo. Dahil yung mga classmates mo lahat regular yung schedule, same time sa kada break. Tsaka magkakakitaan kayo ng friends mo from other year level or section.

Habang nakikinig ako sa mga kwentuhan nila ay bigla akong may naalala during my highschool days. Naka-relate kasi ako sa isang girl then biglang may nag pop-up sa mind ko.

After mag share nung girl na super relate ako ay nag focus na ako ulit sa work ko. Syempre dahil isa ako sa nagpapa-alipin sa salapi kaya focus sa work muna.

Nakauwi na ako sa bahay. Buti na lang friday ngayon kaya hindi ako maiinis kung bukas wala pa rin kaming internet.

Tapos na rin ako kumain ng dinner kaya nakahiga na ako habang nanonood sa TikTok at nagpapabudol sa mga nag live selling. Bigla ko na exit kaya may nag appear na video about highschool crush.

Saka ko lang naalalaa na may gagawin nga pala ako. Dahil fan ako ni Jenny Han gagawa ako ng letter sa naging highschool crush ko.

Sa sobrang high-tech na ng mundo. Ngayon ko pa talaga naisipan na magsulat. In my defense, naging busy ako sa work so ngayon lang ako magkakaroon ng time na pakawalan na ang sikretong naitago ko ng matagal.

Ready ka na ba?




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 24, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Confession Letter To My CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon